Mikazaki POV
Pagkagising ko eh pakiramdam ko tinatamad pa din akong gumising. Pano ba naman kasi.. Birthday ng President ng University namin kaya walang pasok.
Pero mamayang 9:00 pupunta kami sa bahay nila sephy kasi may gagawin kaming report about dun sa lesson na dapat ididiscuss ngayon. Pero dahil wala kaming pasok, kami ang mag didiscuss non sa Friday.
Di bale wednesday pa lang naman kaya mapapaghandaan pa namin yun. Tsaka tiwala naman ako sa mga kagrupo ko hehe.
Teka anong oras na ba? 8:30 palang nam---- HAAAAA????? 8:30 NAAAA??? Malelate ako.
Dali dali naman akong naligo. Yan ang hirap pag di ko kasama sila Hanna eh hays. Kahapon kasi di sila umuwi. Sabi ni hanna mag girly thing daw pero nag bar lang naman sila.
Pagkatapos kong maligo nagbihis lang ako ng overall na damit tsaka konting lagay lang ng liptint. And yan okay na.
Agad ko naman pinaharurot yung kotse ko kasi alam kong naghihintay na sila sa lugar kung san kami magkikita kita.
At tama nga ako.. Nandun na si Hanna, dhaelyn, franz, kevin tsaka si sephy. Hala lagot ako...
'3 minutes late.' Walang emosyong sabi ni sephy.
'Yung mga kotse nyo iwan nyo nalang dito sa parking ng school, then hahatid ko nalang kayo mamaya para makuha nyo.' Nilagpasan nya ako at agad sumakay sa front seat ng kotse nya.
'Yabang' sabi ko sa isip isip ko. Hahaha pero di ko sinabi sa personal baka mapatay ako ng wala sa oras.
Joseph POV
Habang nagd-drive ako ay di ko mapigilang mapatingin kay Mika. Oo mika padin ang tawag ko sakanya kasi una palang yun na ang gusto nya.
Pero dahil nga sa sinabi ni dhaelyn tatawagin ko nalang sya ng Mikazaki. Hays.
Tinitignan ko sya sa rear mirror ng kotse ko at napapangiti nalang ako dahil nakabusangot sya..
Tingin.
Tingin.
Tingin.
Tingin. At sa huli kong tingin nagtagpo ang mga mata namin. Pero ako ang agad na umiwas.
Mga ilang minuto lang ay nakarating na kami sa bahay.
Agad sumalubong sa amin si Nanang Lala 'Nanang pahanda nalang po sila ng makakain' utos ko naman kay nanang.
Sinunod naman ni Nanang ang utos ko. Pinaupo ko muna sila sa sala habang hinihintay yung pagkain na hinahain ni Nanang.
Pagkatapos nilang kumain dumiretso kami sa study room. Habang naglalakad kami ay di mawala ang tingin ko kay Mika na ngayon ay nasa harap ko naglalakad.
Pano ba naman kasi naunang naglalakad sila Franz. Feel at home tong mga ugok na to.
Habang naglalakad kami papunta sa Study room ay nagvibrate ang phone ko. Nagtext si antonio,kagrupo ko sa TENBLACKBOYS.
*1 new message from Tonton*
Pre bumalik na naman ang Orig'13. I'll explain later. Kita tayo sa BGC Bar at 9pm.
F*ck! Damn that boys! Sigurado akong maghihiganti yung mga yun sa amin.
Ako nalang pala mag isa dito sa hagdan. Sigurado ako nauna na sila sa Study room. Dali dali naman akong pumunta doon.
Pag bukas ko ng pinto, halatang nagulat sila sa pagpasok ko. Kasi lahat sila nakatingin sakin eh.
'Bat antagal mo umakyat dito?' Sabi ni Mika habang nakatingin sa akin ng nagtataka.

BINABASA MO ANG
The Deal Started
Teen FictionMay isang girl at isang lalaking 'badboy, playboy, heartthrob' kuno na magc-cross ang landas nilang dalawa at sisimulan ito ng isang kasunduan. Sino kaya sa dalawa ang unang mahuhulog sa isa't isa? Magiging maganda kaya ang kanilang nasimulan? Sabi...