抖阴社区

Chapter Two

6.3K 129 6
                                        

Chapter Two

"DAMN!"

Pinukpok ni Alexa ang pumipitik niyang sentido. Napakasakit ng kanyang ulo nang imulat niya ang kanyang mga mata. Sobrang sakit din ng buo niyang katawan. Nang tingnan niya ang kanyang bisig para alamin ang oras ay nagulat siya na makitang hindi niya suot ang kanyang silver na relos. Kaagad siyang bumalikwas nang maramdaman ang tila mabigat na bagay na nakadagan sa kanyang hita.

Suminghap siya nang makita si Lucas na mahimbing na natutulog sa kanyang tabi. Nakatagilid ito at nakaharap sa kanyang direksiyon habang ang isang hita ay nakadagan sa kanya. Litaw na litaw ang malapad nitong balikat. Maging ang magulo nitong buhok. Kitang-kita rin niya ang guwapo nitong mukha— mula sa makakapal nitong kilay at mahahabang pilik-mata, ang matangos nitong ilong at mamula-mula nitong labi. Napakaguwapo pala ni Lucas kapag ganoon kalapit. Bakit hindi niya iyon napansin noon?

Kinatok ni Alexa ang kanyang noo nang muling bumayo ang sakit. Pilit niyang inalala kung ano ang nagdala sa kanya sa ganoong sitwasiyon. Lasing pa ba siya? O may hang-over? Baka naman naghahallucinate na siya?

Iginala niya ang kanyang paningin. Nakakalat sa sahig ang mga piraso ng damit. Mariin niyang ipinikit ang kanyang mga mata. Malinaw ang ebidensiya ng kanyang pagkakamali.

Ano ba itong ginawa ko?

Sinampal-sampal niya ang kanyang magkabilang pisngi. Baka naman nananaginip lamang siya.

Ngunit biglang gumalaw si Lucas. Nagdadalawang-isip na nilingon niya ito. May binulong ito na hindi niya maunawaan. Pinanood lamang niya ang paggalaw ng mamulamula nitong labi. He even licked his lips.

Napalunok si Alexa at nakagat ang ibaba niyang labi. Kaagad siyang umiwas ng tingin. Nahihibang na yata ang kanyang sistema. Gaano ba karami ang nainom niya? Hindi dapat ganoon ang kanyang reaksiyon.

No! She couldn't be attracted to Lucas. He was practically her big brother. She couldn't be infatuated. It's a major sin. A taboo. Socially awkward and unacceptable. Ugh! Epekto lang iyon ng alak.

"Gising ka na pala, Baby Doll, good morning," ani Lucas. His sleepy bedroom voice sent shivers down her spine. Binalewala niya ang reaksiyong iyon.

Nakasimangot na nilingon niya si Lucas at tinapunan ng masamang tingin. Ang walang hiya! Nakuha pa nitong ngumiti at bumati pagkatapos ng nangyari kagabi. Mukhang hindi man lang nagtaka kung bakit magkasama sila sa isang kama na parehong walang suot na damit. Tinawag pa siyang Baby Doll?

"Oo, kanina pa," sarkastiko niyang sagot. Hindi ba dapat ay sumisigaw siya? Nagrereklamo? Nagtatuntrums? Damn! Bakit hindi niya makuhang magalit?

Fuck! That was my first! mura niya sa kanyang isipan nang napagtanto iyon.

Naramdaman niya ang biglang pagbalikwas ni Lucas. Tumambad sa kanya ang kahubdan nito. Dumako ang kanyang mata sa bahaging hindi niya dapat makita. Nag-init ang kanyang pisngi kaya agad siyang umiwas ng tingin. Damn! She couldn't even imagine having that thing inside her.

"Fuck," mura ni Lucas sa sarili. Muli siya nitong nilingon. Horror was written all over his face.

Nanlaki ang mga mata nitong tinitigan siya bago inikot ang paningin sa buong silid. Nakakalat ang bawat piraso ng kanilang mga damit sa sahig. Ganoon din ang mga walang lamang bote ng alak. Shit! Her undies were even lying on top of his. Lalo pang umapoy ang mainit na pakiramdam sa kanyang pisngi.

"I'm sorry," mahinang bulong ni Lucas.

Laglag ang pangang tinitigan niya ang mukha nito. His sorry would never change everything that happened last night. Hindi na maibabalik niyon ang virginity niya. She reserved that for Charles. Umiling lang si Alexa. It's gone now. At least it wasn't taken by a random stranger.

Mend Her Broken Heart (Original Version) -Completed-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon