抖阴社区

                                    

ayoko ng ganitong pakiramdam!


" Justin! "


Nawala ang mga iniisip ko nang marinig ko ang boses ni Riley!

Naramdaman ko kaagad na nasa tabi ko na siya dahilan para maramdaman kong safe na ako dahil nandito na siya.

" Justin, saan ka nanggaling at...s-sino siya? " tanong ni Riley. Pagtukoy sa babaeng hanggang ngayon ay nakakalokong nakangiti habang nakatingin sa'kin.


ang mga tingin niyang 'yan....



ang mga tingin at ngiting ayoko na masilayan!



" Sino ka? Kaibigan kaba ni Justin? " biglang tanong niya kay Riley.

" Justin, kakilala mo? "

Umiling ako agad, " H-hindi ko k-kilala ang babaeng 'yan. "

" Justin, bumalik kana...namimiss na kita. "

Nanlaki ang mga mata ko nang bigla siyang humakbang. Parang bumagal ang mga pangyayari maging ang paghakbang niya palapit sa'kin.

Gusto kong igalaw ang mga paa ko at tumakbo palayo pero parang nanigas ang aking mga tuhod dahil sa nararamdaman kong takot.

TUMIGIL KA NA!


" Sandali! "

Nawala nanaman ang dilim na bumabalot sa'kin nang magsalita si Riley. Nakita kong nasa harapan ko na siya at hinarangan ang paglapit ng babae.

Kita ko ang pag-iiba ng reaksiyon nito kaya natakot ako kung anong pwede niyang gawin.

" P-pasensiya na pero kailangan na naming pumasok. " ang sabi ni Riley at hinatak ako papasok sa loob ng bahay nila.

Nanlumo ang mga tuhod ko nang makapasok kami sa loob ni Riley. Para akong naligo sa pawis at panlalamig ng aking mga mukha.

Yun palang ang oras na nakahinga ako ng maluwag.

" Umalis na siya. Sure naman akong----Justin? "

Naramdaman ko ang sunod-sunod na patak ng aking luha.



takot....sobrang takot na takot ako!



ayoko ng ganitong pakiramdam!




ayoko nito!

" A-ayoko na siyang m-makita! A-ayoko na siyang masilayan! Masisiraan ako ng loob kapag nagpakita s-siya sa'kin! A-ayoko na siyang-----"

Natigilan ako sa pagsasalita nang bigla akong yakapin ni Riley.

" Pasensiya na pero sa tingin ko ito lang makakatulong sa'yo ngayon. " dinig kong sabi niya.

Sa pagkakataong 'yun....

Naramdaman kong....


Naging panatag ako kahit sandali....


Hindi ko napigilang hindi ibuhos ang mga luhang matagal ko nang itinatago sa buong buhay ko.

Na para bang.....ito lang 'yung oras na naramdaman kong ngayon ang tamang oras na ilabas ang mga luhang 'yon.

" Sige, iiyak mo lang, Justin. "

Hindi ko alam kung ilang oras ako umiyak ng umiyak bago ako makipag-usap sakanya ng maayos at sagutin lahat ng tanong niya.

Mabigat pa sa'kin lahat ng mga nangyari noon pero habang sinasabi ko kay Riley ang mga 'yun, panatag ako at hindi ko naramdaman ang matakot o kabahan.

Napalitan lang 'yun ng pagkasuka at pandidiri habang iniisip ang mga ginawa ng babaeng 'yun sa'kin.

" At sa lahat ng mga ginawa niya sa'yo, sa lahat ng mga taong pinagkwentuhan mo...wala man lang naniwala sa'yo....kahit isa? "

Tumango ako sakanya, " Akala kasi nila porke lalaki ka..hindi kana nababastos. "

Hinawakan ako ni Riley sa magkabilang pisngi dahilan para matulala ako sa mukha niya.

" I believe in you, Justin. " diretsang sabi ni Riley kaya naging malambot nanaman ang emosiyon ko.

Nagsimulang tumulo ako ang luha ko.


Ang mga salitang 'yon.....


Ang mga salitang 'yon ang gusto kong marinig...



'Yon ang salitang gusto kong marinig sakanila noon.....



" If only I had met you before. " iyun lang ang nasabi ko habang nanlulumong nakatingin sakanya.

" If only I had been your friend before. " balik naman niya sabay yakap sa'kin ng mahigpit.


If only I had met you sooner, Riley.





RILEY'S POV

Ilang oras bago maging maayos ang kalagayan ni Justin. Maya-maya din ay kumalma at humupa na rin ang bigat na nararamdaman niya.

Wala akong ideya na sa katulad niyang tao ay may mabigat palang pinagdadaanan. Buong akala ko'y in-born na siyang seryoso at hindi palangiting tao...pero may rason pala ang bawat behavior ng tao.

wow, psychology yarn?

Hindi rin ako makapaniwala na may mga ganung uri rin pala ng tao. Na kayang gumawa ng ganung bagay sa isang tao ng hindi manlang nakokonsensiya.

kawawa naman si Justin.

Nalulungkot ako, actually, naghahalo-halo ang emosyon ko nung mga oras na sinabi niya sa'kin ang tungkol doon. Mula sa mga bagay na ginawa, ginagawa sakanya ng babaeng 'yun hanggang sa topic na maikwento na niya sa iba pero walang naniwala sakanya.

Nakakalungkot, Nakakagalit, Nakakaawa!

Sinulyapan ko ang kinaroroonan ni Justin. Nakasandal siya sa sofa habang ang panyo ay nakatakip sa mukha niya.

Hindi ko siya binigyan ng mga advice.

hindi naman kasi ako adviser.

Alam ko naman kasing hindi 'yun ang kailangan niya that time.

sometimes, a person needs a shoulder to lean on...and that's enough for them to heal and be comforted to the things that weighed them down.

At sisiguraduhin kong maririnig ko ang bigat na nararamdaman niya bilang isang kaibigan.

wow, active listener?

Pagkatapos kong magluto. Inaya ko na siya na kumain muna. Sinigurado ko na rin na wala na ang babae sa labas ng gate namin kaya nilock ko na ang pinto ng bahay.

" Sa tingin mo ba.....magpapakita pa siya ulit? " tanong ni Justin dahilan para mamuo nanaman ang galit ko.

" Hindi ko hahayaang makalapit pa siya sa'yo, Justin. Hangga't nandito ako, hindi siya makakalapit sa'yo. "

edi, sana, nag baranggay tanod ka nalang, Riley.

" Natatakot ako, Riley. "

Nilapitan ko siya.

" Hangga't nandito ako, wala kang dapat ikatakot. "

A shoulder to lean onWhere stories live. Discover now