Chapter Forty-eight
"PAPA."
Nanlaki ang mga mata ni Alexa matapos iyong marinig. Kaagad siyang tumayo at iniwan ang ginagawang design. Malapit na ang deadline ng mga disenyo para sa kasal ng isang sikat na local celebrity couple ngunit mas pinili niyang magtungo sa crib kung saan naglalaro si Hopee.
"Papa," muli nitong sabi at pinisil-pisil pa ang pisngi ng hawak na teddy bear.
Umupo si Alexa sa sahig sa gilid ng crib at pinanood lamang si Hopee.
"Papa," anito at humagikhik.
Hindi mapigilan ni Alexa ang pagguhit ng ngiti sa kanyang labi. Her heart swelled with pride. It was Hosea Penelope's first word. The first clear thing that she said.
Napailing din siya. Hindi niya akalain na iyon pa ang una nitong bibigkasin.
"Do you miss Papa, Hopee?" tanong niya bagaman alam niyang hindi iyon naiintindihan ng bata.
Nag-angat ito ng tingin at binalingan siya. Ngumiti si Hopee, umaabot sa inosente nitong mga mata ang ngiting iyon.
"I miss him, too," buntong hininga ni Alexa.
Kahit anong pilit niyang balewalain ang nararamdamang iyon ay pilit pa rin iyong nagsusumiksik sa kanyang sistema.
Halos dalawang linggo na ang lumipas mula nang huli niyang nakausap si Lucas. Matapos ang wedding rehearsal ay hindi na niya tinapunan kahit katiting na atensiyon si Lucas. Binalewala niya ang lahat ng pagtawag nito. Nang nagtungo ito sa opisina at sa kanyang bahay ay hindi niya ito hinarap.
Ngayon naman ay nasa London ito. Nalaman lang niya iyon nang narinig niya ang pag-uusap nina Charles at Valerie nang bumisita sila sa bahay ng kanyang magulang. Kahapon daw ito umalis at hindi alam kung kailan babalik.
"Huwag na lang sana siyang bumalik. I don't care," palatak niya pagkatapos ay sumandal sa pader.
Ngunit sa kabila ng kanyang sinabi ay dinukot pa rin niya ang kanyang cell phone. Tila may sariling isipan ang kanyang mga daliri na kusang nagtipa ng mga letra.
Nakita na lamang niya ang pagrehistro ng iba't-ibang larawan. Nangunot ang kanyang noo nang mapansin ang pamilyar na mukha. Ang dating itim at tuwid nitong buhok ay naging blonde at kulot na tulad ng kay Taylor Swift. Naka-angkla ang braso nito kay Lucas habang malapad ang ngiti.
Everlyne Wynter: Finally reunited with the man!, pagbasa niya sa caption. Naningkit ang kanyang mga mata nang makita ang heart-shaped eyes emoji sa dulo ng caption.
12 hours ago. Lucas Ford Angeles: "It's good to see you again, Evie."
Sumimangot si Alexa nang mabasa ang comment sa ilalim ng picture. May apat pang larawan na hindi na siya nag-abalang tingnan.
How could you say you love me then meet up with The Bitch From Hell?
Inilapag na lamang niya ang cell phone sa sahig. Bakit ba niya tiningnan ang facebook account ni Lucas Damn Ford?
Pinukpok ni Alexa ang kanyang sentido. Mali na ang takbo ng kanyang isipan. Hindi niya dapat bigyang pansin si Lucas. Wala dapat siyang pakialam kung anuman ang ginagawa nito sa buhay.
Ngunit hindi niya napigilan ang nagising na inis sa kanyang dibdib nang makita itong kasama si Everlyne.
"I tried to fall in love with someone else. I fucking tried."
Umiling si Alexa nang maalala iyon. Is he trying to fall in love with Everlyne again? Napagod na ba si Lucas dahil sa paulit-ulit na pambabalewala niya? "Good for him!" sarkastikong bulong niya.
Naiinis na dinampot niyang muli ang kanyang cell phone at pinatay iyon. Pagkatapos ay tumayo na siya at bumalik sa mesa. Inilagay niya ang cell phone sa drawer. Binalikan na lamang niya ang naiwang trabaho.
"EVERLYNE WYNTER IS ENGAGED."
Hindi nagtagumpay si Alexa na balikan ang tinatapos na disenyo. Matapos ang humigit kumulang isang oras na pagtitig sa blangkong papel ay sumuko na siya. Naiinis na siya sa kanyang sarili dahil sa naramdaman niyang inis.
Hindi niya dapat iyon nadama. Wala dapat siyang maramdaman na kahit katiting na emosiyon.
"Now, they're engaged, huh?" She made a mistake of fishing her phone from the drawer. Tinungo pa niya ang account ni Everlyne, nadagdagan lamang ang pagkakamali niya.
"Goodness, Alexandra, what on earth are you doing?" sermon niya sa sarili nang nagpatuloy ang pag-scroll sa timeline ng talipandas.
Nakita na naman niya ang larawang pinagmulan ng kanyang inis. Naalala niya na mayroong comment si Lucas sa larawang iyon. She scanned through hundreds of comments until she found Lucas's. May mga palitan ng reply na kaagad niyang tiningnan.
Everlyne Wynter: Thank you for coming, Ford. ♥
Lucas Ford Angeles: You're welcome, Evie. ☺ Best wishes.
Best wishes? Ibig-sabihin....
Naningkit ang mga mata ni Alexa. Noon lamang niya napansin na nabago ang displayed picture ni Lucas. Ang kaninang solo picture nito ay naging larawan nila ni Hopee. It was a stolen shot. Kandong niya si Hopee habang nakaupo sila sa carpeted floor at naglalaro ng rattle. Tumahip ang kanyang puso sa hindi malamang dahilan.
She clicked the photo and it redirected her to Lucas Ford's account.
"Most beautiful sight ♥" Iyon ang description ng displayed picture.
Kumalabog ang kanyang puso. Tila may sariling utak ang kanyang labi, kumurba iyon sa isang masuyong ngiti.
Napailing si Alexa at pinawi ang ngiti. Binalingan niya si Hopee. Nakatulugan na pala nito ang paglalaro. With a sigh, she stood and tucked her daughter to bed. Matapos niyon ay kinuha niya ang sketchpad at umupo sa tabi ni Hopee. Ideas suddenly registered in her brain.

BINABASA MO ANG
Mend Her Broken Heart (Original Version) -Completed-
RomanceAlexandra Marie Mendez loved an Angeles her whole life. Wala siyang ibang itinatak sa kanyang isipan kundi ang itinatanging pagmamahal para sa kanyang fiancé mula pa pagkabata. Kaya naman lahat ay ginawa niya para masuklian ang pagmamahal na iyon...