Justin’s POV
“Oh himala pinapanuod mo yan.” Sabi sakin ni Louie habang pababa ng hagdan.
Naisipan ko kasing panuorin yung presscon para sa movie na gagawin ni Aubrey at KL. Sa dinami-daming artista sa America bakit si KL pa diba? Pwede namang si Alexander Ludwig na lang? Tsk.
“Gusto mo magluto ako ng popcorn?” puro kalokohan talaga ‘to.
“Oy pansinin mo naman ako! Kamusta na ba ang pagmamahal mo kay Aubrey? Huh? Huh?” sabi niya habang sinusundot ang tagiliran ko.
“Wala namang pagbabago, mahal ko pa rin. Di ba nga sabi ko sayo---“
“---Hihintayin mo siya. Hay ewan ko sayo, isang taon na nakalipas nung nag-decide kang mag-hintay sa wala.”
So isang taon na pala. Ganon kabilis ang paglipad ng araw. Grabe lang, ang tagal ko na rin pa lang naghihintay.
Nagkakausap naman na kami ni Aubrey e, pag-uwi niya galing work or pag may free time, tinatawagan niya ako. O’kaya nagpapalitan na lang kami ng messages.
Nagtataka kayo no? Hindi naman kasi ako ganun ka-weak para hayaan na lang siya. Sinabi ko na lang sa sarili ko na kung ayaw ko siyang mawala, I have to accept the fact.
Lalo pang ginanahan si Aubrey sa pagtatrabaho simula nung nagkaayos kami. Ako naman, busy sa school at sa work.
“Tadyakan kita dyan e!” biro ko sa kanya. Lagi na rin akong nasa bahay para may kasama si Louie, hindi muna kasi siya nag-aral ngayong semester.
“Ayan na! Magsisimula na!” excited na sabi niya.
“Oo, nakikita ko.” napangiti na lang ako habang nakatingin sa tv.
Ang ganda kasi ng girlfriend ko e, kaso ang PANGIT ng katabi niya.
“Ganda ni Aubrey. Shet.” Adik talaga ‘tong kapatid ko. Sabi ko wag pagpantasyahan si Aubrey e.
“Sulutin ko, pwede?” inirapan ko lang siya.
Nakatitig lang ako sa tv habang ipinapakilala sila Aubrey, ako naman ‘tong si proud boyfriend na pumapalakpak pa ang tenga. Hahaha.
“SHEEEET! Ang hot ni Aubrey!” siniko ko si Louie, minamanyak na girlfriend ko e. Hay nako.
“Ay sorry. Si KL na lang. Hehehe.”
Isa-isa nang nagbigay ng message yung mga casts ng movie, at nang si Aubrey na magsasalita, nilakasan ko yung tv. Adik lang e? Hahaha
“First of all, I want to thank God for giving me this wonderful opportunity, for trusting me that I can do this role. To my family and friends, thank you! To my fans, yea, my fans, thank you very much for loving me! Well, this will be my first movie and I am very grateful to those people who chose me. Don’t miss watching my first movie, of course with KL and the other big stars. Thank you!” hihihi, hininaan ko na ulit yung tv as in MUTE, kasi si KL na magsasalita.

BINABASA MO ANG
He's the Stranger (To-be-edited)
Teen FictionWhich are you going to choose, LOVE or DREAM? Paano kung dumating ang araw ng kailangan mong mamili. Hahayaan mo bang mawala ang pag-ibig mo nang dahil sa pangarap o mawala ang pangarap mo nang dahil sa pag-ibig? Paano kung sa sobrang saya ng pagsas...