Feelings
Warning: R18
I went straight to a bar in Makati for a drink. I desperately needed a good distraction. Kung dumiretso ako sa apartment ko. Hindi ko alam kung ano magagawa ko kapag mag-isa lang ako doon.
I can call my friends, but I don't want to bother them. Kahit na alam kong isang tawag ko lang sa kanila ngayon, baka ilang minuto lang nandito na sila.
Sa ngayon, gusto ko lang muna mapag-isa.
Inukupa ko ang stool at nag-order ng cuervo. As usual, the dance floor is crowded. Alas dose na rin kasi.
Mabuti at may pera pa ako. Biruin mo, namumulubi na nga, nagawa pa mag-bar.
I was busy watching the crowd when someone caught my attention. Pilit kong inaaninag ang mukha niya, medyo dim rin kasi ang ilaw at kulay pula pa.
Nakatayo siya sa gilid ng isang vip table habang hawak ang isang baso ng alak, may mga kumakausap din sa kanya.
I doubted it at first. That person won't come to a place like this.
Pero siguro kasama niya ang mga kaibigan niya? Knowing his circle. Masyadong laman ng mga ganitong lugar.
I even heard them once. Kung hindi nila napipilit sumama, si Shun ang sinasama nila. Kalaunan nandoon na rin siya.
I somehow see my friend Dayson in him. Siguro ganun rin siya kay Shun.
I looked at him again.
He's not wearing his eyeglasses. His hair is brushed backward, and it looks great on him. He is also wearing a black button-down shirt, with three buttons open.
The bartender placed my order on the table. Kinuha ko iyon at sumisimsim habang pinapanood siya. Ngumiwi ako nang dumuhit ang sakit sa lalamunan ng alak. Kinuha ko ang lemon na inabot sa akin ng bartender. Agad ko rin binalik ang atensyon ko sa kanya.
He's talking with some girls. May mga lalaki ring kasama kaso abala rin sa ibang mga kausap.
I even saw Miguel and Jonas with him. May ibang pamilyar na mukha rin akong nakita. Kung sinuswerte ka nga naman. Sila pa makikita ko dito.
Imbis na nag-enjoy ako. Nakatuon lang ang atensyon ko sa kanya. Nakalimutan ko bigla ang nangyari kanina sa bahay.
Walang oras na walang lumalapit sa kanya. He is too preoccupied with keeping them entertained. I don't understand why people flocked to him. He does not seem friendly. Mukha naman siyang masungit at arogante.
Nanatili lang ako doon. Mag-isang umiinom habang pinapanood sila.
Tumayo ako nang makita na umalis siya doon. Tumigil ako saglit nang may humarang sa kanyang babae, may sinabi siya rito kaya siya hinayaan umalis.
Hindi ko alam kung bakit nakikita ko na lamang ang sarili ko na sinusundan siya.
I was walking slowly. Medyo mapungay na ang mata ko dahil sa nainom ko. Malakas rin pala talaga ang tama ng alak na 'yon.
There's a hallway at the back of the bar. Doon siya dumaan. Medyo wala ng mga tao sa parteng iyon. Wala ring bouncer na nagbabantay kaya agad akong nakapasok.
May mga pintuan din doon. Hindi ko alam kung ano ang mga iyon. Diretso lang ang lakad ko hanggang sa lumiko ako sa isang pasilyo.
Biglang bumagal ang paglalakad ko nang may makita akong dalawang tao. Malapit sa may terrace.
I almost gasped when I saw it's Drake. Nakasandal sa maliit na mesa. Kasama niya si Shun.
My mouth parted when I realized what I was witnessing. Hindi naman siguro ito hallucination. Mariin ang tingin ko sa dalawa. Nanigas ako nang makumpirma ko na totoo nga ang nakikita ko.
