Esla"Bakit ganun ka arte ang anak ni Tita Divine?" takang tanong ko sa isang katulong, nag huhugas siya ng plato ngayon dahil kakatapos lang namin mag hapunan.
Nakasandal lang ako sa may lababo, wala naman kasi akong ibang makakuwentuhan dito kundi ang mga katulong lang.
"Hindi rin namin alam Esla eh pero noon paman ay ganyan na talaga siya, alam na rin namin ang mga ayaw at gusto niya." mas lalo lang kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Noon pa pala talaga maarte ang isang 'yon.
Napaka-OA niya, putik lang parang ikamatay na niya, tandang tanda ko kung paano siya tumili kanina, kita ko pa nga nun na parang naiiyak na siya. Napapailing nalang ako dahil hindi ko alam na may ganun pala talaga ka arteng tao.
Anong nakakadiri sa putik? Hindi naman iyon mabaho dahil malinis naman ang harden nila. Bakit ba kasi siya bumaba kanina sa harden kung ayaw niya naman palang madumihan?
"Ano bang mga ayaw niya?" tanong ko para alam ko naman kung anong mga "dapat" kong gawin para bwisitin siya lalo, hindi ko siya magagantihan ng insulto dito sa bahay nila pero masisiguro kong gagantihan ko siya sa mga bagay na ayaw na ayaw niya na hindi niya mahahalata!
Naiirita ako sa kanya, sobra sobra ang pang iinsulto niya sakin at talagang minumura niya pa ako ng harap harapan! Ayaw ko nang ginaganun ganun ako. Hindi porket may-ari siya ng bahay pwede niya nang gawin iyon.
"Ayaw niya sa madudumi, mabaho, at ginagalaw ang mga gamit niya." tumango ako agad at parang nilista na iyon sa utak ko.
Ayaw niya sa madumi, kung hilamusan ko kaya siya ng putik? Ayaw niya sa mabaho, magagalit ba siya kung uutot ako sa harap niya? Ayaw niyang ginagalaw o pinapakialaman ang gamit niya, paano kung guluhin ko ang kwarto niya—syempre di ko iyon gagawin, bakit naman ako papasok sa kwarto niya?!
"Ano pa po?"
"Natatandaan kong may mga ayaw din siyang pagkain, may ayaw din siyang kulay na nakikita rito sa bahay." tumaas agad ang kilay ko nang marinig iyon.
Normal lang na may mga ayaw tayong pagkain pero ang kulay?! Well, may mga hindi rin akong paboritong kulay pero hindi naman ako ganun ka OA para pagbawalan na iyon sa bahay.
"Anong kulay naman?"
"Violet. Lahat ng gamit na Violet ay talagang tinatago namin o kaya tinatapon nalang dahil ayaw nga makakita ni sir ng ganung kulay dito sa loob." napapailing nalang ako at natatawa. Putanginang 'yan di ako makapaniwala!
Ganun na siya ka arte?!
Dahil nga malapit nang mag alas nuebe, pumasok na ako sa kwarto para maligo at mag bihis.
Nag suot lang ako ng laced crop top at leather pants, kitang kita ang halos lahat ng tattoo ko sa katawan.
Tinali ko sa high ponytail ang buhok ko para mas kitang-kita ang pinaka paborito kong tattoo... ang scorpion sa batok ko.
Nang matapos na akong mag ayos ay kinuha ko na ang gitara na nakasandal lang sa gilid ng kama. Nag lakad na ako agad palapit sa pinto at saktong pag bukas ko nagulat agad ako nang bumungad sa akin ang mukha ni Sivan. Nagulat din siya.
Pinanliitan ko siya ng mata dahil bakit nandito nanaman siya sa harap ng kwarto ko?! Sinisilipan niya ba ako?! Pinalampas ko lang iyong kahapon dahil baka nagkamali lang siya, pero bakit nandito nanaman siya ngayon?!
Nakaplain white pajama pa siya at black tank top, nakalugay din ang medyo mahaba niyang buhok, halatang patulog na, pero bakit siya nandito sa harap ko?!
Manyak nga ata talaga ang isang ito.
"Naku naman... mukhang may balak ka nanamang silipan ako ah!" Nakangiwing sabi ko sa kanya. Umatras naman siya sakin at kumurap-kurap. "Manyakis ka!" dagdag ko pa.
Unti-unting gumuhit ang inis sa mukha niya na parang diring diri sa sinabi ko.
Wow?! Siya pa talaga nandiri sa sarili niyang kagagawan.
"You're worried I'm peeking? Hindi ako manyak at wala ring ka-manyak-manyak sayo. Why would I even bother? There's nothing there to see..." taas kilay niya pa akong pinasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa na parang walang interesting sa buong pagkatao ko.
Nang binalik niya sa mga mata ko ang tingin ay umangat ang gilid ng labi niya. Mukhang nag pipigil ng tawa. Kumukulo na agad ang dugo ko sa galit.
"Your chest's as flat as a piece of cardboard." napanganga na talaga ako sa sinabi niya. Hindi ako agad nakagalaw, tumalikod na rin siya sakin.
Napakurap-kurap nalang ako dahil hindi ako makapaniwala! Bago pa siya tuluyang makalayo sa akin ay mabilis ko siyang sinundan. Nang maabutan ko nga siya ay hinila ko ang damit niya sa likuran para maharap siya sakin. Nanlaki ang mga mata niyang humarap sakin.
Kinuha ko ang kamay niya at nakangising nilagay iyon sa dibdib ko. Bakla naman siya kaya ayos lang! Gusto ko lang patunayan na hindi naman ako kasing flat ng sinasabi niya.
Nagulat pa siya sa ginawa ko. Ngayon ay para na siyang nakakita ng multo sa sobrang paninigas at pag laki ng mga mata. Parang namumutla na siya.
"Tangina mo, anong flat? May laman 'yan oh! Nakakainsulto ka ah!" gigil na sabi ko.
"What the hell are you doin—oh shit! Oh my fucking ghad!" agad siyang napasigaw ng sobrang lakas nang mahawakan na nga niya ang dibdib ko, parang nakukuryenteng binawi niya ang kamay niya sakin. Sobrang nakakarindi ang tili niya!
Napailing nalang ako lalo na nang makitang mukha na siyang nabaliw at hinahabol ang hininga niya.
"What happened?! Sivan?" biglang sulpot ni Tita Divine. Natataranta itong lumapit sa amin.
Hindi sumagot si Sivan dahil namumutla parin ito, napapansin ko pa ang medyo panginginig ng kamay niya, parang naiiyak na rin siya. Hindi siya sumagot sa tanong ni Tita Divine, nag mamadali lang siyang nag lakad papunta sa kwarto niya, sumunod naman agad si Tita Divine.
Ilang sandali muna akong nakatayo lang doon bago ako napairap nalang sa hangin. Ganun na siya ka bakla para mabaliw na siya dahil lang sa nahawakan niya ang dibdib ko? May laman naman talaga 'to! Maliit nga lang pero di naman ako sobrang flat!
Mang mamanyak tapos kung pag bibigyan, matatakot naman pala! Siraulo talaga. Bakla pa siya sa lagay na yan ha?
Nag lakad nalang din ako pababa ng hagdan.
Nakakainis.
Nakakaasar.
Nakakainsulto.
Well, totoo naman talaga ang sinabi niya—hindi naman ako ganun ka flat! Mahal ko ang katawan ko at tanggap ko iyon pero nabubwisit ako sa sinabi niya. Parang nakakainsulto at halatang sinasadyang inisin ako. Lagi nga rin akong napagkakamalang bakla dahil sa katawan kong pinagkaitan ng malaking dyoga. Pero ayos na rin... at least walang sagabal!
Nang makarating ako ng bar ay sumalubong agad sa akin ang usok ng mga sigarilyo, ang mga lasing, at ang napakalakas na tugtog.
"Medyo natagalan ka ah." agad akong inakbayan ni Lukas, siya iyong guitarist sa banda namin. Nag lakad na kami papuntang green room.
"Traffic." pag dadahilan ko nalang. Alangan namang sabihin kong natagalan ako dahil pinahawak ko pa sa bakla ang dibdib ko?
Nang makapasok kami sa green room, kita ko agad na nandito naman na silang lahat. Umiinom lang ng alak si Troy na bassist. Kita ko rin sa gilid si Darren na nag seselpon lang, siya naman ang pianist. Nakaupo lang din sa tabi niya si Bogart na drummer namin.

BINABASA MO ANG
Love Breaks My Perfect Order (Vexed Men Series #6)
RomanceSivandrei "Sivan" Monclova is a gay man with Obsessive-Compulsive Disorder (OCD) his life revolves around routines and rules. He wants everything around him to be organized. Nang makabalik siya sa Pinas galing sa States ay laking gulat niya nang mal...