Ipinikit ko na lang ang aking mga mata kasabay ng pagsarado ng aking utak at puso sa mga sinasabi nila dahil alam kong TAMA ang ginawa ko.
"Good Morning Anak! Ready ka na! Graduation mo ngayon kaya dapat maganda ka!" Idinilat ko ang aking mga mata at nakita ko ang maamong mukha ni Mama.
"Okay naman po kung hindi ako mag-aayos." Walang ganang sagot ko kay Mama, Hindi ko na kailangan iyon.
"Anak, Huwag kang ganiyan. Tayo ka na dahil mamaya pupunta ang Lola at Lolo mo sa Graduation mo." Lola at Lolo? Ang alam ko nasa Palawan sila at masyadong malayo kung pupunta pa sila sa Pampanga.
"Mama? Anong Oras? Masyadong malayo ang Pampanga para sa kanila." Hinaplos-haplos ni Mama ang aking buhok.
"Hayaan mo silang maging Lolo at Lola mo okay? Napatawad na nila ako at Pinatawad ko na sila. Kaya sige bangon ka na dahil nagluto si Trixie para sayo." Tumayo na ako kasama si Mama.
Nakita ko sina Papa at Trixie na nasa Lamesa at hinihintay kami. "Anak, Kain ka na.." Umupo na kaming dalawa ni Mama at pinagmasdan silang kumain.
Naiiyak na lang ako bigla dahil nakalimutan kong may pamilya palang nagmamahal sa akin pero hindi ko muna kayang magpakasaya kasama sila.
Pinunasan ko na ang luha ko at nagsimula ng kumain.. "Mama? Anong oras pupunta ang Makeup Artist dito?"
"Tinawagan na ng Secretary ko at Papunta na daw siya." Ang sabi naman ni Papa kay Trixie. "Ako rin! Magpapaayos! Wahaha!" Tawa ni Trixie.
"Anak? Asikasuhin mo ang Card at Clearance mo. Aasikasuhin ko na ang pag-alis natin sa bansa." Malumanay na sabi ni Papa kay Trixie.
"Oo nga pala, Althea.. Kung magbago ang isip mo, Sabihan mo lang kami ng Mama, Okay?" Tumango na lang ako at nagpatuloy na kami sa pagkain.
"Althea! Ang ganda mo naman! Ikaw ba yan! Ang ganda ng Bestfriend ko!"
"Hindi naman, Ang ganda mo ngayon ahh. Bakit mo kasama si Grey?" Panunukso ko sa kaniya, Lagi silang magkaaway dahil sa mga Tukusuhan nila sa isa't isa.
Nakita daw kasi ni Donella na may kayakap na Lalaki si Grey at si Fred lang iyon, Kinausap daw kasi ni Fred si Grey tungkol kay Margaux.

BINABASA MO ANG
Desire the Climax (Editing Process)
General FictionAlthea Dizon , 16 years old . To help out her desperately poor family, she takes on a part-time job. Then, one night, a boy snatches a kiss from her and offers her money, saying, "I'll buy you." Who is the boy who stole Althea first kiss...!? Proper...
Chapter 33
Magsimula sa umpisa