抖阴社区

Chapter 27: That Awkward Moment

Magsimula sa umpisa
                                    

Tumango na lang ako bilang sagot. Tumayo naman si mama sa kama at naglakad palabas sa kwarto. "Goodnight Kelly, magpahinga ka na, maaga ka pang gigising bukas." Sabi niya bago tuluyang makalabas sa pinto.

*

"Kelly! Andyan na si Kurt! Maligo ka na!!" Naiirita ako sa boses ni mama. Kanina pa siya sigaw ng sigaw. Hindi ko ulit siya pinansin at nagtalukbong na lang ako sa kumot.

Ilang sandali lang ay narinig kong bumukas ang pinto ko. Psh! Ayaw talaga ako tigilan ni mama.

"Hmmmm, 5 minutes pa, Ma." Sabi ko habang tinatanggal ang kumot sa mukha ko.

Nagulat na lang ako nang biglang makita ko si Kurt na nakatayo sa gilid ng kama ko.

"Napakatulog-mantika mo! Kababae mong tao," Komenta niya.

"Pake mo?!?"

"May pake ako kasi magiging asawa na kita!" Naramdaman ko bigla ang mabilis na pag-init ng mukha ko. Bwisit na to! Kung ano ano sinasabi. -.-

"Tse! Umalis ka nga dito! Dun ka sa baba!!" Sigaw ko.

"Bago ka sumisigaw dyan, siguraduhin mong nakapagtoothbrush ka na ha. Baho eh, tunatambay sa ilong yung amoy." Sabi niya habang naglalakad palabas ng kwarto.

ARGH!! KAPAL NG MUKHAAAAAAAA!!!!! ASAAAAAAR!!!

Tumayo na ako at naligo na. Pinagmamadali pa ako ni mama. Eh ang aga pa kaya! 9 palang oh! Bwisit na Kurt to!

Pagbaba ko, naabutan kong kumakain si Kurt sa dining table kasama sina Mama at Nicole. Psh! Nakalibre pa ng breakfast. Kapal ng mukha.

"Sumabay ka na dito, Kelly!" Pag-aaya ni mama.

"Hindi na, Ma! Bigla akong nawalan ng gana!" Nakita kong tumingin si Kirt sa akin at inirapan ko lang siya.

"Okay na ba yung gamit mo?"

"Opo, Ma."

Matapos nilang kumain, agad din kaming nagpaalam kina Mama. Hindi ba kasi pwedeng dito na lang ako tumira? Duh! Hindi pa kaya kami kasal -__-

"Hoy! Lalim na naman ng iniisip mo, mukha ka na namang natatae." Sabi ni Kurt ng makapasok na kami sa sasakyan.

"Bakit ang aga aga mo naman dumating sa bahay?"

"Wala lang." Matipid niyang sagot tapos ngumiti siya sa akin.

ISANG NGITI LANG, NAWALA NA AGAD INIS KO. WHAT THE ACTUAL F*CK?! GANYAN KA NA BA KABADUY NGAYON, KELLY?!

"Anong gusto mong gawin?"

"Ha?"

The Search for the Bride (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon