抖阴社区

chapter 39: FALLEN

1.6K 51 1
                                        


I realized I was thinking of you, and I began to wonder how long you'd been on my mind. Then it occured to me: Since I met you, you've never left.

CHAPTER 39
FALLEN

Ngayon alam ko na. Totoo palang may nahihimatay dahil lang sa isang ngiti ng isang tao at kahit ano ay gagawin makita lamang ang napakagandang ngiti na iyon. It was overwhelming, heart-melting, and a hidden paradise smile that I would never forget for the rest of my life. Aba! Iyon ata ang unang beses kong nakita siyang ngumiti!

"What are you smiling at?" Nabalik ang aking atensyon sa nagsalita.

Kaharap ko ngayon si Diana na siyang kumakain ng kaniyang lunch habang nagbabasa ng lecture. Last day of examination ngayon at kanina pang umaga tapos ang aking exam, samantalang si Diana naman ay may isa pa para mamayang hapon dahil meron siyang hindi natake nung first day.

"Masama na bang ngumiti ngayon?" Tila ba nagtatampo kong sabi.

Umiling naman siya pero ang kaniyang mukha ay iba ang sinasabi na para bang: 'masama kapag ikaw ang ngumiti'.

"You're creepy."

"Ano? Creepy ka diyan! FYI, I have a very beautiful smile."

"Okay." Tipid niyang sagot bago bumalik sa pagbabasa. Hmp!

Itinuon ko na lamang ang aking atensyon sa labas ng canteen. Nakaupo kasi kami sa tabi ng glass wall kung saan kitang-kita ang malawak na field at ang mga estudyanteng naglalaro rito. Pinapanuod ko lamang ang mga varsity cheerleaders roon nang may mahagip ang aking mata at nang masigurado kung sino iyon ay agad akong napatayo sa aking kinauupuan. Mula sa tabi ng malaking puno sa gitna ng field ay nakatayo si Jackie-nakasuot ito ng itim habang malamig ang mga matang nakatitig sa akin. Gulat ring napatayo ang aking kasama nang mapagtanto kung sino ang aking tinitigan, ngunit bago pa man din makapag-isip o kaya'y makagalaw ang isa sa amin ay nagtaas ng baril si Jackie at ipinutok iyon.

Nabalot ng mga sigawan ang buong canteen at unti-unti akong nakaramdam ng panlalamig. Lahat ay napanic habang hindi alam kung saan sila tatakbo o magtatago maliban na lang sa aming dalawa ni Diana. Tulala akong napatitig sa crack na glass wall sa aking harapan at sa bala ng baril na nakabaon roon, kung sakali mang hindi bulletproof ang salamin'g ito ay paniguradong sa ulo ko ang tama.

"Jackie!" Ngitngit ng aking kasama.

Walang pag aalinlangan ay mabilis siyang tumakbo palabas. Lumipat naman ang aking tingin sa field at namataan ang traydor na siyang tumatakbo na rin paalis, kaya wala akong nagawa kundi sumunod kay Diana sa paghabol kay Jackie. Shiz! Mukhang desidido talaga silang gawin akong malamig na bangkay!

Hindi pa man din ako nakakalayo ng canteen ay umalingawngaw ang matinis na tunog mula sa mga speaker ng school. Mariin akong napatakip sa aking tenga dahil sa nakakabingi at nakakangilong tunog mula roon, ngunit agad rin iyong nawala at napalitan ng matamis na tinig ng isang babae. Mula sa speaker ay nilabi nito ang mga salitang tuluyang bumasag sa akala ko'y tahimik kong mundo.

"This is all your fault, Meiyra." Tila ba nakangisi nitong sambit.

"This is all your fault, Meiyra."

Nagpaulit-ulit ang boses na para bang sirang plaka. Nanginginig naman akong napaluhod sa sahig habang pilit tinatakpan ang dalawa kong tenga. Para akong sinasakal... Para akong binubugbog habang naririnig ko ng paulit ulit ang nakakainis na tinig na iyon.

Suits And GunsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon