抖阴社区

Chapter 2

3 0 0
                                    

Chapter 2: New Friend

RILEY'S POV

B-bagyo...sa ganito kainit na panahon?! Why so sudden? Wala manlang babala 'yung PAGASA!

" Titila pa kaya 'to? " mahinang tanong sa sarili habang nakatingin sa salamin ng bintana nila.

" Hindi ko rin alam. " sagot niya.

Nagbaba ako ng tingin. Bigla kong naisip si Mama sa bahay kaya naman tinawagan ko siya.

Hindi rin naman nagtagal ang pagring niya dahil sinagot naman ito kaagad ni Mama.

[ " Hello, Riley? Kamusta ka diyan? May bagyo daw. Mag-iingat ka lagi, ah? " ] ang bungad niya nang masagot ang tawag ko.

" Ayos lang naman po ako. Ikaw din, mag-iingat po kayo. "

[ " Oo nga pala, kanina kasi hindi ko na nasabi sayo agad kasi nagmamadali kang umalis. Kinailangan ng substitute Nurse sa America kaya ikaw na muna ang bahala dyan sa bahay, ah? " ]

Nagpaalam na si Mama at ibinaba agad ang tawag. Napabuntong hininga nalang ako sa mga nangyayari ngayong araw.

" Mukhang...humina na ang ulan. " dinig kong sabi niya.

Sumilip ako sa bintana. Mukhang humina na nga pero umaambon parin.

" May extra akong payong, isauli mo nalang. " sabi niya sabay abot sa'kin ng itim na payong.

" Salamat. Isasauli ko nalang agad, uhm..."

" Justin. "

" Justin. Salamat dito. " pagkilala ko. " Ah, ako pala si Riley---"

" Oo. Alam ko na. "

ha? Taka ko siyang tiningnan. " Paano mo nalaman? "

" Ikaw yung first placer sa art and ideas, diba? "

Tumango ako, " Ah..kaya pala HAHA! "

Ilang minuto pa kaming nagkwentuhan tungkol sa mga achievements ko sa buhay bago ako nakapagpaalam sakanya na umalis. 

Nakauwi naman ako sa bahay namin nang hindi nililipad ang payong ni Justin. Humina na rin ang hangin pati na ulan pero madilim parin ang langit.

Pagpasok sa loob, sinigurado kong maayos ang katayuan ng kusina, kwarto pati na bubong. Mukhang wala naman nasirang mga gamit at lahat ay nasa maayos na katayuan.

Pero ilang minuto lang ay narinig ko nanaman ang pagbuhos ng malakas na ulan na dinig na dinig sa bubong kasabay ang malakas na hangin nito.

Kampante naman ako na hindi matatanggal ang bubong namin kaya pinilit ko nalang matulog.


***KINABUKASAN***

Maaga akong lumabas para icheck ang status ng bahay. So far, wala namang damage sa paligid. Hindi ko rin alam kung gaano kalakas ang hangin at ulan kagabi pero wala naman akong nakitang mga tulo sa paligid.

*KNOCK! KNOCK!*

Habang nagaalmusal, nakarinig ako ng katok mula sa labas. Naguguluhan man ay pinagbuksan ko kung sino 'yun at bumungad sa'kin ang mukha ni Justin.

" Justin, anong ginagawa mo dito? " tanong ko sakanya.

" Uhm.."

A shoulder to lean onWhere stories live. Discover now