抖阴社区

Chapter 52: Japan! :))

1K 30 1
                                        

Aubrey’s POV

Katulad ng napagusapan namin ni Kuya, nandito na kami ngayon sa Japan. Dio namin ice-celebrate ang Christmas kasama sila mommy at daddy.

Dalawang araw na lang bago mag-Christmas. Hindi ko ramdam kasi iba pa rin ang nasa isip ko. Gusto ko sanang kalimutan muna yung mga nangyari, kaya lang ayaw iwasan ng isip ko.

“Sweety, are you alright?” tanong ni mommy. Nakatulala kasi ako dito sa may veranda ng bahay e.

“Of course mom.” Sagot ko.

“By the way, are you doing fine with Justin? Wala na akong balita sa inyo.” Hindi kasi alam nila mommy yung nangyari e. sabi rin ni kuya wag na namin ipaalam kasi maaayos naman daw.

“We’re good.” Maikling sagot ko.

“Good to hear. Where do you want us to spend Christmas?” pag-umuuwi sila mommy sa Pinas para i-celebrate yung Christmas, sakin nila tinatanong kung saan ko gusto.

“Mom, can I ask you, I mean you, dad and kuya. I wanna ask a little favor.” Sabi ko. May bigla lang pumasok sa isip ko.

“Tell me, what’s it?”

“Can I spend my Christmas…” ewan ko lang talaga kung hindi magulat si mommy. I sighed and “ALONE.” At un, nasabi ko na nga.

“Why sweety?” nag-aalalang tanong ni mommy.

“It’s not what you think mom. It just, I want to try it for once. Hehe. Just let me, please.” I just want to be alone. Emo muna. Hahaha.

“Okay, I’ll talk about it with your dad. Does your kuya knows about it?” tss. Pagsinabi ko sa kanya iisipin nun magmumukmok na naman ako.

“I’ll tell him later mom.”

He's the Stranger (To-be-edited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon