抖阴社区

                                    

Taka ko pa siyang tiningnan pero hindi rin nagtagal, humingi siya ng pabor na sumama ako sakanya papunta sakanila na siya namang ginawa ko.

Hindi pa nakakarating, tanaw ko na sa kalayuan ang malaking problema na tinutukoy niya.

" What the hell? " mahinang kumento ko nang makita ang malaking poste na nakadagan sa bubong ng apartment niya.

Halos ang buong katawan nito ay bumagsak sa apartment.

Ganito ba kalakas ang hangin kagabi?

" T-tumawag kana ng magtatanggal niyan. " ang sabi ko.

" I already called someone. Pero hindi lang 'yan ang problema ko ngayon. " sabi niya.

Pumasok kami sa loob para tingnan ang mga gamit. Sadly, halos lahat ng mga gamit doon ay hindi na pwedeng pakinabangan dahil lahat ay basa na. Well, except sa mga baso at plato na pwede naman malinisan.

" What a mess. " kumento ko nanaman.

Nang makalabas kami, kinausap muna ni Justin ang mga dumating para alisin ang poste na nakahiga sa apartment niya. Pati na rin ang puno na bumagsak at nakaharang sa kanyang pintuan. Pagkatapos nun ay saka naman siya lumapit sa'kin.

" Marami akong lilinisin dito, at siguro ilang araw din akong hindi makakapasok. " sabi niya.

" Yeah, sa dami nga ng mga dumi dito, Mukhang ilang araw ka ngang hindi makakapasok. " sabi ko din habang tumitingin sa bahay niyang halos mangalahati ang nawala.

" Pakisabi nalang kay Mr. Patel na hindi ako makakapasok. Wala kasi akong cellphone para makapagpaalam. "

Yeah, thanks for reminding me.

" O-okay, sasabihin ko sakanya ang rason bakit wala ka. "

" Kailangan ko rin ng ibang mga gamit, pwede mo ba akong samahan sa store mamaya? " tanong nito kaya pumayag ako kaagad.

" Sige, sasamahan kita. Tutal, inaayos pa naman ang bahay mo, kung gusto mo, doon ka na muna sa bahay----"

" Seryoso kaba? " putol niya sakin.

" Oo naman. Huwag kang mag-alala, wala akong gagawin sa'yo. " pagtaas ko pa ng kanang kamay, senyas na nangangako ako.

" Hindi ba dapat ako ang nagsasabi niyan? "

Dahil malapit na ang oras ng pagpasok, isinama ko na siya sa bahay. Wala naman si Mama kaya walang gagamit ng kabilang kwarto. May ilang gamit din siyang pwedeng magamit pwera nalang sa mga damit dahil wala naman lalaki dito.

" Mukhang matatagalan pa bago maayos ang apartment mo. Malaki ang naging sira dahil sa bagyo. " sabi ko sakanya.

" Wala din kasi akong pambayad sa repairman kaya mas matatagalan talaga siya. " ang sabi naman niya.

Kung sabagay, hindi ka naman pwedeng magpaayos kung wala ka naman palang ipambabayad.

Speaking of pambayad...?

A shoulder to lean onWhere stories live. Discover now