CHAPTER 20
HOME FOR CHILDRENWala na si Alfieri ng magising ako at ang bumungad sa akin ay isang matandang babae na siyang may hawak ng mga gamit ko. Hindi ko man alam kung kailan nila kinuha ang mga gamit ko sa condo ay naisipan ko na lang huwag nang magtanong.
"Manang, si Lance po nasaan?" Tanong ko.
"Sinong Lance, iha? Yung blond ba ang tinutukoy mo?"
"Opo,"
"Sumabay na siya pag uwi kanina nang kuhanin ang mga gamit mo." Ngiti ni manang habang naghahain ng pagkain sa lamesa.
Ngayon lang ata ako nakakita ng tao rito sa mansyon ni Alfieri maliban sa mga men in black niya. Para kasing mga multo ang mga katulong rito na hindi mo alam na nandiyan pala pero nag iiwan ng paramdam.
"Nasaan po yung ibang katulong?" Curious kong tanong. Tinusok ko ng tinidor ang inihain niyang hotdog bago ako sumubo ng java rice.
"Bakit hindi ko po sila nakikita?" Dagdag ko pa habang ngumunguya.
"Lumalabas lang sila kapag kailangan o pinatawag. Bumabalik rin sila agad sa kanilang mga kwarto kapag hindi na kailangan o tapos na ang gawain." Paliwanag ni manang.
Matapos kumain ay lumabas na ako ng malaking mansyon at bumungad naman sa akin ang mga nakahilerang men in black, sa tapat ko naman ay ang pamilya na itim na kotse kung saan nakatayo sa tabi nito ang magalang na si Cole. Sa likod ng kotse ay may isa pang itim na kotse na sa tingin ko naman ay para kay Grey at Hulk. Are we back to having bodyguards again?
"Good morning, Ms Anderson." Yuko ni Cole. Napairap naman ako bago pumasok sa loob ng kotse. Umikot naman siya sa driver's seat at doo'y naupo.
"Please drop the last name basis. Call me Amber." Simangot ko. Hindi talaga kasi ako sanay na itinuturing na parang Donya.
"Ay Cole, alam mo ba kung saan yung Tracy Home for Children?" Tanong ko nang magsimula na siyang magmaneho.
Mula sa rearview mirror naman ay kita ko ang pagkunot ng kaniyang noo bago bahagyang umiling.
"Hindi po, pero isesearch ko na lang ang address. Bakit po?" Napangiwi ako sa paraan ng kaniyang pananalita.
Kung tutuusin parang 3 o apat na taon ang agwat niya sa akin pero kung tratuhin niya ako ay parang ako pa ang mas matanda.
"Puntahan natin mamayang uwian. Nakapagpaalam na rin naman ako kay Alfieri." Pagsisinungaling ko.
"Sige po." Sagot niya na siya namang ikinangisi ko.
Siguro nga dapat na sundin ko ang sinabi sa akin ni Shadow dahil kahit ako ay naguguluhan na sa sarili. I keep on seeing things in vague pictures. May mga bagay akong naaalala na hindi ko matandaang nangyari at ang mas ikinababahala ko ay ang sinabi niyang ikababagsak ko kapag hindi ko inalam kung sino ba talaga ako. Teka nga, sino nga ba talaga ako? Tsaka ano bang meron sa akin para maisipang ipapatay ng sinumang Mafia na iyan? Aish, ang gulo!
"Nandito na po tayo." Napaangat ako ng tingin sa nagsalita. Nasa school na pala kami.
"Salamat." Wala sa huwisyo kong sambit bago bumaba ng kotse.
Nagtuloy tuloy na ako ng lakad palabas ng parking, kapansin pansin naman ang mga sirang dingding nito dahil sa ginawa itong shooting place. Nakakainit tuloy ng dugo sa tuwing naaalala ko ang ginawa nila sa aking Ferrari! Nakakainis! Sa lahat ng babarilin yung pinakaiingatang kotse ko pa talaga! Aish!

BINABASA MO ANG
Suits And Guns
ActionONCE FORGOTTEN. TWICE BETRAYED. THE DEADLIEST WILL COME BACK. Highest rank #25 in Action Mrs Anderson made a deal with Alfieri, a mafia boss, to secure her daughter's safety-Amber Anderson. Hindi man naging maganda ang pagkikita ni Alfieri at Amber...