Chapter 1: Encounter
RILEY'S POV
Pinilit kong ibangon ang aking katawan at imulat ang aking mata. Sa sobrang sakit ng ulo ko, parang gusto ko na siyang pukpukin ng martilyo.
Anong oras naba?!
Nang maging malinaw na sa'kin ang lahat, saka naman tumambad sa harapan ko ang orasan.
What the..?! LATE NA AKO!!
" Shems! Shems! Shems! Shems! Late na ako! Late na ako! Late na akooo!! "
Sa kakamadali. Hindi na ako nakapag-almusal. Bakit hindi tumunog ang alarm clock?! Late na ako!
" Riley, may niluto akong----"
" Sorry po, late na ako! Mamaya ko nalang kakainin 'yan! Byeee!! "
" Pero, Riley...aalis na ako-----"
Matapos kong makapagsuot ng sapatos ay nagmadali akong tumakbo palabas ng gate na para bang isang minuto nalang ang natitira kong oras para makaabot sa school.
Hindi gaanong malayo ang school namin kung nasaan ako. Pero nakakahiya naman kung malapit na nga ang bahay mo pero nalilate ka parin.
Nang makarating ako sa school, patakbo akong pumasok sa loob na halos may makabangga na ako para lang makaabot sa klase.
" S-sorry! " pahabol na banggit ko sa lalakeng nasagi ng aking balikat.
Nang malapit na ako sa building, bigla nalang akong hinarangan ng guard gamit ang ganyang baton dahilan para maguluhan ako.
" Bakit po? " takang tanong ko.
Tinuro niya ang ID niya kaya napatingin ako sa uniform ko. Napagtanto ko kung ano ang ibig niyang sabihin.
Ang malas naman!
***TEACHER'S OFFICE***
" Sa susunod, 'wag mo na kakalimutan ang ID mo. " sabi ni Mrs. Santiago sabay abot sa'kin ng guest ID.
" Hindi na po mauulit. " ang nasabi ko nalang habang isinusuot ang temporary ID.
" O, sya, pumasok kana sa klase at baka malate kapa sa unang subject. "
Tumango nalang ako bilang sagot. Nagpaalam na din ako sa ibang Teachers na naroon bago lumabas ng kwarto.
Pero saktong pagbukas ko naman ng pintuan ay ang malakas na tunog ang narinig ko. Tunog ng bagay na nalaglag sa sahig.
Ano 'yun?!
Pagkalabas ko, bumungad sa'kin ang isang lalaking nakatayo sa labas habang nakatingin sa may kaliwang bahagi ng hallway.
Nang tingnan ko naman ay------O MY GOSH!!
" O MY GOSH! AKO BA MAY GAWA NIYAN?! "
Stupid, syempre ikaw!
Seryoso lang siyang nakatingin sa'kin kaya napalunok ako. Galit ba siya? Wag naman sana! Babayaran ko nalang!
" S-sorry, b-babayaran ko nalang. " pinulot ko ang basag niyang cellphone. Tiningnan ko pa muna kung gaano kalala ang pagkabasag at sobrang nakakapanlumo na mukhang hindi na niya 'yun mapapakinabangan pa.

YOU ARE READING
A shoulder to lean on
Teen FictionEvery person deserves a shoulder to lean on specially if someone needs comfort and if they need someone to understand them.