抖阴社区

chapter 21: MEIYRA

1.7K 45 0
                                        

CHAPTER 21
MEIYRA

Malalaking puno, iba't ibang klase ng bulaklak, mabatong daan, at isang malaking lumang bahay ang bumungad sa akin pagkababa pa lang ng kotse. Sa bandang gate naman ay may malaking arko kung saan nangangalawang na ang pangalang 'TRACY HOME FOR CHILDREN'. Kumatok ako sa malaking gate ilang minuto na ang nakalilipas ngunit hanggang ngayon ay wala pa ring nagbubukas nito.

"Sa tingin mo may tao rito?" Nababahala kong tanong kay Cole.

Baka kasi mamaya nasayang lang ang effort na pagpunt rito, isa pa ay lumang luma na ang bahay kaya posibleng wala nang naninirahan sa orphanage na ito.

"Ako na ang bahala, Ms Anderson." Biglang singit ni Hulk.

T-teka! Baka mamaya sirain niya ang gate!

Bago pa man din makalapit si Hulk sa gate ay binuksan ito ng isang matandang babae. Nakasuot ito ng bulaklaking bestida at maputi na rin ang buhok. Kulubot na rin ang kaniyang balat at halos bumagsak na ang talukap ng mga mata. Napatitig ito kay Hulk hanggang sa unti unting rumehistro ang takot sa kaniyang mukha. Akmang isasara niya na ang gate kaya mabilis akong sumingit sa kanila.

"Sandali lang po!" Tawag ko sa matanda.

Nilingon ako nito at bahagyang naningkit ang kaniyang mga na para bang sinusuri ang aking kabuuan. Ilang saglit pa ang lumipas ay sumilay ang ngiti sa mukha ng matanda. Napalingon naman sa akin ang mga bodyguard ko na mukhang nagtaka rin sa inasta ng matanda.

"Tracy! Ikaw ba iyan?" Biglaang yakap niya sa akin. "Ilang taon na ang nakalilipas bakit ngayon ka lang bumalik?" Tila ba naiiyak niyang sambit.

Tracy?

Kumawala ako sa kaniyang yakap bago nahihiyang ngumiti. Napagkamalan pa akong Tracy, samantalang hindi ko naman kilala ang babaeng iyon.

"Lola, hindi po ako si Tracy." Mabagal kong sabi, sinisigurado na maiintindihan ako. "Ako po si Amber at narito po ako para magtanong."

"Anong sabi mo, Tracy?" Napaawang ang aking labi sa tinuran ng matanda. Sa likod niya naman ay biglang sumingit ang isa pang babae na medyo may kaedaran na rin. Siguro mga nasa 40-50's.

"Pagpasensyahan mo na si nanay, ine. Pasok muna kayo." Aya nung babae matapos bigyan ng nagtatakang tingin ang aking mga bodyguard.

Iginaya niya kami sa loob ng bahay. Medyo malaki ang loob nito at mukhang mga antique pa ang mga upuan at ibang kagamitan. Naupo si Lola sa rocking chair, samantalang kukuha naman daw ng maiinom yung babae. Nanatili namang nakatayo sa aking likuran ang tatlo kong kasama.

"Uminom muna kayo ng juice." Lagay ng babae ng apat na baso ng juice sa aming harapan.

"Ako nga pala si Katherine o Kath. Ano nga palang sinadya niyo rito?" Ngiti niya na medyo ikinagaan ng aking loob.

"Ahm... A-ano po kasi..." Ano ba yan, Am! Ngayon ka pa walang naisip! "Gusto ko lang po sana malaman kung may mga record pa kayo ng mga dating orphans dito."

"Bakit? May hinahanap ka ba?"

"O-opo." Kabado kong sagot.

"Sino?"

"Yung..." Yung sarili ko po! "Ay pwede po bang pumunta tayo roon?"

Tumango si Ate Kath sa akin. Iginaya niya naman ako sa dulong hallway ng bahay at pumasok kami sa isang kwarto kung saan mayroon pa itong hagdan pababa. Basement siguro.

Suits And GunsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon