Szeyl's POV.....
"Teka nga umamin ka nga sino ka ba?" Tanong ni Dylan na ngayon ay parang imbestigador kung makapagtanong sakin at kay Karma.
We're currently sitting at the back of the house where we have full access to mesmerising the beautiful scenery of the lake located at the back of our house.
"Kapatid ko " mabilis na sagot ni Karma na syang sinang ayunan ko ng tango at ngiti.
Madiin akung tinitigan ng lalaking may suot na salamin.
Infairness gwapo ang mokong.. pero mas gwapo parin ang asawa ko.
"Kapatid mo ba talaga yan o asawa" may ngising sabat ng lalaking kasama rin nila. He has a fine posture as Karma actually all of them,
"Magkapatid talaga kami" sagot ko rito at nginitian sya. Kita ko naman ang pag iwas nito ng tingin sakin.
"Paano iwan ko muna kayo nila kuya.... magluluto muna ako ng makakin natin" paalam ko sa kanila at sabay naman silang tumango hindi naman nakaligtas sakin ang mga judgemental nilang tingin kay Karm.
****
"Alam niyo hindi talaga ako magtataka e kung magkapatid talaga si Karma at Szeyl.... tignan niyo magkahawig din sila" pahayag ni Lucky na inaayos pa ang salamin nito.
Pinakilala na sakin ni Karma ang mga kasama nya si Lucky ang lalaking nakasuot ng salamin si Dylan na syang nagbanyo kanina at si Jad na seryuso sa kanilang lahat.
"Oo nga e" tipid na sagot ni Dylan na ngayon ay busy sa pagsubo ng ng kanin at niluto kung chicken curry.
"Mahilig ka ba sa mga pusa at aso?" Nakataas ang kilay na tanong ni Jad na hanggang ngayon ay nakahalukipkip parin.
"Oo" nakangiti kung sagot.
"Oh, it's that so.... if you have a spare time would you want to go in my place... marami akung alagang pusa at dogs baka lang naman gusto mo" seryuso parin nyang sabi.
Tumango naman ako saka sumagot. "Oo gusto kung pumonta" sabi ko saka ngumit sa kanya.
"Ang sarap ng luto mo... pwede bang mapadalas ang ponta ko dito para paulit-ulit na matikman ang luto mo Szeyl?" Nakangiting sabi ni Dylan na sa kanilang lahat ay sya lang ang tanging maraming naubos sa luto ko.
Nilingon ko si Karma na ngayon ay wala ng mabakas na kahit ano mang emosyon sa gwapo nyang mukha.
"Y-yeah.. sure you can come here always.. pwede kitang lutuan ng kahit anong lutong pinoy marami akung alam na lulutuin para sayo" sagot ko rito na syang kinalawak ng ngiti nya.
Isa-isa ko silang sekretong pinagmamasdan at kita ko namang nag e-enjoy sila sa luto ko maliban kay Karma na hindi pa nagagalaw ang kinakain nya.
Kunot noo ko naman itong binalingan ng tingin at seryuso lang itong nakatitig kung saan. Umiling nalang ako saka sumubo ng kanin at chicken curry.
"Kaya pala ayaw kaming papontahin ni Karma sa bahay nya kasi pinagdadamot ka nya samin Szeyl... over protective ang kuya mo sayo" biglang sabi ni Lucky na ngayon ay nakangising aso kay Karma na seryuso parin.
Ano bang nangyayari sa lalaking to.....
"Ang ganda naman kasi ni Szeyl e kung ako pa ang kapatid nyan e ganyan din ako kay Karma" gatong naman ni Dylan.
Umiling lang si Karma at lumingon sa ibang deriksyon. Namumula naman ako dahil sa puri nila.
"Oo nga pala Szeyl nabanggit ni Karma saamin... interior designer ka pala?" Biglang tanong ni Lucky.
Napangiti naman ako sa kanila at napatungo na sumagot. "Ah oo" simpleng sagot ko lang sa kanila na ngayon ay bakas ang amusement sa mukha nila.
"Talaga kung pwede sayo pwede ba namin makita ang portfolio mo?" Manghang sabi ni Dylan na ngayon ay nakapangalumbaba na dahila tapos na ito sa pagkain.
"Naku... kasi sa ngayon hindi pa ako confident na ipakita ang mga design ko pasensya na" hinging paumanhin ko.
"Baka nga sya rin ang dahilan ng pagsasara ng kompanya nila e" wala sa oras na napalingon ako kay Karma na ngayon ay nakangisi na ng nang uuyam sakin.
"Kuya Karma wag mo nga akung mabiro ng ganyan" malungkot na sabi ko.
"But I'm not joking," salubong ang kilay na aniya.
Kung alam mo lang na sa kompanya mo na ako magt-trabaho e......
"Ano ka ba naman Karma wag mong ngang kausapin si Szeyl ng ganyan... babae parin yan e" pagpapalubag loob ni Dylan na ngayon ay halata ang pagpapacute sakin.
Haysstt! Kung alam niyo lang ang totoo pustahan tayo hindi ka aakto ng ganyan sa harap ko Dylan......
Napangiti nalang ako sa nasa isip ko. "Hoy! Dylan wag ka ngang magpacute sa kapatid ko" biglang sita ni Karma kay Dylan na agad na nabawi ang pagpapacute face nito sakin.
"Masyado bang halata na gusto ko ang kapatid mo Karma pasensya na" natatawa namang binawi ni Dylan ang tingin nito sakin.
Ilang minuto pa kaming nagusap-usap bago nila mapagdesisyonang umalis na.
Ako naman ay niligpit ang pinagkainan namin at nilinis na ang kusina at ang mga ginamit kung panluto sa tanghalian namin kanina.
Nagpupunas ako ng mesa ng biglang dumating si Karma na may dalang baso at nilagay sa sink.
"Karma kailan ulit poponta ang mga kaibigan mo dito " magiliw kung tanong habang napapalakpak pa.
Hindi kagad sumagot si Karma hindi rin nakaligtas sakin ang pagkuyom nito ng kamao nya at pag igting ng panga nya.
"Kakaalis lang nila namiss muna sila agad" kunot noong sabi nya saka ako binalingan ng tingin. Pilit kung kinakapa ang emosyong nakatago sa kailaliman ng mata ni Karma ngunit wala akung makapa.
"Hindi naman sa ganun pero ang saya lang kasi nilang kausap" sagot ko rito na dipa tinatanggal ang matamis na ngiti sa labi ko.
"May mga girlfriend ba sila?" Sunod ko pang tanong na mas lalong nagpadilim ng mukha nya. Hindi ko alam kung bakit bigla-bigla ay nagkakaganito si Karma.
"Bakit disappointed ka kung meron" may ngising aso nyang sagot sakin.
"Hindi naman.. kasi hindi naman sila ang tipo kung lalaki" nakangiti ko pang sabi sabay pont sa sink at inayos ang mga kubyertos na naroon saka hinarap siya ulit ng magsalita ito.
"Bakit anong tipo mong lalaki?" Kusryuso nyang tanong ng nagpapaskil ng ngiti sa mga labi ko.
"I like smart guys" nakapangalumbaba kung sagot habang nangingiti. "Why?" Simpleng tanong nito.
"Hmm.. dahil rin siguro sa hindi ako gaano matalino kaya gusto ko ng matatalino" hindi mawala wala ang ngiti ko habang ini-imagine si Karma. Siya naman talaga ang tipo ko ayaw ko lang malaman nya dahil baka masamain nya yon.
"That's true" huling sabi nito saka umalis na may nakaklokong sabi.
"Aba't talagang pina mukha mo pa talaga yan sakin ah.. nakakainsulto ka alam mo ha yon!" Habol na sigaw ko sa kanya.
Ang mokong di ba pwedeng makisakay nalang siya sa lahat ng sinasabi ko.
"Nakakinis" sabi ko nalang at saka pinagpatuloy ang mga ginagawang nahinto dahil sa usapan namin ni Karma.
Inis kung tinapos ang lahat ng gawain ko.... kuyawerks!! Talaga ang ugok e.....
****
Purpleheartybaby101

YOU ARE READING
CATCH ME I'M FALLING
Short StoryKarma is a successful architect and the owner of a construction company. He is also a notorious playboy who gets into trouble with a mafia boss wife. To avoid danger, he is forced to marry his childhood friend, Szeyl. Szeyl, on the other hand, is a...