Chapter 3: HIS FEAR
JUSTIN'S POV
Kasalukuyan akong nakatingin sa pag-andar ng orasan sa harapan ko habang nanonood ng balita. Pareho lang ang mga impormasyon na sinasabi nila tungkol sa nakapasok na bagyo. Ang mas malala pa doon, sinasabi nilang malakas 'yun kumpara sa mga nauna.
Mukhang mas matatagalan ang pagparito ko sakanila. Ayokong maging abala para sakanya.
Wala akong ideya kung bakit ko nagawang humingi ng pabor sakanya gayong isang araw ko lang siyang nakilala at nakausap. May parte sa isipan ko ang ayaw siyang pagkatiwalaan pero bigla ko nalang naramdaman na pagkatiwalaan siya.
Nararamdaman kong mapagkakatiwalaan siya.
" Bibili nalang muna ako siguro ng pwedeng lutuin para mamaya. "
I decided to go out without knowing the danger outside. Natatakot man pero gusto kong tulungan si Riley. Ayokong maging pabigat sakanya habang nandito ako.
I locked the gate and start walking. Walang ambon pero hindi ko masabi kung hapon naba or sadyang makulimlim lang kaya medyo may kadiliman na ang paligid.
Alam kong malapit na rin mag-uwian kaya mas minabuti kong bilisan ang pamimili.
Habang naglalakad, ibinaba ko ng kaunti ang sombrerong suot ko dahil sa mga taong alam kong nakatingin sa'kin. Hindi ko inaasahan na mas magiging mahirap ang sitwasiyon ko paglabas ko dito.
andaming tao, andaming nakatingin.
Maging ang mga bulungan ng mga tao ay hindi nakalagpas sa tenga ko dahilan para kumabog ng mabilis ang aking puso.
nandito nanaman...
nandito nanaman ang kabog na hindi ko nagugustuhan...
Dahil sa takot ay tumakbo nalang ako paalis sa mga nagkukumpulang tao at nagmadali na para makauwi. Ending, mga gulay lang ang nabili ko at wala nang iba pa.
Hingal na hingal akong huminto sa daan kung saan patungo sa bahay nina Riley. Kahit papaano ay nakaramdam ako ng kaginhawaan nang mapansing walang tao roon.
Tumingin ako sa orasan. Eksaktong alas tres na ng hapon kaya kampante na rin akong pauwi na si Riley.
Kailangan kong makapagluto agad bago siya dumating.
" Justin..."
Para akong nabuhusan ng malamig na tubig nang makarinig ako ng pamilyar na boses na kailanman hinding hindi ko makakalimutan kahit gustuhin ko.
Takot at nanginginig akong lumingon sakanya. Hindi ako nagkamali sa nakita.
Ang babaeng...ang babaeng...ang babaeng pilit kong iniiwasan at hindi ginugustong makita...
ang siyang nakatayo sa harapan ko ngayon.
" Justin...nandito kalang pala.."
Napaatras ako dahil sa takot. Para bang gusto kong mahimatay dahil sa lakas ng kabog ng dibdib ko nang malamang siya ang kaharap ko ngayon.
ito nanaman 'yung pakiramdam na ayokong maramdaman....
nandito nanaman siya...
nandito nanaman 'yung takot....
yung takot na kailanman hindi ko malaban-labanan!

YOU ARE READING
A shoulder to lean on
Teen FictionEvery person deserves a shoulder to lean on specially if someone needs comfort and if they need someone to understand them.