Today is the flight of Drake going to Tagaytay. He's attending a two days business conference there and his presence is very important that's why he really needs to go. He even asked me to go with him but I refused because I have a load of works in my office especially that this week is the launch of my new collection of dresses, office attires and other suits. Gustuhin ko mang sumama sa kanya pero may trabaho rin ako kaya hindi pwede. He understand naman kaya walang naging problema.
Hinatid namin ni Cyke si Drake sa airport bago kami pumuntang MBS. Ako na ang nagmaneho ng kotse nang makaalis na ang sinakyang eroplano ng asawa ko. Pagkarating namin sa office ay agad ko ng inasikaso ang ilang papeles at pinirmahan ang mga kailangan ang pirma ko. Tinignan ko rin ang mga designs na ginawa ko for the new set of collection.
Tumawag naman si Drake sakin para sabihing nasa Tagaytay na siya. Nag-
usap lang kami saglit saka natapos ang tawag.Nanghihingi rin ako ng update patungkol sa mga damit na ginagawa kung tapos na ba para makita ko na. Mia said na tapos na raw at ihahatid nalang bukas dito sa opisina ko para aking matignan.
Maaga kaming umuwi ni Cyke dahil ayokong mastuck kami sa traffic at isa pa, kami lang dalawa kaya ayokong gabihin kami sa daan.
Pagkapasok namin ay saktong buhos naman ng ulan kaya nagpasalamat ako dahil hindi kami naabutan nito pauwi. Nilinisan ko na muna ang anak bago ako naghalf bath. Dahil malamig ang simoy ng hangin kaya nasa mababang numero lang ang temperatura ng aircon ng kwarto namin ni Drake.
Bandang alas sais y media ng bumaba kami ng anak ko sa dining area para maghapunan. Tinolang manok ang ulam kaya swak sa panahon ngayon.
Matapos kung pakainin si Cyke ay tinapos ko na din ang pagkain ko. Bago kami umakyat ay nagtimpla muna ako ng gatas para sa anak at para na rin sakin. Pinahatid ko nalang ito sa isang kasambahay namin dahil karga ko si Cyke.
Nang nasa kwarto na kami ay pinaandar ko ang flat screen tv para manood ng balita at malaman kung may bagyo ba o wala. Thankfully, wala naman daw ayon sa weather forecaster kaya napanatag ang loob ko. Kasama ko sa kama si Cyke kaya nilagyan ko ng malaking unan bilang harang ang kaliwang bahagi ng higaan para hindi ito mahulog kung maglikot man. Tahimik naman ito saking tabi at nakinuod rin ng palabas sa tv.
Nang makitang mag aalas otso na ay kinuha ko ang laptop sa katabing mesa ng kama at binuhay ito para makipag'skype sa asawa ko.
Nagtagal rin nang isang oras ang skype namin dahil kinausap nito ang anak kahit pa nga hindi pa naman masyadong nakakapagsalita ang anak dahil isang taon palang ito at medyo bulol pa sa ilang words. Pero nakakaintindi na ito kahit papaano hindi man masasabi na maayos namin itong nakakausap ni Drake at least nagagawa namin siyang kausapin at turuan na rin ng mga salita.
Pagkatapos ng videocall na iyon ay nakatulog rin ang anak namin. Bukas ang unang araw ng conference na dadaluhan ng asawa ko at matatapos sa Biyernes ng hapon kaya gabi na makakarating si Drake dito sa Manila.
Nang maubos ko ang gatas ay natulog na rin ako. Nakayakap ang isang braso ko kay Cyke habang ito ay mahimbing ng natutulog. I kissed his forehead and said my goodnight before drifting off to sleep.
- - -
Maaga akong nagising kinabukasan. Pinaliguan ko muna si Cyke at binihisan after bago ako naman ang nagshower.
Nilagay ko na muna siya sa kanyang crib para panatag akong iwan siya saglit.
Suot ko ang isang printed dress na gawa ko mismo at pinaresan ito ng dark blue na heels. Dark blue Chanel bag naman ang nilagyan ko ng ilang mga gamit namin ni Cyke.
Dala'dala ko na ito pagbaba naming dalawa. Nakahanda na ang mga pagkain sa mesa kaya nagpasalamat ako sa kasambahay namin.
Beef tapa, hotdog at garlic rice ang nasa mesa. Iba naman ang para sa anak ko dahil hindi pa naman ito nakakakain ng ganoong mga klaseng pagkain. Pinagsabay ko lang ang pagkain at pagpapakain rito. Nang matapos ay agad akong tumayo karga ito para magsepilyo.

BINABASA MO ANG
A Wife's Comeback
General FictionCompleted SPG | Mature Content It's been 5 years since I left HIM and now I'm back here in the Philippines not for HIM but for my career and business. I'm Cyanna Trish Villega-Lagdameo the wife of Drake Jeshin Lagdameo. A lot of things has changed...