Nooooooooooooo!!!!!!
Agad akong napabangon mula sa masamang panaginip. Hindi pupwede. Hindi maaari. Hindi ako papayag. Hindi.
Dahil sa aking napanaginipan hindi na muli ako nakatulog kaya tinawagan ko nalang ang aking secretary upang makibalita sa kung ano na ang nangyayari sa KANYA.
Ilang segundo lang at sinagot na rin niya ang tawag ko.
"Hello, sir?" Bungad na sabi ng kabilang linya
"Anong balita tungkol sa kanya?" Pangungusisa ko rito
"Babalik na po siya, sir." Tugon nito
"Kailan?"
Nasasabik siyang malaman na babalik na pala ito matapos ang mahabang panahon.
"Mamayang 10 AM po ang dating niya, sir." Imporma ng kausap ko
"May susundo ba sa kanya sa airport?"
"Base po sa information na nakuha ko ay hindi po siya magpapasundo dahil umiiwas din po siya sa mga media."
"What do you mean?" Nagtataka kong tanong
"Wala pong nakakaalam sa pagdating niya dito sa Pilipinas."
"Okay, ako ang magsusundo sa kanya."
"Sigurado kaayo sir?"
"Yes. Pakihanda ng sasakyan para sa pagsundo ko mamaya sa kanya at pakihanda na rin ng bahay naming dalawa doon kami uuwi mamaya." Utos ko kapagkuwan
"Okay po, sir."
"Sige."
Matapos kung malaman na ngayon ang balik niya ay naghanda na ako agad para on time ako makarating sa airport buti nalang at 7am palang pagtingin ko sa wallclock ng aking kwarto. May oras pa ako upang mag-ayos para sa muli naming pagkikita.
Pagpatak ng 8:30 ay umalis na ako agad patungong airport mabuti nalang at 45 minutes lang ang kailangan para makarating dun.
Hindi naman ako nahirapan dahil nakarating agad ako, humanap lang ako nang magandang pwesto kung saan ako magpapark at nang makakita ay doon ko na pwinesto ang sasakyan. Pagkatapos nun ay lumabas na rin ako para sa loob ng airport ko nalang siya hihintayin. Nagsuot ako ng aviator para di ako masyado mahalata ng mga media na nandoon sa loob. Pinili ko rin na sa may bandang gilid ako dumaan para mas lalong walang makakakilala sakin.
Habang naghihintay ako ay inisip ko ang naging panaginip ko kanina. Isang di magandang panaginip. Ang makitang may ibang kasama na ang aking asawa at masaya siya sa piling nito ay di ko kayang tanggapin. Ni minsan di ko inisip na magkakaroon siya ng ibang mamahalin kahit na may posibilidad na mangyari ngunit hangga't asawa ko pa rin siya di ko hahayaan maging totoo ang panaginip ko. Gagawin ko ang lahat upang di siya lumayo muli sakin. Ipapaliwanag ko sa kanya ang nangyari noon at di ako titigil hangga't di niya ako mapapatawad. I love her & I will do everything para bumalik kami sa dati.
Natigil lang ang aking pag-iisip ng ianunsyong dumating na ang flight galing London. Agad akong tumayo at pumwesto sa magandang side kung saan maaari siyang dumaan para makaiwas sa mga taga media.
Kahit malayo ay tanaw na tanaw ko siya. Napangiti ako ng sa wakas nakita ko na rin siya. Mas gumanda siya lalo at mas naging sexy rin siya. Bahagyang nakakulot ang dulo ng kanyang buhok.
Nang nasa malapit na siya ay agad akong lumapit na siya namang kinagulat niya. Well, di niya inaasahan malamang na andito ako ngayon.
"Hi, babe." Bati ko sabay halik sa pisngi niya.
Di naman agad siya nakagalaw kaya hinawakan ko na ang kamay niya at nagsimula ng maglakad palabas. Nang makalabas na kami ay dun lang siya nagpumiglas at nagsalita.
"What are you doing here?" Gulat nitong tanong sa akin
"Sinusundo ka." Nakangiti ko namang sagot
"Wala akong naaalala na sinabi ko sayong sunduin mo ako." Mataray nitong saad
"Di mo naman kailangan pang sabihin sa akin dahil kahit di mo sabihin susunduin pa rin kita."
"Paano mo nalaman na ngayon ang dating ko?"
"I have my source, babe." Mayabang kong sabi na ikinairap nito
"Tsk." Yun lang ang sagot niya kaya binuksan ko na ang passenger seat para sa kanya. Di naman siya nagreklamo pa at sumakay na rin. Umikot naman ako para buksan ang driver side nang makaalis na kami. Sinuot ko muna ang seatbelt ko bago ko nilingon ang katabi kong nagseseatbelt na rin.
Pinaandar ko na ang sasakyan at nagsimula na kaming lakbayin ang daan.
"Just drop me on D'queen."
"No. You're staying with me at our house." Hayag ko na hindi nito nagustuhan
"What?!"
"Yes, sa bahay ang diretso natin."
"Arggh! I don't want to be with you."
"But I want you to be with me, babe."
"You're crazy." Iiling-iling nitong sambit
"Yes, crazy for you." Sabi ko sabay kindat sa kanya.
Nanahimik naman siya at di na nagsalita pa kaya nagtanong nalang ako sa kanya.
"Kamusta kana?"
Lumingon naman siya sa tanong ko at nagsalita.
"I'm fine. Ikaw?"
"Before hindi pero ngayong andito kana ulit ayos na ako."
Di niya siguro inasahan ang sagot ko kaya napaiwas siya ng tingin at muling natahimik.
Hindi na rin ako nagtanong pa at hinayaan nalang siyang magpahinga kahit konti man lang. Nang lumingon ulit ako ay mahimbing na siyang natutulog kaya inihinto ko muna sandali ang kotse upang iayos siya ng higa at hinalikan ng mabilis ang labi niya sabay sabing 'Welcome Home, Babe'. Pagkatapos naman ay nagpatuloy na ako sa pagmamaneho na may ngiti sa labi dahil matapos ang paghihintay sa kanya ay andito na ulit siya sa tabi ko.

BINABASA MO ANG
A Wife's Comeback
General FictionCompleted SPG | Mature Content It's been 5 years since I left HIM and now I'm back here in the Philippines not for HIM but for my career and business. I'm Cyanna Trish Villega-Lagdameo the wife of Drake Jeshin Lagdameo. A lot of things has changed...