(This Chapter is dedicated to +Kian delos Santos
and +Carl Angelo Arnaiz
Who were also shot dead because they were accussed in drug related cases, some years ago 47.1 is dedicated to Sem. Jerome Martinez rcj.)47.1 Viva Cristo Rey
(Jericho na ang itatawag kay Samuel)
Biglang naramdaman ni Jericho na nasasakal ang leeg niya. At wala ang mga paa niya sa lapag. Napagtanto niya na lang na nakabitin siya sa may kisame ng isang hindi niya kilalang lugar... Napakahigpit ng pagkakatali sa leeg niya, habang itinali rin ang mga kamay niya, at siya ay nanatili pang nakalutang ng ilang mga minuto.
Habang masaya-masaya siyang hinihila pataas ni Culas... Ibinitin niya si Jericho sa leeg sa may kisame sa loob ng isang dating Sakristiya sa dating Seminaryo ng mga Immaculista... Ibinaba niya naman agad si Jericho nang makita niya siyang nahihirapan na sa paghinga... Naibaba niya mula sa itaas si Jericho na pilit na hinahabol ang natitira niya pang hiniga:"Ano Jericho, buhay ka pa?! Kaya pa ba?! HA?!"
At itinaas niya ulit si Jericho. Kahit hindi pa ito tapos maghabol ng hininga... May pinapausok pa doon si Culas. Nagbabaga kase siya ng insenso sa tabi ni Jericho. At nang ibaba niya pa ulit si Jericho mas lalo pa itong nahirapang huminga, at nasakal sa pangalawang pagkakataon ng pagkakabitin sa kanya ni Culas:
"This is how WEAK humans like you looks like, ngahahahahaha..."
Hindi pa nakuntento si Nicholas, at hinawakan niya pa ng napakahigpit-higpit ang buhok ni Jericho:
"Poor thing!... Pagsisihan mo na pinili mong maging martir!"
Hingal na hingal pa rin si Jericho... At nung mas maamoy niya pa ang usok sa binabaga ni Culas umubo pa siya ng malakas...
Kinuha ni Culas ang binabaga niyang insenso. Kababaga lang ang loob ng Thurible kung nasaan yung insenso, na pinapausokan pa ni Culas sa harapan ni Jericho... Tumawa pa si Culas na parang demonyo:Culas: "Say this; GOD..."
Jericho: "G-God"
Culas: "IS.."
Jericho: "(COUGH) I-S.."
Culas:"DEAD"
Jericho: "DEAD... ugh..."
Culas: "GOD IS DEAD..."
Jericho: "VIVA CRISTO REY!"
... Sa sobrang galit ni Culas sa narining niya mula kay Jericho. Pinunit niya ang damit nito at hinampas niya agad ng dala-dala niyang insenso ang katawan ni Jericho para mapaso. At ginawa niya ito ng paulit-ulit para saktan si Jericho.
* * *
Samantala...
Nadatnan pa nina Stanis at ni Rev. Kemuel ang pagkakakuha ni Culas kay Samuel... Ginamit pa nga ni Culas ang isa sa mga sasakyan sa Seminaryo (na hindi natupok ng apoy) para dalhin si Jericho sa ibang lugar. Pero nagtago sila sa may di kalayuan para hindi sila makita ni Culas:
"Tama nga si Tamuel! Si Culat ang may gawa ng lahat ng ito!"
Napalakas na sinabi ni Stanis...
"Hinaan mo lang boses mo baka marining tayo ni Culas!"
Kinakabahan namang sinabihan ng diakono si Stanislaus.
"REV! Anong kailangan nating gawin?! Kailangan ni Tamuel ang tulong natin!"
"Pero unahin muna natin itong seminaryo, kailangang humingi muna tayo ng tulong para maapula ang apoy..."

BINABASA MO ANG
The aSPYrant
Teen FictionThe aSPYrant... No one knows who he really is... He is a wolf dressed in 'sheep-clothing'... He is just there inside with no intention.. Only to SPY... Beware, and do not be deceived!