抖阴社区

Chapter 13: 3rd Day (Reflection of the Past)

Magsimula sa umpisa
                                    

"Bea...." mahinang sabi ni Kurt.

Nag-aalangan pa si Kelly kung gigisingin niya si Kurt. Kasalukuyan pading nakaupo si Kurt sa upuan na nasa gilid ng kama at nakasubsob ang mukha sa kama.

"Kurt..." Marahang kinalabit ni Kelly si Kurt.

"mmmm?" Kinusot kusot ni Kurt ang mata niya.

" Dito ka na sa kama, dun naman ako sa couch." Sabi ni Kelly. Naisip kasi niya na ilang oras na rin naman siya nakatulog sa kama at kawawa naman si Kurt.

"Kurt!!" Kinalabit niya ulit si Kurt....

"Bakit?" Sagot naman nito.

"Dito ka na sa kama." Sabi ni Kelly habang umaalis sa kama. Bigla namang hinigit ni Kurt yung kamay ni Kelly.

"Mahihirapan ka lang sa couch. Dito ka na sa tabi ko." Sabi ni Kurt habang umuupo sa kama. "Umurong ka." Utos naman niya kay Kelly. Sinunod naman siya nito.

Umurong si Kelly pakanan, humiga naman sa kaliwang bahagi ng kama si Kurt.

Nakatingin lang si Kelly habang nagkukumot si Kurt.

Seryoso ba talaga siya sa sinasabi niya?! Tanong ni Kelly sa sarili.

Pagkatapos magkumot ni Kurt ay tumagilid ito patalikod kay Kelly. Samatalang si Kelly ay naglagay ng mga unan sa pagitan nila ni Kurt at saka natulog.

| End of Flashback |

At yan ang dahilan kung bakit kami nagtabi matulog!

Umupo ako sa kama, napatingin naman si Kurt sa akin, halatang mainit ang ulo niya dahil magkasalubong ang dalawa niyang kilay.

"Sir Kurt.. Pasensya na po kayo kung naistorbo namin kayo." -Kuya Francis

"Ahh--Ano--K-Kuya James, kuya Francis. Hindi naman po kayo nakaistorbo. Okay la--"

"Anong hindi nakaistorbo?! Eh nagising kaya ako sa ingay nila!" Naiiritang sabi ni Kurt.

"Ang OA mo! Pwede namang matulog ulit!"

"Ewan ko sayo! Napuyat kaya ako kagabi dahil sayo! Pinagod mo ako no!" O______O

"N-Napuyat kayo Sir Kurt?' -Kuya James

"At n-n-napagod?!" -Kuya Francis

O____O Teka!!! Itsura palang nila halatang iba na iniisip nitong mga to oh!

"AT PINAGPAWISAN AKO!" Sabi ni Kurt. Tono palang ng boses niya, alam kong nangiinis na siya at nakikiride na siya kina Kuya James. Psh. Ngumiti ngiti pa na nang aasar! GRABE!! DUMI NG UTAK NIYO MEN!

The Search for the Bride (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon