"Yeah, I know." Sabi naman niya. "Sadly, Vince already made a decision for you."
"That's why I wanna talk to him about this as I don't like it! Alam mo ba kung nasaan siya ngayon, Koy?"
"Kung gusto mo talaga siyang makausap, puntahan mo siya sa bahay nila." Sagot naman niya. "At bilisan mo hangga't wala pa si Tita Van doon."
What he said somehow raised my hopes up. Nagpasalamat ako kay Kokoy at agad kong pinuntahan si Binbin sa bahay nila para makapag-usap kami.
Pagkababang-pagkababa ko ng jeep ay agad akong kumaripas ng takbo't wala na akong pake kahit malakas pa ang buhos ng ulan makarating lang agad sa bahay nila. Doon, sinigaw ko nang sinigaw ang pangalan ni Binbin para labasin niya ako't makapag-usap kami. Pero halos mamaos na ako'y walang lumabas na Binbin para kausapin ako. Tanging si Tita Van lang ang lumabas para sa'kin at pinapauwi na niya ako.
"Tita Van, nand'yan po ba si Binbin, si Vince? Gusto ko lang po siyang makausap. Please?" Pagmamakaawa ko sa lesbian dad ni Binbin.
"Wala ang anak ko dito. So, umuwi ka na sa inyo, bata." Masungit na sagot naman niya sa'kin.
"Alam n'yo po ba kung nasaan siya? Gusto ko lang po talaga siyang makausap. Bi-nlock na po kasi niya ako, eh."
"Hindi ko alam kung nasaan si Angelo ngayon. At kung bi-nlock ka na nga ng anak ko'y hindi mo ba maintindihan na ang ibig-sabihin noon ay ayaw ka na niyang makausap?" At hindi ako nakasagot sa sinabi ni Tita Van. "Sige na't umuwi ka na. Basam-basa ka na ng ulan, oh."
Papasok na sana si Tita Van sa bahay nila pero agad ko siyang pinigilan at lumuhod ako sa harapan niya.
"Please, Tita Van. Alam ko pong nasa loob po si Binbin. Baka pwede ko naman po siyang makausap kahit saglit lang po..!" Pagmamakaawa ko sa kanya.
At kahit nagpupumiglas na si Tita Van sa pagkakakapit ko sa kanya mula sa likod ay hindi ko siya pinakawalan hangga't hindi niya ako pinapayagang makita ang anak niya't makapag-usap kami nang masinsinan.
"Pakiusap po, Tita Van. Mahal na mahal ko po ang anak n'yo..! Ayoko pong makipaghiwalay sa kanya..!"
Hanggang sa napikon na nga sa'kin si Tita Van, hinarap ako't napatayo ako sa'king pagkakaluhod nang kuwelyuhan niya ako.
"Naririnig mo ba ang mga sinasabi mo, Jayson?! Mahal na mahal mo ang anak ko?! Pero nang kumalat ang picture ni Angelo na may kahalikang lalaki'y tinanggi mo ito kahit ikaw naman talaga ang humalik sa kanya doon sa picture! Anong klaseng kagaguhan 'yan?!"
At ang tanging nagawa ko na lang ay ang humingi ng tawad sa kanya at kay Binbin.
"Sige na, umuwi ka na, bata. Kalimutan mo na ang anak ko't good luck na lang sa pag-abot mo sa mga pangarap mo." Sabi ni Tita Van pagkatapos niya akong itulak dahilan para bumagsak ako sa basang kalsada.
Papasok na sana siya sa loob ng bahay nila pero agad ko siyang hinawakan sa kanyang mga binti't nagmakaawa ulit sa kanya na makausap ang anak niya dahilan para kuwelyuhan niya ulit at ambahan ng suntok pero hindi niya tinuloy.
"Isa pa, Jayson, isa pa't baka hindi na ako makapagpigil pa't tuluyan na talaga kita dito mismo." Pagbabanta pa sa'kin ni Tita Van dahilan para matakot ako sa kanya. "Pinagbigyan na kitang mapalapit sa anak ko. At ngayong hindi mo naman pala kayang panindigan ang panlalandi mo sa anak ko'y tigilan mo na siya't basketball na lang ang atupagin mo. At ayoko na ring makikita kitang aali-aligid na naman sa anak ko kundi malilintikan ka na talaga sa'kin. Maliwanag ba?!"

BINABASA MO ANG
Next Page (BL)
RomanceJayson Dacanay and Vince Angelo Badilla's secret relationship got exposed to the public which Jayson strongly denied that hurts Vince's feelings to the point he broke up with him on their college days. Years passed, Vince is now a licensed orthoped...
Chapter 25
Magsimula sa umpisa