抖阴社区

Chapter 12

162 11 3
                                    

Message

Nakaupo ako sa loob ng isang kiosk malapit sa building ng department namin habang nakatanaw sa mga palabas na estudyante. I rested my arms behind my neck while my legs parted.

Kanina pa ako natutulala, kahit ano-ano na lang pumapasok sa utak ko.

Hindi na muna ako sumama sa mga kaibigan ko nang mag-aya sila sa library. Hindi rin naman kasi ako makakapag-focus pa sa gagawin ko.

Hindi ko pa nakakausap sina mama simula noong gabing iyon. Ayaw ko muna sila makausap. Iniiwasan ko ang mga tawag at chat nila.

Hindi ko pa rin matanggap na hindi nila sa akin sinabi na bumalik na pala doon sa bahay si papa.

Mukhang hindi rin importante sa kanila ang opinion ko. Hindi nga sila nagtanong kung ayos lang ba sa akin. Hindi man lang ako kinausap muna. Kung hindi pa ako umuwi, malalaman ko ba? Ganyan naman sila palagi.

They didn't try to tell me what was happening. Makikita ko na lang, nandiyan na at tapos na.

Am I invisible to them? Anak nila ako pero parang wala lang ako sa kanila ang nararamdaman ko.

Dumagdag pa ang mga napapanaginipan ko sa problema ko.

I used to have a dream before Kathlin, and after what happened between them. Noong nahuli ko sila.

Hindi ko maintindihan ang sarili ko noon. I found myself looking at him from afar. Dahil sa ayaw ko ang nararamdan ko. I dated Kathlin. I tried to divert my attention to her. Nagawa ko naman. I loved her so much.

Masaya ako at mahal ko siya. We're still young but I already think of commitment. Ganun ko kamahal si Kathlin. But then, what they did to me, broke me.

The girl I loved cheated on me with the man who messing up my mind and causing me to question my masculinity.

Sobra ang galit ko sa dalawa.

Sa lahat ng pwedeng ipalit sa akin. Bakit si Drake pa. That fucking hit me big time!

Nawala lang ulit noon dahil sa mga nakakadate ko. It's my way to forget my weird feelings towards him.

Kilala ko na siya noon pa, he's popular. Bago pa man ako lumipat dito, lagi ko ng naririnig ang pangalan niya. Kahit sa mga kaibigan ko at lalo na sa mga naging ex ko.

Wala kaming naging interaksyon noon hanggang sa mag-college kami. Hindi ko akalain na dahil sa isang babae pa kami nagkaharap. I even punched him.

I punched Drake Tan Walton, and that was our first interaction.

Buti na lang konti lang ang nakakita at hindi rin siya nag-sumbong sa dean noon. Hindi rin ako nakapag-isip ng matino, na baka maalis ako bigla sa scholarship at basketball dahil sa galit ko sa kanya.

I filled my mind with how dark and bad he was. Nakatulong iyon para makalimutan ko kung ano man ang totoo kong nararamdaman.

That was the worst thing I have ever experienced.

Ngayon, sasabihin niya ang mga bagay na iyon sa akin.

Every night after that night, until now, what he did to me haunts me. Gagong Drake 'yun.

Hindi ko akalain na pati sa panaginip ko makikita ko siyang nakikipaghalikan. Mariin akong pumikit nang maalala ko muli na mukha ko ang nandoon habang kahalikan siya. Tangina talaga!

Tumikhim ako. I shut my eyes frustratedly. Bakit ba lagi na lang pumapasok sa isip ko iyon. Marahas akong nagbuntong hininga. Kung pwede sana manigarilyo dito ngayon. Siguro ilang stick na ang naubos ko.

EnlightenedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon