Mikazaki's POV
Pagdilat pa lang ng mata ko ramdam ko na agad ang saya sa Pilipinas..
'Ugggghhh' pag uunat ko pag kabukas ko ng kurtina na humaharang sa sinag ng araw.
Tumayo na ako at nag ayos ng kama ko. Gising na kaya sila hanna? Sana naman gising na sila para may almusal na. Mamaya na kasi kami pupunta Fatima University para mag enroll.
Pagkalabas ko ng kwarto ko nakita ko agad si hanna tsaka si dhaelyn sa kusina..
'Aga nyo ha' nakangiting sabi ko.. Habang sabay na nagtataas baba ang dalawa kong kilay
'Syempre ayaw na naman namin makatikim ng almusal na itlog na mala asin ang lasa' pagtataray na sagot ni hanna.
'Heeeeey!' Pagkasabi nya non ay agad ko syang binato ng tsinelas na suot ko.
'Oh bat malungkot si dhaaae?' Tanong ko.
'50/50 nararamdaman nyan. 50% sa lungkot 50% din sa saya..' Sagot nya.
'Bat naman may lungkot pa? Pwede namang saya lang' sabi ko ng may tonong pang aasar.. Habang papunta sa kusina.
Ewan ko ba..pero pakiramdam ko magiging masaya ako ngayon araw na to..
Pano ba naman kasi yung mga parents namin nag lagay lang naman ng mga tig 1m sa bank accounts namin.. Sayaa diba.
Tapos pag naubos na daw sabihan lang sila kasi lalagyan ulit nila. Pak saya dba? Kaya mamaya pagkatapos namin mag enroll diretso mall kami. Yeeeeey!!!
Pagkatapos kong kumain diretso ligo agad ako kasi saming tatlo ako pinakamatagal maligo. Isa lang kasi cr dito sa condo unit namin pero may tig isa kaming kwarto.. Malaki kasi kinuha namin at since amin to wala kaming binabayaran hehe..
Pagtapos kong maligo dumiretso na ko sa kwarto ko at nag ayos. Nagsuot lang ako ng jumper shorts tas pinartner-an ko ng tshirt na white para mukhang simple lang at ginamit ko din ang white na sapatos ko.
Tapos onting lagay ng pulbo at liptint at tedeeeeen!!! Tapos na ko. Ready na meeeee.
Paglabas ko ng kwarto nagulat ako at ready na din sila dhae. Napag usapan na din namin kanina na yung car ko nlng muna gagamitin namin ngayon.
30mins din akong nagd-drive at tinignan ko ang orasan. 11:38 na. Hanggang 2:00 lang daw yung enrollment buti nalang at malapit na kami.
Binaba ko muna sila hanna sa gate ng university tapos pinark ko muna yung kotse ko..sabi nila sa guard house nalang daw kami magkita kita..
Papunta nako ng guard house ng may narinig akong mga babaeng nagtitilian at may binabanggit silang grupo. ano daw?! Tbb? Ano yung tbb? Yun kasi yung nakasulat sa mga tshirt ng ibang lalaki na pinagtitilian.
Sa bagay mga gwapo nga naman, pero mukhang mga barumbado. Hays..
Habang naglalakad ako ay nakatingin padin ako dun sa tbb ng biglang..
*blaaag*
'Ouch!' Yan ang nasabi ko kasi napaupo ako sa sahig sa sobrang lakas ng pagkakabangga namin.
Inabot nya lang ang kamay nya sakin at tinulungan akong tumayo at
'Sorry' yan lang nasabi nya sabay takbo palayo.. At teka? May tbb syang tattoo sa kamay nya..Di ko nalang pinansin at tinuloy ko na ang paghahanap kila dhae.
Joseph POV
Pagkagising na pagkagising ko tumingin agad ako sa orasan at nagulat ako ng 11:30 na. Madali kong tinungo ang cr at naligo.
Pagkatapos ko maligo nagsuot lang ako ng ripped pants at black na tshirt. Ayokong suotin ang black tshirt ng tbb kasi pakana lang yung ni franz para magpasikat sa school.
Madali akong bumaba at nandon na si manang lala.. Siya ang kasama ko dito at para ko na din syang ina kasi sya nag aalaga sakin nung bata ako habang nagtatrabaho parents ko.
'Oh anak san ka pupunta?' Tanong skin ni manang.
'Nanang pupunta muna ko sa school. Ngayong 12 kasi usapan namin nila franz eh.. Sabay sabay po kami mag eenroll' sabay halik sa pisngi ni nanang at umalis na ko.
'Sge anak mag ingat' lumingon lang ako kay nanang bilang sagot.
Pagkapasok ko sa kotse ko dali dali ko itong pinaharurot at..
*kriiing*
Franz calling..
Oy pre? Papunta nako. (Sagot ko agad kahit wala pa syang sinasabi)
Nanto! San kana hayup ka haha. (Well, ganyan talaga kami mag usap haha)
Late nako nagising gago ka (sagot ko naman sakanya)
Kasalanan ko ba hah? Dami nyong pera di ka bumili ng alarm clock mo. (Hay nako yan na naman sya. Hilig nya talagang isumbat sakin yung alarm clock tsk!)
Sge una na kayo ipila nyo nlng ako. Malapit nako. Ipapark ko nlng to tapos susunod ako.
Tooot..toot..tooot..
Agad kong pinark ang kotse at nagtatatakbo ako papunta sa guard house at kinuha ang i.d ko. Nakita ko na ang tbb at nagmadali ako para habulin sila.. Nakooo naturingan akong leader pero ako naghahabol sa kanila.. Hays sabi ko kasi mauna na sila eh..
Ano ba yang katangahan mo seph hahahaha... Kung ano anong sermon natanggap ko galing sa utak ko haha..ng biglang...
*blaaag*
'Ouch!' Nasaktan ata sya kasi napaupo sya sa sahig sa sobrang lakas ng pagkakabangga namin.
Inabot ko ang kamay ko para matulungan syang tumayo.. Tama ba ang nakikita ko? Sya ba to? Bakit parang wala lang sa kanya nung nagkita kami? Wala na ba yun para sakanya?.
'Sorry' yan lang ang nakaya kong sabihin sakanya sabay takbo palayo..
Mikazaki's POV
Huwaaaaaah.... Enrolled na kaaaami... Salamat naman. Kala ko talaga di nako makakapag aral sa Fatima eh hahah..
Ngayon papunta na kami sa Mall si dhaelyn naman yung nagd-drive ngayon habang si hanna tulog.
Nung nasa Mall na kami ginising na namin si hanna. Kakain muna kami kasi 1:30 na di pa kami nanananghalian..
Naghanap kami ng table na may bakante na for 4 persons.. Then yun may nakita kami..
Maya maya may mga lalaking dumating madami sila.. Siguro mga nasa 8 or 10 ganon..
'Waiter' tawag ni dhaelyn dun sa waiter na may kasamang palanding tono.
Inabot lang samin nung waiter yung pagpipilian namin ng menu.. And as usual andami kong ay mali , namin pala. Andami naming inorder.
Di kami makapag usap ng maayos kasi yung nasa tabing table namin ang iingay.. Kaya nagmadali nalang kaming kumain para makapag shopping pa kami.
Pagkatapos namin kumain nagpunta kami sa iba't ibang store.. Namili kami ng mga kailangan namin sa school , tsaka namili kami ng damit, mga gamit sa condo etc..
Diretso uwi na kami pagtapos namin nagshopping nakauwi din kami ng mga 7:30 kasi namili pa kami ng pang dinner namin ngayon hehe.
Ang saya ng araw ko ngayon.. Ay hindi pwera pala sa kanina nung may nakabungguan ako ansakit kaya! Pero ang gwapo nya hah. Hanggang sa nakatulog na ko ng nakangiti :)

BINABASA MO ANG
The Deal Started
Teen FictionMay isang girl at isang lalaking 'badboy, playboy, heartthrob' kuno na magc-cross ang landas nilang dalawa at sisimulan ito ng isang kasunduan. Sino kaya sa dalawa ang unang mahuhulog sa isa't isa? Magiging maganda kaya ang kanilang nasimulan? Sabi...