抖阴社区

Ikatlong Kabanata

25 0 0
                                        

3.1 THE FINAL PREPERATION

"Ngayon... maghahanda kayo sa pagdating ng iba pang mga Semenarista, Rev. Kemuel, tulungan mo si Stanis na gawin iyon."

Utos ni Mon. Clemente, na kasalukuyan nilang Rector.

"Opo, Mons(t)i"

Sagot nila...

Pagkatapos nilang kumain naglinis silang dalawa ng buong Seminaryo. As in silang dalawa lang talaga!

Si Stanis ay mag-isa lang na nag-wawalis sa labas ng Seminaryo.
Habang si Rev. Kemuel naman ay inaayos ang bawat kwarto na tutulungan ng mga darating na mga bagong Semenarista.

Pagkatanghali...

May dumating na galing Ilocos na Semenarista... Dumating siyang tahimik ang Seminaryo sa labas, pero nang umakyat siya sa ikawalang palapag ng loob-Seminaryo nadatnan pa niyang naglilinis pa rin si Rev. Kemuel.
Lumapit siya sa kanya at nag-mano...

"O Mark,..."

"Rev, kayo lang mag-isa?"

Tanong ni Mark Boniface Martin.

"Oo, bakit?"

Sagot sa kanya ni Rev. Kemuel.

"Pero tanghali na po Rev..."

Sabi sa kanya ni Boniface habang tinitignan yung orasan niya sa kanyang kamay.

"Di ko na yata namalayan yung oras."

Sagot naman sa kanya ni Rev....

Kaya naman....

Sabay-sabay silang nananghalian sa Refectory, kung saan na naglilinis si Stanis nang dumating si Boniface.

Pinagsaluhan lang ulit nila ang tirang ulam kanina...

Dito na rin sinabi ni Rev. Kemuel yung gagawin nila mamayang hapon, kung saan ipagpapatuloy nila ang paglilinis ng buong Seminaryo, kasama ng kararating lang na si Boniface.

Pagkahapon...

Pagkatapos nilang mag-siesta, balik ulit sila sa kani-kanilang gawain...

Inayos ni Stanis ang unang palapag at ang Visitor's area.
Nilinis naman ni Boniface ang mga CR.
Habang si Rev. Kemuel ay inaayos ang Sakristiya at ang kanilang Chapel.

Kinagabihan...

Nagluto si Boniface ng masarap at mainit na sabaw ng noodles, ito ang pinagsaluhan nila sa hapunan nilang tatlo.

"Tatatlo na lang tayo... Hindi pa yata sigurado kung babalik pa si Bonaventure... Pero ito ang sigurado, na sa ikalawa, may apat na bagong pasok sa ating Seminaryo."

Sa gitna nito, dumating bigla si Khyle Bonaventure Flores, na mula pa sa Ilo-ilo... na may dala pang mabibigat na mga gamit...

Hingal na hingal siyang nag-mano kay Rev. Kemuel at tumapik kina Stanis at kay Mark Boniface.

"OH Khyle, nakabalik ka, kumain ka na..."

Sabi sa kanya ni Rev. Kemuel...
Sabay umupo si Khyle Bonaventure at kumain kasama nila...

3.2 ANG PANAGINIP NG OBISPO

Hinihinihingal na gumising si Obsp. Manuel sa kanyang pag-tulog.
Dahil nagkaroon siya ng masamang panaginip.
Kaya agad siyang bumangon at tumayo sa kanyang kama...

Tinawagan niya si Mon. Clemente, habang nasa lamesa na siya para mag-agahan...

*MGCFS*

"Hello..." sagot ni Mon. Clemente sa kanyang cellphone...

*Chancerry*

"Monsinour Clemente, asan ka?!"

-Bshp. Manuel

*MGCFS*

"BISHOP! Napatawag ho kayo?"

-Mon. Clemente

"PUNTAHAN MO KO DITO SA CHANCERRY! NGAYON NA!... BILISAN MO!!!...."

* * *

Habang nag-aagahan sina Rev. Kemuel at ang mga Semenarista sa Mother of Good Counsel...
Bumaba si Mon. Clemente at pinuntahan sila sa Refectory...

"Bilisin niyo kumain at linisin niyong mabuti ang kwarto ng Obispo sa Clerics Area... Dahil darating siya dito, mamayang hapon."

Nagsimula nang magtaka si Rev. Kemuel, pati na rin yung ibang mga Semenarista: Kung bakit biglaan ang pagpunta sa kanilang Seminaryo ng Mahal na Obispo.

Ganun pa man, pagkatapos nilang kumain at maghugas ng plato.
Agad silang nagpalit ng damit at nilinis ang kwarto ng obispo sa Clerics Area, na nasa ikalawang palapag ng kanilang Seminaryo.

Kinahapunan...

Dumating ang Obispo, sakay ng magarbo nitong sasakyan. Pinagluto siya nina Boniface at ni Rev. Kemuel ng masarap na panaghalian. Kumain si Obsp. Manuel sa loob ng Refectory kasama nila... Nakahiwalay ang mesa ng mga Semenarista, sa mesa nila Rev. Kemue, ni Clemente, at ni Obispo Manuel.

Pagkatapos...

Pribadong nag-usap sa mahabang lamesa sina Mon. Clemente at si Bshp. Manuel na nasa tapat ng Clerics Area, sa ikalawang palapag ng Seminaryo...

"Nanaginip ako, nasa Chancerry ako, napapalibutan ng usok, tapos para kaming hinahabol ng mga sundalo, at marami akong kasanang nagtago sa isang kwarto, at may narining pa akong;... Itago ang Obispo... itago!... itago!... Hindi kaya ito na yung bomba na sinasabi mo sa akin nung Linggo, na ayaw ko pang paniwalaan? Yung sabi mong ikinumpisal sa iyo?"

Tumungo lang si Mon. Clemente...

"Hayaan mo bishop, ligtas ka dito, walang sinoman man ang makakapanakit sa inyo... Dito muna kayo hanggang sa makita na natin yung bomba na sinasabing sasabong sa Seminaryo ng San Agustin."

Ang parte ng pag-uusap na ito ay aksidenteng narining ni Rev. Kemuel
Galing siya sa kwarto ng mga aspirants
Napadaan lang siya sa labas ng hall kung saan nag-uusap sina Mon. Clemente at si Obsp. Manuel.

3.3 PAGDATING NG MGA BAGONG SEMENARISTA

Dumating na nga ang araw kung saan dadating ang mga bagong Semenarista sa Mother of Good Counsel Formation Seminary...

Madaling araw pa lang ay naroon na ang isa sa kanila, galing pang Bicol. Hinatid pa siya ng kanyang mga magulang mula doon...

At dahil sarado pa nun ang Seminaryo
Sa Chapel muna sila nanatiling nakaupo...

Maagang nagising si Stanis at bumaba na sa Chapel...
Kaya siya na ang sumalubong kanila Genesis at sa mga magulang nito . . .

(Kunting Dialogue)

Stanis: "Good Morning po..."
Tatay ni Genesis: "Magandang Umaga din naman sa inyo..."
Nanay ni Genesis: "Si Genesis Jay Roque nga pala..."
Stanis: "Stanislaus Palma po"

Samantala...

Sa Airport...

Mangiyak-giyak-giyak na nagpaalam si Jonathan sa kanyang mga magulang.
Niyakap niya ang bawat isa sa kanilang pamilya: Ang nanay, tatay, at ang pito nitong mga kapatid, apat na pinsan, at isang tito at tita niya. Pagkinglingon niya, palakad, di na siya sumilip pa...
Para, maitago, sa kanila, ang paglabas ng kanyang mga luha.







The aSPYrantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon