抖阴社区

Chapter 26: Garden

1.2K 32 0
                                    

Aubrey’s POV

Ilang linggo na rin nakalipas simula nung huling beses kami nagkita ni Justin.

Bihira ko na rin siya makita dito sa university.

Mukang wala naman na talaga ako sa kanya e. T__T

Ramdam ko narin na namimiss ko na siya.

Kamusta na kaya siya?

May nahanap na kaya siyang iba?

Hindi na ba niya ako gusto?

Haaay Aubrey…

Nandito lang ako ngayon sa room namin, inaya akong lumabas ni Anika pero hindi ako sumama. Sabi ko na lang tinatamad ako.

Pagsumama kasi ako bumaba, madadaanan namin yung room nila Justin e.

Umiiwas ako T____T

Ilang oras na rin nakalipas, boring. Wala kasing klase e.

Naisipan ko ng bumaba.

Dahil nga miss ko na si Justin, nagpunta ako sa garden.

Dito kami lagi nag-uusap nun e.

Pagpasok ko, may nakita akong lalaking nakaupo sa bench.

Naka-earphone siya kaya hindi niya napansing may pumasok.

Lumapit ako para tignan kung sino…

He's the Stranger (To-be-edited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon