抖阴社区

Chapter 8: Him

1.4K 39 1
                                    

Chapter 8: Him

PAWIS NA PAWIS akong bumalik sa fountain. Sumasakit ang ulo ko dahil sa aking nakita. Ang pawis na pawis at walang saplot nilang katawan — sng mukhang iyon — ang matatalim na titig na iyon. Gusto ko na lamang umuwing probinsya.

Ano iyon? Ano ang nakita ko?

Kinondisyon ko ang aking sarili na wala akong nakita. Sinubukan kong kalimutan ang lahat ng iyon, ngunit hindi talaga iyon maalis sa isipan ko. Nanghihina akong umupo sa landscape ng fountain. Pinunasan ko ang aking pawis at sumalok ng tubig sa aking kamay upang maghilamos.

"Ano'ng ginagawa mo?"

Nahilo ako dahil sa aking biglaang pagtayo, mabuti na lamang at agad akong nakabawi sa gulat. Nakatayo sa harapan ko ang isang babaeng halos kaedad ko lamang, nagtataka ang ekpresyon nito dahil sa aking hitsura. Pinasadahan ako nito ng tingin pagkatapos ay ngumiti.

Lapitin talaga ako ng mga babae. Halata siguro nilang 'di ko sila type.

"Ako si Diana, namumutla ka kaya pinuntahan kita."

Nakahinga ako ng maluwag. Buong akala ko'y ipinadala siya dito ni Matron Aurora upang sermonan ako.

"Ano'ng ginagawa mo dito sa fountain? Bakit may mga balde?"

"Ah — ang sabi sa akin ni Matron Aurora..."

"Inutusan ka niyang mag-igib dito?" Tanong nito.

Tumango ako.

"'Yong matandang yon talaga. Ganito rin ang ginawa ko noong unang araw ko dito. Mabuti na lamang ay sinabihan ako ni Caloy na mayroong mahabang hose doon na pandilig." Sabi niya.

Sumama naman ang loob ko dahil doon. Ang tinutukoy niyang Caloy ay iyong binatang guwardiya na hindi man lamang ako pinagsabihan.

"Hindi mo naman talaga kailangang gawin ito. May hardinero dito kada sabado, buwan buwan rin ang pagpinta para bago." Dagdag niya pa.

Ay kupal.

"Leche." Bulong ko sa ere at nagbuntong hininga. Naisahan ako ni Matron Aurora, kung pwede lang gumanti kanina ko pa ginawa.

"Nag-igib ka talaga." Natatawang sabi ni Diana at kinuha ang dram ng tubig. "Ibabalik ko lang ito, pagkatapos ay magtatrabaho na tayo."

I was left speechless. Hindi ko inaasahang mapagtitripan ako ng isang matanda sa mansion ng mga Cassano.

"Siya nga pala," huminto si Diana at lumingon sa akin. "Huwag na huwag kang dadako sa kubo roon, mahigpit iyong ipinagbabawal ng anak ni Mrs. Cassano. Nakakatakot magalit si sir Val, kinakailangan natin ng dobleng pag-iingat pagdating sa kaniya." Aniya at tuluyan akong iniwan. "Si sir Val iyong anak na laging may bisita... mamaya ko na ikikwento, pagpasok natin sa loob."

Muli na naman akong nakaramdam ng panghihina. Huli na ang kanyang babala dahil doon ako galing, at mukhang alam ko na ang dahilan kung bakit ipinagbabawal ang pagpunta doon. May milagrong nagaganap. Bakit ba napakamalas ko ngayon?

Gayunpaman ay hindi ako pwedeng sumuko at kinakailangan kong magsikap, aarte na lamang akong parang wala lang. Wala akong nakilala sa bar na iyon, at wala akong nakita sa kubo.

Magtatakipsilim na nang matapos kami ni Diana sa labas at pumasok sa mansion. Hindi ko sinabing masama ang pakiramdam ko dahil bukod sa sumasakit ang ulo ko dahil sa aking nakita ay hindi ako nananghalian. Kulang na lang ay umiyak ako dahil sa unang araw ng trabaho ko ngunit inisip ko na lang na ganoon ang pag welcome sa mga katulong dito.

"Ayos ka lang?" Tanong ni Diana. "Kanina ka pa tahimik ah, teka, sadya ka bang tahimik?"

Umiling ako.

A Warmth That Lingers ??Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon