2.1 THE PENITENT
Bumaba na agad ang mahal na obispo sa altar at agad siyang sinalubong ng mga tao upang humalik sa kanyang singsing. Ganun pa man, aligaga pa rin siya sa gitna ng mga tao, at naging mapagmantiyag sa kanyang sarili, habang tinatago ang lahat ng kanyang pangamba sa pangngiti habang kaharap ang mga tao.
Si Mon. Clemente naman ay tinawag ng isang semenaristang nag-sakristan ng araw na iyon sa misa, bitbit ang violet na stola. At sinabi niya kay monsinour sa paglapit nito..
"Monti, may gutto pong mangumpital sa inyo."
(Walang "s" pag nagsasalita ang semenaristang ito...)
Sa pagkadining nito ng monsinour ay saktong huhubadin na niya sana ang kanyang mga vestments... At dahil lang dun ay biglang nag-init agad ang kanyang ulo...
"Diyosko!" Tila nag-rereklamo niyang sinabi, sabay kuha na lang ng stola na violet mula sa semenarista, at binigay naman sa kanya ang Kasulya at berdeng Stola na ginamit niya sa misa.
Pagkatapos, pumunta si Mon. Clemente sa Confession Box na nasa unahan pa ng Simbahan. Pumasok siyang naka-alba at suot ang violet na stola. At pinakingan niya ang pangungumpisal sa kanya ng isang lalake...
"Padre..."
Bungad ng isang malalim at matapag na boses ng isang lalake...
"...h-humihingi ako ng tawad sa inyo... at... sa Diyos... dahil nagkasala ako laban sa Kanya..."
"Ano ang iyong mga kasalanan??"
Nagmamadaling sinabi ng Monsinour na agad napansin ng lalakeng nangungumpisal sa kanya.
"Mukhang nagmamadali yata kayo Monsinour Clemente-Mahalaga ang ikukumpisal ko sa inyo... SA PAGLIPAS NG TATLONG ARAW MULA NGAYON... MAGLALAGAY AKO NG ISANG BOMBA SA ISA SA MALAPIT NINYONG SEMINARYO DITO... KAILANGAN NIYONG MAGHANDA-HANDA, DAHIL HINDI NIYO ITO MAGUGUSTUHAN... ITO AY TATATAK AT MAGMAMARKA SA BUONG KASAYSAYAN NG INYONG SIMBAHAN... Kaya... Magdasal ka na... at kayong lahat.. dahil wala na kayong magagawa pa... Kunti na lang ang mga oras niyo- TIME IS GOLD."
Sa pagkakarining ni Mon. Clemente nito ay napag-pawisan siya at naging agresibo...
"SINO KA?!"
Pagkatanong niya ay lumabas na ang lalake sa kumpisalan...
2.2 KUTOB AT KABA
Habang nasa harapan ng pintuan na ang obispo may natanaw siyang isang pamilyar na lalakeng nakatayo sa harapan ng rebulto ng Sacred Heart na tila nagdarasal... At kutob niyang ito ang parehong lalakeng natanaw niya, habang siya ay nag-mimisa kanina.
Mabilis niya itong nilapitan at nang mahawakan niya ang likod nito, humarap naman ang lalake sa kanya . . .At sa huli nagka-tinginan lang silang dalawa... Dahil isang malaking Maling Akala lang ang lahat!
"Bishop!..." ani sa kanya ng lalake, at nag-mano na lang ito sa kanya...
2.3 BARIL
Pagkatapos magbihis ng obispo kasama ni Mon. Clemente sa Sakristiya...
Kinausap ni Mon. Clemente ang mahal na obispo sa isang opisina..."Clemente, nandito sila..."
Sabi ni Obispo Manuel nang takot na takot at natataranta.
"Huwag kang matakot! Alam kong nandito nga sila."
"Tumawag tayo ng mga awtoridad!"
"HINDI!"
Sagot agad sa kanya ni Mon. Clemente.
"Bakit?"
"Sa tingin mo mapapagkatiwalaan natin ang mga PULIS?!... At sa tingin mo ba ma-proprotekahan ka talaga nila?!"
"Anong kailangan kong gawin?!"
Na-aalarmang sinabi ng Obispo, sabay napaupo siya sa isang upuan.
"Ikaw mismo ang mag-proprotekta sa sarili mo."
Pagkasabi nito ni Mon. Clemente, may kinuha itong isang baril sa kanyang bag, at inabot niya ito kay Obispo Manuel.
"Hindi ako gagamit niyan!"
Pagmamatigas na sinabi ni Obispo Manuel.
"Anong i-proprotekta mo sa sarili mo?
Baka nakakalimutan mo, malapit na ang araw ng iyong Konsekrasyon bilang Obispo!""Hindi ko kailangan niyan!... Ang Diyos ang magproprotekta sa akin."
"DIYOSKO BISHOP! MAGING PRAKTIKAL NA TAYO! DI NATIN ALAM KUNG KAILAN LOLOOBIN NG DIYOS NA MAY MAGYARING MASAMA SA IYO!!!"
2.4 PAGHATID
Pagkatapos ng kanilang pag-uusap sa Katedral.
Sumakay na sila sa isang magarbong sasakyan na pagmamay-ari mismo ni Obispo Manuel. Si Rev. Kemuel ang nag-maneho nito, katabi niya ang isang Semenarista, habang sila Mon. Clemente at Bshp. Manuel ay nasa likuran nila. May biglang naalala si Mon. Clemente sa gitna ng daan..."Bishop, bukas na nga pala yung balikan ng mga Semenarista sa Mother of Good Counsel..."
"... At sa mga darating na araw naman ang dating ng mga bago diba?!"
"Opo..."
Sagot ni Mon. Clemente.
"Kailangang makapag-practice sila para sa Konsekrasyon... Rev. Kemuel, ikaw ang bahala doon."
"Opo Bishop"
Sagot naman ni Rev. Kemuel
Nang biglang may tumawid na isang itim na pusa sa daan at sa bilis ng pagmaneho ng diakono ay bigla siyang napa-preno ng wala sa oras...
"KEMUEL! DAHAN-DAHANIN MO NAMAN OH! DIYOSKO!"
May galit na sinabihan siya ni Mon. Clemente.
"Pasensya na po, Monsi, Bishop,..."
At nagpatuloy pa siya sa pagmaneho...
Hanggang sa naka makarating sila sa San Agustin Seminary, kung saan naninirahan ang Obispo.
Nandoon na rin ang Chancerry o ang Palasyo, kung saan nananghalian ang Obispo kasama si Mon. Clemente.
Kung saan pinauna na nila sa Mother of Good Counsel sina Rev. Kemuel at ang kasama nitong Semenarista.2.5 MOTHER OF GOOD COUNSEL SEMINARY
Kinabukasan...
Maagang nagising si Rev. Kemuel kasama ang isa pang Semenarista sa Mother of Good Counsel Formation Seminary (MGCFS)...
Halos kunting lakad lang mula sa Katedral, at isang kilometro ang layo mula sa Chancerry at sa San Agustin Seminary. Malawak ang lupaing tinitirikan ng mismong Seminaryo, na binubuo lang ng tatlong palapag na gusali, na pahaba ang itsura...
At ito ay hawak ng Diyosesis o ng Obispo. At dito kumukuha ng paghuhubog ang mga kandidato sa pagpapari na kabilang sa Anawim Movement (AM)Pagkababa ni Rev. Kemuel pumunta siya sa Chapel at naabutan niya na naroon ang Semenarista na nagdarasal. Inaya niya ito para magdasal ng Lauds...
Pagkatapos nun, kumain na sila ng agahan: Sardinas at mga tirang ulam kagabi. Ito ang pinagsaluhan nila sa lamesa. Sinamahan lang nila ng pandesal at kape.
"Ngayon, maghahanda tayo sa pagdating ng mga kasamahan mo, tutulungan kita"
Sabi ni Rev. Kemuel sa Semenaristang kumakain.
"Opo Rev."
Sagot naman ng Semenarista.
Maya-maya lang, dumating si Mon. Clemente.
"Monti kain po"
Sabi sa kanya ng Semenarista.
"Tapos na ako... Sa palasyo ako kumain."
Sabi ni Mon. Clemente.
Lalo na ng makita niya kung ano ang ulam nila.

BINABASA MO ANG
The aSPYrant
Teen FictionThe aSPYrant... No one knows who he really is... He is a wolf dressed in 'sheep-clothing'... He is just there inside with no intention.. Only to SPY... Beware, and do not be deceived!