抖阴社区

Chapter 12: Picture

1.2K 44 2
                                    

Chapter 12: Picture

LUMIPAS pa ang ilang araw at hindi na iyon naulit dahil umalis ang binatang Cassano sa mansion. Wala na ring bumisita, si sir Val lang talaga ang may bisita sa mga Cassano. Naging tahimik ang mansion, hindi ko masasabing maganda iyon dahil boring ang malaking bahay.

At katulad ng mga nararapat kong gawin bilang katulong ay ganoon lamang ang ginawa ko sa araw araw. Natatanggap ng mga katulong ang kanilang sweldo sa katapusan pa ng buwan, kaya kinakailangan ko talagang magtiis upang makuha ito.

Kahit na gaano kasakit ang mga salitang natanggap ko kay sir Val, at kahit pa binabangungot ako niyon gabi-gabi ay kailangan kong magtiis — hindi lang to para sa akin, para sa pamilya ko rin.

Hindi rin gaanong madumi ang labas kaya hindi kami gaanong napapagod ni Diana. Nabigyan na rin ako ng mga trabahong panglalaki at talaga namang nakakapagod — bugbog sarado ang katawan ko maghapon. Literal talaga akong ginawang all-rounder. Dahil kung saan may kailangan lalo na kapag mabibigat at nakakapagod ay doon ako tinatawag.

Hindi na rin gaanong masungit sa akin si Matron Aurora, siguro'y ganoon lang talaga siya sa mga baguhan upang masukat kung saan aabot ang pasensya at pagiging masunurin nito. Hindi ko rin siya masisisi dahil bilang inatasang mangasiwa, kailangan niyang masigurong maayos ang kanyang mga tauhan.

Isang araw ay napadako na naman ako sa kubo, iyon ang lugar kung saan ako nakakita ng literal na milagro. Napangisi na lamang ako dahil hindi talaga maganda ang pagkakataong ibinibigay para sa amin ni sir Valerius. Wala akong natatandaang magandang pangyayari sa amin, gayong hindi pa naman kami nagkakasama. At ayaw ko siyang makasama dahil hindi maganda ang nararamdaman ko kapag nariyan siya. Kinakabahan ako, nanginginig sa hindi malamang dahilan at todo sa paghuramentado ang puso ko.

"Amory..." Pagtawag ni Diana sa pangalan ko, mabilis akong napalingon sa kaniya at saka humakbang patungo sa kaniyang lugar. "Amory Sage Fernandez, ang ganda naman ng pangalan mo — teka, anong ginagawa mo diyan?"

Ngumiti ako. "Hindi ko lang nasabi sa'yo noon pero bago mo pa ako nabaalan, napadako na ako rito."

Napahalakhak ako nang takpan niya ang kaniyang bibig dahil sa gulat. Sa nagdaang araw, naging close kami ni Diana. Wala rin silang pagkakaiba ni Sandoval, tahimik lamang si Diana kumpara sa bestfriend ko.

"Hala..." Diana reacted. "Anong... nakita mo?"

Huminto ako sa kaniyang harapan atsaka muling lumingon sa kubo. "Parehas ba tayo ng nakita?"

Umiling-iling siya na ikinatawa ko. "Wala, nabalaan ako kaagad. Curious tuloy ako kung anong mayroon sa kubo na iyan." Lumapit siya sa akin at kumapit sa braso ko. "Ano bang mayroon diyan? Ano'ng nakita mo?"

Napahagikhik ako habang sabay naming binaybay ang daan patungo sa mansion. "A miracle... Isang himala, makakalimutan mo na lang huminga."

"What? I wanna see it too!" Bulalas ni Diana na mas lalo kong ikinatawa.

"Wag, masisira ang buhay mo." Sabi ko. "Magtiwala ka sa akin, hindi mo gugustuhing makita..."

Ngumuso na lamang si Diana bago kami tuluyang pumasok sa tahimik na mansion. Minsan pag wala kaming ibang ginagawa o nagpapahinga ay nagkwentuhan kami. Hindi maiwasan dahil madali lang naming natatapos ang aming mga trabaho lalo kapag wala ang matron.

Hanggang sa tuluyan na kaming naging close ni Diana, napagsasabihan ko na siya ng mga problema ko at ganoon din siya sa akin. Sabay naming pinagtatawanan ang sira kong cellphone kapag tumatawag si Sandoval o ang pamilya ko. Hindi sumasama ang loob ko dahil pati ako'y natatawa sa hitsura ng cellphone ko.

"Tiwala lang, mabibili mo ang pinakamahal na cellphone balang araw..." Ani Diana isang gabi bago kami naghiwalay upang magpahinga.

"Hindi na kailangan, tamang cellphone lang okay na," nakangiti kong sagot.

——————

MULING LUMIPAS ang mga araw hanggang sa naging linggo na ay hindi parin bumabalik si sir Val, siguro'y katulad ng mga kapatid niya'y may inaasikaso rin siyang trabaho. Busy silang tao, at isa iyon sa hinahangaan ko sa kanila. They are responsible at such a young age.

Napag-alaman kong si sir Valerius ang nagmamanage ng Cassano Hotel and Resort kapag wala ang mga magulang niya, halimbawa na lamang ay kapag nasa ibang bansa. At napag-alaman ko ring sa kaniya iyon ipapamana dahil may kanya-kanya na ring business ang mga kapatid niya.

He is 25 years old, paano akong hindi hahanga eh sa murang edad ay marami na siyang narating. Napakaswerte ng mapapangasawa niya, nasa kaniya na halos ang lahat. Sa aking puso at kalusugan lang siya mabuti. Dahil hanggang ngayon ay wala parin akong ideya kung bakit ako nanghihina kapag nariyan siya — at binabangungot pa rin ako ng mga masasakit niyang sinabi sa akin.

Nang isang umagang mapadako ako sa malaking picture frame ay matagal ko siyang tinitigan. Halos wala siyang pinagkaiba sa mga kapatid niya, mas matured nga lamang ang mga iyong tingnan. Sa araw-araw kong pananatili dito sa mansion ay unti-unti kong nakikilala ang mga Cassano sa pamamagitan ng pakikinig sa mga usap-usapan ng mga katulong, at masasabi kong napakabuti nilang tao. Wala akong maipipintas, at sana'y magpatuloy ang panahon na wala akong maipintas sa kanila.

"Ang gagwapo ano?" Tinig iyon ni Diana sa aking likuran. "Lalo na iyang panganay, isang beses ko lang nakita si sir pero napahanga na kaagad ako," natatawa niyang aniya. "Kahanga-hanga naman kasi sila, hindi na iyon bago."

Lumingon ako kay Diana at tiningnan siya ng mapanudyong tingin. "Ikaw ha, crush mo si sir 'no," pangungulit ko.

Ang bruha, mabilis akong binalikan. "Parang nakita kong sumundo si sir Val sa wine room noon, ang alam ko'y naroon ka, anong nangyari?" Aniya sa nang-aasar na tinig. "Ikaw ha, may hindi ka sinasabi sa akin! Ang unfair mo!"

Tinampal ko ang kaniyang braso. "Marinig tayo ni Matron Aurora sisante aabutin natin, bawal daw lumandi diba."

Humalakhak si Diana. "Oo nga pala, bawal lumandi. Kaya simula nang mapadpad ako sa mansion na ito'y hindi na ako nagka boyfriend pa..."

"Hintayin mo iyang sir mo..." Sabi ko sa kaniya at tumawa. Nanghihina naman akong muling tumitig sa picture.

Mahirap talaga ang isang 'yon. Nasa kaniya na lahat — sinalo na ni sir Val ang lahat pati ang pagiging homophobic.

Si Diana naman ang tumampal sa akin. "Bu'ang, tara na nga. Ayokong masisante kakapangarap sa mga Cassano."

Imposible 'yon para sa isang pangarap, alam mo at malinaw na hindi talaga mangyayari.

A Warmth That Lingers ??Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon