抖阴社区

Chapter 10

137 10 2
                                    

Family

I immediately went home after he put first aid on my bruise. Agad ko siyang iniwan sa clinic. Hindi na rin ako nagpaalam at nagpasalamat.

Babalik na lang ako mamayang gabi para manood ng pageant.

Ayaw ko rin naman na sana bumalik pa kaso nag-chat si Jacob na sasali si Kevin sa pageant.

Nag-back out daw kasi bigla yung sana representative ng department namin na lalaki. May naging emergency daw. Wala naman na silang nagawa kaya naghanap na lang ng bago. Ewan ko ba kung ano ang naging suhol nila sa loko kung bakit nila napapayag si Kevin.

Mga alas syete ko na natawagan si Dayson na sasabay ako sa pagpunta niya ng school. Mga ilang minuto lang dumating na rin siya kaya bumaba natutulog rin ako at hinintay siya sa may kanto.

"What happened to that?" Tanong niya nang makapasok ako sa kotse niya.

Nakatingin siya sa noo ko. Habang ang isang kamay ay nasa manibela ang isa naman ay inaabot ang mukha ko, para makita niya ng maayos ang nasa noo ko.

Hinaplos ko ang band-aid na nilagay ko kanina at umiwas sa kamay niya, humupa na rin ang bukol at konting sugat na lang iyon.

"It's nothing." Sagot ko, tinatamad mag-kwento.

He looked at me, not getting my answer. Hindi na rin ako tinanong pa nang mapansin na wala akong balak mag-salita.

Nakita ko agad ang mga kaibigan ko sa labas ng campus na mukhang hinihintay pa kaming dumating. Naguguluhan akong lumapit sa kanila.

"Kanina pa kami dito, buti sinundo ka pa ni Dayson. Kanina pa yun nandito e." si Leon nang umakbay siya sa'kin.

"Huh?" Naguguluhan akong tumingin sa mga kaibigan ko na dinumog na ako. Bigla na lang nawala sa tabi ko si Dayson nang sinalubong kami ng mga kaibigan namin.

"Cedrick tara na, practice muna tayo."

"Ito damit magpalit kana."

May binigay sa akin si Jacob na itim na plain T-shirt.
Mukhang bago pa dahil nakabalot pa sa plastic at may tag. Nagdadalawang isip kong kinuha iyon.

"Teka lang, bakit ako magpapalit ng damit?" Naguguluhan kong tanong sa mga kaibigan ko nang hilahin na nila ako sa isang bakanteng room sa department building namin. Hawak ko pa rin ang damit na binigay nila.

Ang alam ko kasi, manonood lang ako. Bakit ako magpapalit?

"Back up dancer tayo ni Kevin. Sasayaw daw ang loko sa talent portion." Si Leo na nakapagpalit na ng damit. Lahat sila naka-itim na t-shirt na rin. Malıban kay Dayson na kanina lang biglang nawala.

"Huh? Bakit ako kasali? Bakit hindi ko 'to alam?" Sagot ko.

Nawala lang naman ako ng ilang oras, may pakulo na agad sila.

Lumapit sa akin si Gian na tumatawa pa dahil sa reaksyon ko.

"Congrats ngayon alam mo na." sabi niya sabay tapik sa ulo ko.

"Para saan pa ba 'toh? Matatalo lang naman siya. Mapapahiya lang tayo dito e." Sagot ko, hindi pa rin nagpapalit.

"Hayaan mo na. Pagbigyan na lang natin. Kawawa naman kasi." si Leo.

Tinanggap ko ang shade na binigay sa akin ni Leo.
"Ito para matago mukha natin." Dagdag niya pa.

"Salamat sa suporta mga anak ha, rinig na rinig ko mula dito. Napaka-supportive niyo naman mga hayop kayo." si Kevin na kanina pa sa likod. Inaayusan ng isa sa mga kaklase naming babae.

EnlightenedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon