抖阴社区

Chapter 13: 3rd Day (Reflection of the Past)

Magsimula sa umpisa
                                    

"HOY!! UTAK NIYONG MGA LALAKI AH!!"

"Bakit?! Di pa kasi ako tapos magexplain eh!! Napuyat ako dahil di ako makatulog sa couch! Napaalis ako sa kama dahil sa amazonang napakalakas mamalo. Napagod ako kakapaypay sayo!" Reklamo ni Kurt.

"Bakit ba kasi pinaypayan mo pa ako?!"

"Eh kasi bukod sa humihilik ka, nagsesleeptalk ka pa! Sabi ka ng sabi na naiinitan ka. Ewan ko nga ba kung sleeptalk yun o nagpapapansin ka lang."

"Kapal mo! Hindi ako nagpapapansin noh!! Tsaka hindi ko nga alam na sinabi ko yun eh! AT HIGIT SA LAHAT, HINDI AKO HUMIHILIK NOH!!"

"Humihilik ka!! Ang lakas nga eh!!"

"Hindi ah!! Baka ikaw yun!"

"Hindi ka--"

"EHEM!!" -Kuya James and Kuya Francis

Napalingon kami ni Kurt kina kuya Francis

"Baba na ho kami. Nagtext nga pala sa amin ang dad niyo after lunch daw po kayo masusundo. Yun lang po." Sabi ni Kuya Francis tapos lumabas na rin sila ng kwarto.

*Awkward Silence*

"Uhm--Babalik na ako sa kwarto ko." Sabi ko tapos tumayo na rin ako sa kama. Nakita kong sumandal lang si Kurt sa headboard ng kama sabay kuha ng cellphone niya.

Bago pa man ako tuluyang makalabas sa kwarto niya, naalala kong may sasabihin nga pala ako sa kanya.

Lumingon ako, nagcecellphone pa rin si Kurt.

"Kurt!"

"Oh?" Sagot niya.

"Salamat sa kagabi.." Err, hindi ko alam kung bakit pero naiilang ako sa kanya. -___-

Lumabas na ako sa kwarto niya at pumunta sa kwarto ko. Waaaah! Nakahiga rin sa sariling kamaaaaaa \:D/

7:27am. Napatingin ako sa relo ko, ang aga pa pala..

Matulog kaya ulit ako? Tutal mamayang after lunch pa naman kami susunduin eh.

Haaaay. Bakit ba kapag naaalala ko yung kagabi, nung nakita kong pinapaypayan ako ni Kurt, bakit ba parang... naiilang ako na ewan... DONT TELL ME!!! OH MY GOD!! DONT TELL ME KINIKILIG KA KELLY!!! KADIRI HA! MAHIYA KA SA BALAT MO!!

ARGH!! Ano ba naman!! Tama na nga kakaisip!! Matutulog na ako ulit!!

****

*BLINK BLINK*

The Search for the Bride (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon