抖阴社区

Chapter 17: Jealous

1.4K 45 11
                                    

Chapter 17: Jealous

LUMIPAS ang araw na iyon at muli akong bumalik sa trabaho. At walang araw na hindi ako nagulo dahil laging sumusulpot si sir Valerius upang panuorin ako.

"Ayaw mo pang sumama sa restaurant ang dami mo ngang nakain," sabi niya isang beses na nagpahinga ako sa landscape garden. "How was our date?"

Napalingon ako sa kaniya. Nakatayo siya sa gilid ng isang maliit na puno at nakasandal habang nakakrus ang mga braso.

"Sayang niyong pagkain, hindi ako marunong magsayang." Sagot ko.

Napapansin kong habang tumatagal ay natural akong nagiging masungit kay sir Valerius. Amo ko pa naman siya, mabuti na lamang at hindi niya ako pinapatalsik dahil sa pagtrato ko sa kaniya.

"At isa pa, wala akong natatandaang date..." Dugtong ko. Hindi 'yon, pilit 'yon eh.

Napangisi ako nang makita kung paano nangunot ang kaniyang noo. I just pissed him.

"We had a date," seryoso niyang sabi.

Tumaas ang kilay ko. "Ang alam ko'y kumain lang tayo, pinilit mo pa ako..." Sabi ko sa nang-aasar na tinig.

"Shoot" Bulong ko sa aking sarili at mabilis na napatayo nang magsimula siyang maglakad sa akin sa iritadong ekspresyon. Para siyang susugod dahil hindi nasang-ayunan ang kaniyang sinabi sa pinakaunang pagkakataon. Malamang maiinis siya dahil lahat siguro ng mga taong nakasalamuha niya'y nag-aaya o nagpipilit ng date sa kaniya, samantalang ako'y itinanggi ang kaniyang ginawa. At isa pa akong lalaki, maaapakan talaga ang pride nito.

Ang totoo'y tahimik akong nagpapasalamat kay sir Val dahil nakakain ako sa isang mamahaling restaurant sa pinakaunang pagkakataon, ang problema nga lang ay natutuwa akong asarin siya dahil ang saya niyang mapikon.

Ano namang pinagsasasabi ko?

"We had a date. That was a fucking date, Amory." Pagtatanggol niya.

"No, it wasn't." Mabilis kong tugon atsaka tumakbo palayo sa kaniya.

"Huwag lang kitang masaktohang nakakulong sa akin, malalagutan ka talaga, Amory." Sabi niya, hindi iyon sigaw ngunit sapat ang lakas upang maintindihan at maunawaan ko.

Lumipas pa ang araw na naroon ay ganoon lagi ang eksena namin, nababaliktad ko ang pangpipikon niya dahil masyadong mataas ang kaniyang pride. Madalas siyang wala sa mansion dahil sa kaniyang trabaho, at kapag bumabalik siya'y nagtatago ako.

Alam ko kasing aasarin niya lang ako at mag-aaway lang kami, ayaw kong makahalata ang sinuman sa mga katulong sa hindi maunawaang pakiramdam na namamagitan sa amin — tensyon at hidwaan. Madalas rin siyang pagod kung umuuwi, kaya naman deretso siya sa pagtulog at kapag natyempuhan ako'y manggigisa ng manggigisa at sa huli'y siya nga ang pikon.

Isang araw ay umuwi siyang kasama ang kaniyang grupo, naroon si sir Landon na agad akong hinanap. Hindi ako nagpakita, nagtago lamang ako sa aming area at kung hindi pa ako tinawag ni Matron Aurora ay wala akong balak magpakita sa grupo.

"Ihatid mo sa kanila, tapos naman na ang trabaho niyo sa labas hindi ba? Wala ka naman nang bubuhatin." Sabi nito.

"Opo," tugon ko kay Matron Aurora pagkatapos ay kinuha ang tray ng mga pagkain. "Nasaan po sila?"

"Sa pool, iwan mo nalang sa lanai."

Tumango ako atsaka nagsimulang humakbang patungo sa pool. Nakaramdam ako ng pangingig dahil sa kaba nang unti-unting marinig ang kanilang sigawan. I did all my best not get their attention, ngunit isang lingon lamang ni sir Landon ay mabilis itong tumakbo patungo sa akin.

A Warmth That Lingers ??Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon