" Promise! B-babayaran nalang talaga kita. " sabi ko pero hindi siya tumugon.
Inabot ko nalang sakanya ang cellphone. Wala naman kasi akong magagawa na duon dahil sira na din ang screen niya. Pwede ko naman ipagawa pero ang problema, pati 'yung battery niya sa loob ay tanggal na. Hindi ko alam kung ayos paba ang pyesa nito----
" Dalawang beses mo na akong binunggo. "
Bumalik ang atensiyon ko dahil sa sinabi niya. Ano kamo? D-dalawang beses? Kailan----Wait! Kailan?!
" Kanina sa gate ng school at ngayon naman dito sa Teacher's office. " sagot niya sa mapagtanong kong reaksiyon.
Napakamot nalang ako sa sintido ko dahil hindi ko na rin naman maalala lahat ng nangyari simula nang makarating ako sa school.
At sa dami ng nabangga ko kanina dahil pagmamadali, hindi ko rin alam na isa din pala siya doon.
" S-sorry kung nabunggo man kita kanina sa gate at...dito. Pero, promise, babayaran talaga kita sa cellphone mo. " ang sabi ko.
Talaga ba? Mayaman kaba, Riley?
" Okay lang. " tipid niyang sabi.
" Ha? "
" Okay lang, bilhan mo nalang ako ng bagong unit. " seryosong sabi nito tsaka naglakad palayo.
Napanguso ako dahil sa sinabi niya. Alam ko namang nabasag ko yung cellphone pero sana 'wag siyang demanding! Willing na nga akong magbayad, eh!
Napabuntong hininga nalang ako at nagdesisiyon na pumasok nalang sa klase. Nangyari narin naman. Narealize ko din na hindi tulad ng ibang tao, magagalit sila ng sobra kung nabasag ang cellphone nila. Pero 'yung lalake kanina...parang wala lang sakanya. Baka mayaman siya?
" Rileeyyy!! Akala ko hindi kana papasok! " bungad sa'kin ni Maesi.
" At wala nanaman siyang ID. " pahabol ni Maki.
" Yun talaga unang napansin mo? "
" Syempre, alangan 'yang muta sa mata mo HAHAHAHA!! "
Taranta kong kinapa ang mata ko at pinaningkitan ko siya ng mata nang malamang wala naman.
" Ang funny mo talaga, noh? "
" Haynako! Kayong dalawa. Mags-summer na nga tayong lahat, nasa asaran stage padin kayo. "
" Sawayin mo kasi 'tong kambal mo! " duro ko kay Maki na nakakaloko nanamang ngumingiti.
" Hindi ko nga rin alam bakit ko siya naging kambal. "
Natawa nalang ako sa sinabi ni Maesi. Nilagpasan ko nalang silang dalawa na naga-away sa likod. Pumunta nalang din ako sa upuan ko at sakto namang pumasok na ang unang subject Teacher.
Sa sobrang init ng panahon, hindi na ako halos makapagfocus sa sinasabi niya mula sa harapan. Pero naantig ang tenga ko nang marinig ang sinabi niya.
" ....Summer break. "
Summer break?! Talaga?

YOU ARE READING
A shoulder to lean on
Teen FictionEvery person deserves a shoulder to lean on specially if someone needs comfort and if they need someone to understand them.
Chapter 1
Start from the beginning