SivandreiNakatitig lang ako sa pader ng banyo habang pumapatak ang ang tubig galing sa shower, dahan-dahan kong nilagyan ng bodywash ang kamay ko, ika-anim na beses ko na itong ginawa ng paulit-ulit.
Agad akong napangiwi nang maalala kong hinawakan ko ang buhok nong bruha, malambot ang buhok niya pero ang pangit hawakan! Pakiramdam ko ang dumi-dumi nun! Ilang araw na bang walang ligo ang isang 'yon? Nakakadiri siya.
Nang matapos akong maligo, nag hanap na ako ng magandang susuotin, mag ba-bar kasi kaming dalawa ni Slen and medyo na-miss ko na rin iyon. Ayaw ko sa mga bar dahil maraming tao, maraming nakakadiri, mga pawisan, mababaho, at maraming pwedeng mangyaring hindi maganda. Pero namiss ko nang kasamang mag bar si Slen, masarap din uminom kaya pumupunta parin ako sa ganung lugar.
Isa-isa kong tinignan ang mga damit ko sa wardrobe, balak ko sanang mag suot ng turtleneck longsleeve pero masyadong maraming tao sa bar, siksikan... paano nalang kung hindi ako makahinga ng maayos tapos mamamatay ako?
Gusto ko rin sanang mag suot lang ng sleeveless or short sleeved na polo pero paano kung may pawisan na madidikit sa akin? Nakakadiri iyon at baka may sakit pa ang taong 'yon at mahawa ako... tapos mamamatay ako.
Huminga ako ng malalim at dahan-dahang kinuha ang dark red silky button down shirt ko, iyon nalang ang susuotin ko, longsleeve iyon kaya mas safe ako. Kumuha na rin ako ng itim na pants at nag simula nang mag ayos. Hinayaan ko lang na nakalugay ang medyo mahaba kong buhok.
Nang pakiramdam kong maayos na lahat, lumabas na ako ng kwart ko, pinatay ko agad ang ilaw at sinara ang pinto. Pababa na sana ako ng hagdan nang matigilan ako... kung aalis ako agad ngayon, hindi ko mache-check ang mga kwarto, baka may mangyaring masama rito sa bahay pag di ko iyon ginawa.
Napahilamos nalang ako ng palad sa mukha dahil naiiyak na ako. Bumalik nalang ako kahit sobrang nakakapagod na. Walang gana kong kinuha sa kwarto mga susi at isa-isang tiningnan ang mga kwarto. Kita ko si Mama na nakahiga na sa kama niya.
"I'm going out with Slendio." sabi ko nalang nang mapansing hindi pa pala siya natutulog, ngumiti lang siya sakin at tumango.
"Mag ingat ka Sivan... sabay ba kayong pupunta roon ni Esla?" nakangiting tanong niya pa, agad nalukot ang mukha ko nang marinig ko ang pangalan ng nakakadiring babae na iyon. Mabilis akong umiling.
"No." dahil bakit naman kami sabay aalis nun? Saan ba punta nun? Sa bar din ba? Napapansin ko ngang panay bitbit ng gitara ang isang 'yon pero wala naman akong paki sa kanya, sana lang sa ibang bar ang punta niya dahil baka masira lang ang gabi ko kung magkikita kami sa isang lugar.
Nang matapos ang usapan namin ni Mama, lumabas na rin ako sa kwarto niya at nag tungo na sa iba pang pinto, bumagal nanaman ang hakbang ko nang makalapit ako sa kwarto nong mabaho. Nakagat ko nalang ang labi ko dahil nag dadalawang isip talaga akong buksan ang pinto dahil lagi nalang hindi ko nagugustuhan ang mga kasunod na nangyayari pag binubuksan ko 'yon.
Ilang segundo rin akong nakatayo lang sa harap ng pinto bago ko naisipang kumatok nalang, wala namang sumagot kaya binuksan ko na, sumilip ako sa loob at wala namang tao pero naririnig kong may naliligo kaya mabilis ko nalang na sinara ang pinto.
Pero... paano kung hindi siya ang naliligo? Paano kung ibang tao 'yon tapos pag alis ko may mangyayaring masama kina Mama? Paano kung... killer pala 'yong nasa banyo?!
Napasabunot nalang ako sa buhok ko... naiiyak na ako, ayaw ko itong gawin pero pakiramdam ko mababaliw ako pag di ko ginawa, mas lalo lang mapapahamak ang pamilya ko—ang lahat ng tao rito sa bahay!
Muli kong binuksan ang pinto at papasok na sana sa loob nang marinig kong parang tapos na siyang maligo kaya nag mamadali nalang akong sinara ang pinto at nag lakad na paalis. Hindi ko kayang tingnan 'yon! Nag mumukha akong manyak nito... hindi dapat ganito!

BINABASA MO ANG
Love Breaks My Perfect Order (Vexed Men Series #6)
RomanceSivandrei "Sivan" Monclova is a gay man with Obsessive-Compulsive Disorder (OCD) his life revolves around routines and rules. He wants everything around him to be organized. Nang makabalik siya sa Pinas galing sa States ay laking gulat niya nang mal...