抖阴社区

Chapter 14

4.2K 291 195
                                        


Sivandrei

Tulala lang ako sa harap ng tray. Hindi ko parin nagagalaw ang pagkaing dala nong ampon ni Mama. Bakit niya ba ako dinadalhan ng pagkain? Ito ba ang paraan niya para humingi ng tawad? Hindi ko parin siya mapapatawad.

Pero paano kung iba ang rason? Dinadalhan niya ako ng pagkain, ang sabi niya para raw kumain ako. Bakit gusto niya akong kumain? Para hindi ako magutom? Bakit ayaw niya akong magutom—-Agad akong napasabunot ng buhok ko.

Tumikhim ako at dahan-dahang hinawakan ang kutsara. Pinunasahan ko ito agad ng tissue. Sumandok na ako ng pagkain at akmang isusubo na nang bigla kong maisip na paano kung may lason ito? Paano kung nag babait-baitan lang siya? Paano kung may nilagay siya sa pagkain ko? Gusto niya akong patayin.

Pero paano kung wala naman palang lason? Paano kung bumait lang talaga siya bigla. Dahan-dahan ko nanamang inangat ang kutsara at mabilis itong sinubo. Nakapikit pa akong nginuya iyon nang biglang pumasok sa utak ko na...

What if, may gayuma to? Paano nalang kung may hinalo siya rito? Paano kung kinabukasan magugustuhan ko nalang siya agad? Biglang gusto ko na siyang kasama, kausap, makita, mahawakan tapos mag—

Agad akong tumayo at sinuka sa banyo ang kinain ko. Halos masuka ko na pati mga laman loob ko. Nag toothbrush na rin ako agad para makasiguradong walang natitirang kung ano sa bunganga ko.

Better safe than sorry!

"No, no, no, that will never happen." huminga pa ako ng malalim. Kinuha ko ang tray at mabilis itong nilapag sa labas ng kwarto ko. Kukunin lang iyon ng mga kasambahay. Pagkasara ko ulit ng pinto ay saktong tumunog ang phone ko. Tumatawag si Drianna.

"What?"

"Nasa bar ka na ba?"

"I'm not going..." walang ganang sabi ko. Hindi ako pupunta dun, ayaw ko nang dagdagan ang mga kamalasang nangyayari sa araw na to. Maiirita lang ako kung makikita ko nanaman ang mukha ng babaeng 'yon.

"Pupunta ka sa bar or pupuntahan kita sa inyo? Choose!" mataray na sabi niya pa. Napaawang naman ang labi ko. Ayaw na ayaw kong pumunta siya rito lalo na ngayon at baka pag nalaman niyang nandito si Esla, araw-araw na siyang bibisita rito!

"Siv—"

"Pupunta nalang ako." agad kong pinatay ang tawag at nag tungo na sa banyo para maligo.

Mabilis lang din akong nag ayos. Pagkatapos ko ngang mag bihis ay naisipan kong tawagan nalang din si Slendio, gusto kong kasama siya para may kausap naman akong matino, alam kong buong atensyon ni Drianna mamaya ay kay Esla lang din. Disgusting.

"Hey, Slen?" bungad ko agad sa kanya nang sagutin niya ang tawag.

"Napatawag ka Siv?"

"Mag bar tayo."

"Oh no! I can't! Nawala ako sa earth, nag-teleport ako sa straight dimension. Hindi ko alam paano bumalik sa rainbow! Hindi ko kinakaya to!" rinig kong sabi niya. Rinig na rinig ko pa sa background na parang nag tatalon siya. Kumunot naman ang noo ko.

"Slen, are you on drugs?" dismayadong tanong ko kasi siya nalang ang isa sa pinakamalapit sa akin tapos ganito pa nangyayari sa kanya?

"No! But feeling ko nakulam ako!"

"Huh?" parang nagsisi ako agad na tinawagan ko siya dahil sumasakit lang ang ulo ko.

"May nangyari tapos parang na-uninstall 'yong pagka-bakla ko. Pero nag reinstall na ako ngayon... thirty percent pa lang." mas lalo lang nalukot ang mukha ko sa mga sinasabi niya. Nababaliw na siya. Hindi na yan normal.

"I'm gonna end this na... tinawag ako ni Mommy, bye." pag sisinungaling ko, binaba ko agad ang phone at napahilot sa noo ko.

Nag patuloy nalang ako sa pag aayos at nang matapos na nga ay kinuha ko na ang mga susi para tignan nanaman isa isa ang mga kwarto. Mabuti nalang at mukhang nakaalis na ang dugyot kaya walang kakaibang nangyari nong buksan ko ang kwarto niya.

"Mabuti nalang at pumunta ka!" bungad agad sa akin ni Drianna. Walang gana akong ngumiti sa kanya. Kita kong may mga kasama pa siyang iba pero kadalasan ay mga babae kaya hindi ko na kinilala pa, hindi ako interesado sa ganun.

Nilibot ko nalang ang tingin ko at imbis na gwapo ang makita ko ay putangina pa tuloy ang nahagip ng mata ko. Naningkit agad ang mga mata ko nang makita si Esla na natatawang nakaakbay sa dalawang lalaki, nasa magkabilang gilid niya ang mga ito, inaalalayan siyang mag lakad, paika-ika siya ngayon dahil sa katangahang ginawa niya kanina sa kwarto ko. Sinong baliw ang sasadyaing ipitin ang paa niya sa pinto? Siya lang.

Nauna nang pumwesto sa isang table sila Drianna, beer lang ang inumin nila kaya bumili na ako ng manhattan. Habang sumisimsim ay nilibot ko ulit ang tingin sa buong paligid, kita kong pumunta na sa harap sila Esla at mga bandmates niya.

Umangat pa ang gilid ng labi ko sa sobrang irita nang makitang ang laki ng ngisi niya nang pinaupo siya nong isang lalaki sa gitna dahil nga hindi niya magawang tumayo ng matagal dahil sa paa niya.

"We're here again!" masayang sigaw ni Esla. Tuwang tuwa naman ang mga tao. Ang ibang nag sasayawan kanina sa dance floor ay naupo na muna sa mga table nila para marinig ng maayos ang ipeperform ng banda.

Kita kong inaayos ng mga kasama ni Esla ang mga instruments nila. Hindi ko maiwasang mapatitig sa kanya nang mapansin kong sobrang kita ng halos lahat ng balat niya. Nakasleeveless lang siya na croptop pa. Nakablack shorts and leather boots. Nakalugay ngayon ang parang walang ligo niyang buhok.

Napainom nalang ako ng alak. Nang sa tingin ko ay maayos naman na. Lumapit sa kanya ang isang lalaki at may inabot na alak.

"How about drink first before we play?" nakangising tanong nong lalaki kay Esla. Rinig na rinig iyon ng lahat dahil may mic sa harap nila. Hindi ko na naiwasang mapa-irap nang makitang nakangising tinanggap ito ng dugyot at nilagok agad dahilan para mas mag hiyawan ang crowd.

Hindi nag tagal nag umpisa na rin ang tugtog. Si Esla lang ang kumakanta. Dahan-dahan niyang hinawakan ang mic at nakangising nilibot sa paligid ang tingin. Hindi ko alam kung guni-guni ko lang iyon pero sandaling natigil ang mga mata niya sakin.

"Tangina! Tinitigan ako ni Esla!"

Nalukot ang mukha ko nang marinig ko iyon sa lalaking nasa tabi ko. Tinulak niya pa sa kilig ang kaibigan niya. Natigilan lang sila nang mapansin nakatingin ako. Tumikhim iyong lalaki at umayos na ng tayo kaya binalik ko sa harap ang tingin.

"Am I out of my head? Am I out of my mind? If you only knew the bad things I like. Don't think that I can explain it... what can I say? It's complicated..." nag umpisa na siyang kumanta. Nakangisi niya pang sinulyap iyong mga grupong babae na nag sisigawan. Isa na doon si Drianna, mabuti nalang at hindi ako naupo dun!

Nag patuloy lang ako sa pag simsim ng inuming hawak ko nang biglang may lumapit na lalaki sa akin. Mabilis ko siyang sinulyapan, ngumisi siya sa akin, gwapo naman siya pero wala akong paki. Bago niya pa mabuka ang bibig ay pinaalis ko na siya.

"Don't matter what you say... don't matter what you do." bumalik ang tingin ko kay Esla at saktong napasulyap siya sa banda ko. Tinaasan ko agad siya ng kilay na ikinangisi niya naman. Nakakaasar talaga ang putanginang mukha na 'yan.

"I only wanna do bad things to you..." nagulat pa ako nang ituro niya ako. Parang gusto ko nalang magpalamon ng lupa nang makitang napalingon na halos lahat ng tao sa akin.

"So good, that you can't explain it... what can I say? It's complicated." patuloy niya naman agad. Masama ko lang siyang tinignan.

Love Breaks My Perfect Order (Vexed Men Series #6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon