抖阴社区

Chapter Nineteen

4.3K 107 5
                                        

Chapter Nineteen

"WHERE HAVE YOU been, Alexandra?" galit na sigaw ni Lucas nang buksan ni Alexa ang pinto ng kanilang bahay. Nanlilisik na mga mata ang ibinungad sa kanya ng asawa. Batid niya ang pag-iigting ng mga panga at ang pagkunot ng noo nito.

Pilit pinatapang ni Alexa ang kanyang sarili. Hindi na dapat siya magpadala sa takot alang-alang sa natatanging pag-asang pinanghahawakan niya.

"Just somewhere you don't need to know. Have you eaten? I'll cook, what do you want for dinner?" kaswal niyang sabi.

Isinantabi niya ang ginawang pagsigaw ni Lucas maging ang matutulis nitong tingin kahit pa ang kaibuturan ng kanyang sistema ay nahihiwa na ang bawat bahagi.

"Yoanna told me that you went down to Dean for a check up pero hindi ka naman raw nagawi roon. What happened to you? Where did you go? Did you meet with that Taggert again?"

Umiling si Alexa. "Gaya ng sinabi ko, hindi mo na dapat malaman."

"I need to know, I'm your husband," matigas nitong sabi.

"But you're not acting like one!" sigaw niya. Pansin niya na bigla itong natigilan. Ngunit hindi rin ito nagkomento sa naging sagot niya.

"Ngayon kung ayaw mong kumain, matulog na ako. Napagod ako," tamad niyang sabi at nilagpasan na ito. Ngunit mabilis ding sumunod si Lucas at pinigilan siya na tuluyang makalayo. Mahigpit ang pagkakahawak nito sa kanyang braso na pakiramdam niya'y magkakapasa iyon anumang oras.

"So you really met up with him?" mapag-akusa nitong paratang. Sinalubong niya ang galit nitong mga mata.

"So what if I do? Why does it bother you? It's not like you care about me. Or is it just about your ego?"

"You're asking for an annulment because you want to be with him." He concluded. "Are you in love with him? You can't be in love with him! He can never make you happy!"

Mapakla ang naging halakhak ni Alexa bilang kasagutan.

"Love? What do you know about love, Luke? What do you know about pain and broken hearts? What do you know about happiness? You know nothing!" galit niyang sigaw.

Hindi na niya napigilan. The moment she opened her mouth, all hell broke loose. Pagod na pagod at sawang-sawa na siyang sarilihin ang lahat ng sakit at galit sa kanyang loob.

"Who are you to say such things, Alexandra? You don't know me," anito sa kaparehong intensidad.

"Yes, I don't know you— I don't know you anymore. All you are is a cold piece of shit!" Marahas na nagpumiglas si Alexandra hanggang sa makawala siya sa mahigpit nitong palad.

"I'm giving up on you, Lucas Ford, I don't need you in my life," aniya at lalo pang pinatapang ang kanyang sarili kahit na nagbabanta na ang kanyang mga luha. "You only forced me into this marriage, it must be considered null and void in the first place."

"You can never escape from me, Alexandra. I know everything about you, I know how to break you. I have broken you once when I helped in making Charles reunite with Valerie and I can surely break you again!" anas nito.

No, you can't break me. I'm broken into bits already, I can't be more broken!

"You can try to stop me, but I'm Alexandra Marie, what I want, I get."

Nang-uuyam ang naging ngiti nito na may nanliliit na mga mata. "This is a battle, Alexandra, you're only going to lose it."

Umiling lamang si Alexa, she gave him a challenging façade. "This isn't a losing battle yet. If you think you can break me, you're wrong," aniya at humakbang palayo sa asawa. Nagtungo na lamang siya sa dati niyang silid, ayaw niyang makasama sa isang kuwarto si Lucas lalo pa't galit siya at galit din ito.

Mend Her Broken Heart (Original Version) -Completed-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon