"Hey, leaving!" Sigaw nito.
Kaasar ha.
Nakagat ko ang labi ko at pilit na ngumiti. "Magandang umaga po." Bati ko nang makarating ito sa aking harapan.
"How are you, shorty?" Nakangiting tanong niya at pinagmasdan ang kabuuan ko na tila ba tuwang-tuwang nakita ako.
Talaga namang, bibinggo rin ang hinayupak na 'to sa'kin.
Hindi ko siya nasagot dahil natuon ang paningin ko kay sir Valerius na hinahalik-halikan ng isang babae sa tabing pool. Hindi nito pinapansin ang ginagawa sa kanya ng babae, matiim na nakatuon sa akin at kay sir Landon ang kaniyang atensyon. Tila ba hindi natutuwa sa nakikita.
"Hey,"
Napapitlag ako at napalingon kay sir Landon.
"A-ano, okay lang... ju-juice?"
"I am not that wet, can I hug you? You look huggable, shorty." Tanong niya at ibinuka ang mga kamay.
Naghiyawan ang ibang naroroon dahil sa ginawa ni sir Landon maliban kay sir Val na agad na umasim ang mukha. Nanlalaki ang mga mata kong pinanuod ang kabuaan ni sir Landon, at talagang nahiya ako nang mapansing topless siya.
Napayuko ako upang makaiwas ng tingin, pakiramdam ko'y sinusunog ang mukha ko dahil kay sir Landon. Kumakalabog pa ang puso ko, at mas lalo pa akong kinabahan nang maramdaman ang malalamig na braso ni sir Landon na dahan-dahang yumakap sa akin.
"Si-sir?"
"Just a hug, shorty. Huwag kong sabihing nahihiya ka, parehas naman tayong lalaki. This is what brother's do, right bro?" Bulong niya atsaka hinigpitan ang yakap sa akin. "Be a man."
Literal akong nanginig nang maghiyawan at magpalakpakan ang ibang naroroon. Animo'y pinagtitripan ako. Nakabaon lamang ang ulo ko sa dibdib ni sir Landon kaya hindi ko alam ang reaksyon ng mga naroroon, gayunpaman ay nangilabot ako nang marinig ang pagmura ni sir Valerius. Marahang bumitaw si sir Landon at sabay naming nilingon si sir Valerius na madilim ang mukha habang papunta sa aming direksyon.
"Val, where are you going?" Sigaw noong babaeng humahalik-halik sa kaniya kanina lamang. "Hindi pa tayo tapos, bitin ako!"
"Bro," nakangising sabi ni sir Landon at inakbayan ako. "He is huggable, na try mo na ba?"
Matalim na nagtitigan ang dalawa, at gusto ko na lamang maglaho sa mga oras na iyon. Kinakabahan talaga ako sa maaaring gawin ni sir Valerius, at hindi ko maunawaan kung ano ang nangyayari sa kaniya at bakit siya nagkakaganoon.
Napasinghap ako nang humakbang siyang muli papunta sa amin, akala ko'y may gagawin siyang kung ano-ano ngunit nahigit ko ang aking hininga nang lumagpas siya sa amin.
"I'm gonna take my shower," ani sir Valerius sa malumanay na tinig ngunit bakas ang inis dahil sa diin ng kaniyang pagkakasaad. Iyon lamang ang kaniyang sinabi pagkatapos ay mabilis siyang nawala sa pool, mas lalong humigpit ang pagkakaakbay sa akin ni sir Landon.
"Inasar niyo na naman ba? Alam niyo namang pikon ang isang 'yon," natatawang sabi ni sir Landon sa grupo. "Ayaw non ng bromance, 'wag niyo kasing binibigyan ng meaning. Niyakap ko lang 'yong tao."
"Itong si Jersey kasi! Alam namang ayaw non sa mga bakla, humiyaw pa." Sabi niyong isa. "Nagalit tuloy, ba't mo kasi niyakap? Allergic 'yon sa dalawang lalaking naglalampungan 'di ba?"
"Tanga, binigyan niyo ng meaning. Wala naman sanang ibig sabihin 'yong yakap." Sabi ni sir Landon.
"Galit tuloy," si sir Jersey.
"Ako? Ikaw ang nagbalitang may kahalikan si Carlotta kagabi, malamang magagalit si Valerius!" Maktol pa niyong isa, nilingon ko iyong babaeng kahalikan ni sir Val kanina na tingin ko'y si Carlotta.
Napalunok ako, iyon pala ang dahilan kung bakit biglang dumilim ang paningin ni sir Val. I should stop overthinking, hindi maganda sa aking kalusugan. Hindi sa akin umiikot ang buhay ni sir Val. Hindi ko rin nauunawaan kung bakit na disappoint ako, kinakailangan ko na talagang iwasan ang lalaking iyon. Hindi ko na naiitindihan ang mga nangyayari sa akin.
Nang gabing iyon ay hindi ko nakita si sir Valerius, hindi rin nanatili doon ang grupo hindi katulad noon dahil mainit ang ulo ng binatang Cassano. Masyadong makulit si sir Landon, dahil hindi ito umalis nang hindi ako lumalabas. Kaya naman si Matron Aurora na mismo ang nag-utos sa akin na lumabas upang makaalis na ang grupo.
"Ano ba ang ginawa mo sa binatang Cordova? Hindi makaalis alis nang hindi ka nakikita," wika ni Matron Aurora, tinutukoy si sir Landon, pagkatapos ay iniwan na ako sa pintuan.
Umalis na rin sa wakas ang grupo matapos ang mahabang yakap sa akin ni sir Landon. Tropang yakap daw. Kumaway pa ako bilang paalam, nakakatuwang nakikaway rin ang ibang naroroon. Ilang minuto pa akong tumayo sa pintuan bago naisipang tuluyang pumasok at isara ang main door.
Nakakaugalian ko nang ako ang magsasara ng pintuan dahil ako ang laging nahuhuli sa lahat ng mga katulong, palibhasa'y gabi na umuuwi ang hardinero ay gabi na rin kami magliligpit ni Diana. Nauna na rin siya magpahinga, siguro nga'y tulog na. Tulog na rin naman siguro ako sa ganitong oras kung hindi lang hinanap ni sir Landon ang presensya ko.
"Tingin mo, may gusto sa'yo ang putang Landon na 'yon?"
Halos mapalundag ako nang mayroong bumulong sa aking likuran. Mabilis akong naghabol ng hininga dahil sa gulat at takot.
"Tell me, gusto mo rin ba ang hayop na 'yon?"
Napalunok ako at mabilis na umiling.
"Hi-hindi," hindi komportable kong sagot dahil sa ginagawa ni sir Val.
"Good," muli niyang bulong, halata mong galit. "Gays are not allowed here. Sinabi ko naman sa'yo 'di ba? 'Wag mong dumihan ang pamamahay na 'to, at 'wag kang mandamay sa kung saang impyerno ka man papunta."
Hindi ba nagbibigay ng mixed signal ang hinayupak na 'to? Ang sakit non, sobrang sakit. Muli na namang ipinaalala sa akin na hindi pala kami tanggap sa mundong ito. Para sa mundo — hindi kami tanggap at kasuklam-suklam kami.

BINABASA MO ANG
A Warmth That Lingers ??
Romance[ BL | MATURED CONTENT | TAGALOG ] Date published: May 20, 2025 Date ended: June 3, 2025
Chapter 17: Jealous
Magsimula sa umpisa