抖阴社区

AWC: Hands-On

2.9K 80 2
                                        

Sampung buwan na ang lumipas at dalawang buwan nalang ay 1st birthday na ng anak namin na si Cyke. For the past months, everything's okay & we are all happy dahil lumalaki na rin ang anak namin. Nakakapagod minsan dahil sa marami akong trabaho sa kompanya tapos tumutulong rin ako kay Cyanna sa pag-aalaga kay Cyke but despites of that I made sure na nabibigyan ko pa rin ng sapat na oras ang pamilya ko lalo na ang aking mag-ina. Sa pagdaan ng panahon mas lalo kong pinagpupursige ang pagtatrabaho dahil gusto kong mas mabigyan pa ng magandang buhay ang asawa at anak ko.

Pagdating naman kay Cyanna ay wala akong masasabi dahil sobrang galing niya sa pag-aalaga ng anak namin. Kahit na napapagod rin siya pero hindi mo makikitaan dahil labis labis ang pagmamahal na mayroon siya para kay Cyke. Lahat gagawin niya kahit na mahirap pero kung para naman sa anak namin ay hindi siya magdadalawang-isip pa at gagawin iyon agad. Bilib ako sa asawa ko dahil kahit first time mom siya ay hindi siya nagpapahuli sa mga ina na may dalawa o higit pang anak pagdating sa pag-aaruga ng bata. Ni hindi na niya naaasikaso ang negosyo niya dahil full time siya kung magbantay kay Cyke pero sabi niya naman wala ng mas importante sa kanya sa ngayon kundi ang pamilya namin. Makakaya naman daw ng mga pinagkakatiwalaan niyang tao ang boutique niya kaya kampante naman daw siya tsaka kapag nag 1 year old naman daw ang anak nila ay pwede na niya itong madala sa kanyang opisina kasama ang isang kasambahay namin. Ayos lang naman sakin iyon kung pwede nga lang ay dalhin ko rin si Cyke sa kompanya pero alam kong mahirap yun lalo na't hindi ko siya ganoon mababantayan kaya bibisitahin nalang daw ako ng mag-ina ko sa kompanya para naman daw makita ng anak namin ang pinaghirapang business ng daddy niya na labis kong kinatuwa at kinaexcite. Hindi ako makapaghintay na maturuan ng mga bagay na alam ko ang anak namin at isa pa makipaglaro sa kanya kapag malaki na siya.

Sa ngayon hinihintay namin mag-asawa ang unang salitang lalabas sa bibig ni Cyke. Kahit alin sa dalawa (mommy o daddy) ang mauna ay okay lang basta marinig ko ang boses ng anak ko ay solve na ako. Wala na sigurong sasaya pa kung marinig mo ang iyong anak na tawagin kang daddy.

Busy kaming mag-asawa sa pagprepara ng mga ihahanda namin sa unang kaarawan ng anak namin, kahit sa mga maliliit na detalye ay hindi namin kinakaligtaan dalawa. Kahit pa na dalawang buwan pa bago ang espesyal na araw ay gusto namin maihanda na ito ngayon kaaga para kung may mga makalimutan man kami ay may oras pa para gawin iyon. Kaya nga ngayong araw ay pupuntahan namin ang venue kung saan gaganapin ang selebrasyon tsaka ang event organizer na rin na siyang hahawak sa okasyon ay pinapunta namin sa lugar para makita niya ito at maistema na rin ang mga gagawin niyang disenyo. Sa makalawa naman ang pagpili ng mga pagkaing ihahanda at gusto kong sa whole preparations ay nandoon ako kaya pinasched ko na lahat ng araw na magagamit para sa pag-aasikaso namin sa birthday na ito. Mabuti nalang rin at hindi gaano kabusy ang schedule ko kaya wala akong naging problema.

Iniwan muna namin si Cyke kila mommy na labis naman ikinatuwa ng huli. Kukunin nalang namin siya mamayang hapon dahil naisipan kong dalhin ang mag-ina ko sa isang sikat na restaurant para sa isang dinner. Matagal na rin kasi noong huli kaming lumabas ni Cyanna para kumain kaya gusto kong lumabas kami mamaya kasama ang anak namin. Excited ako para later dahil unang beses namin itong kumaing tatlo sa isang restaurant na hindi nalang kaming dalawa mag-asawa kundi tatlo na dahil ngayon may baby na kaming kasama.

Nagpareserve na ako kanina sa restaurant na kakainan namin mamaya kaya wala na akong dapat ipag-alala pa kung hindi ako makakuha ng magandang pwesto. Isa pa kasosyo ako nung may-ari ng kainan kaya may parte rin ako sa negosyong iyon at kaibigan ko rin.

Habang nasa byahe ay hawak ko ang kaliwang kamay ni Cyanna na paminsan'minsan ay hinahalikan ko na ikinailing at ikinangiti lang nito.

Excited na ako para sa birthday ni Cyke.
Biglang saad nito na ikinalingon ko sandali habang may ngiti sa labi

A Wife's ComebackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon