抖阴社区

Part 4 (Knowing the truth)

2 0 0
                                    

Joseph POV

Papunta kami ngayon sa canteen kasi break time na. Hanggang ngayon iniisip ko pa din yung ibibigay kong consequence dahil nga sa nawala ni Mikazaki files ko. Mahalaga kaya sakin yun..

*kriiiing kriiiing*

Nanang lala calling..

Hello anak? (May halong tuwa sa boses ni nanang lala)

Oh nanang napatawag ka? (Sagot ko.)

Tumawag kasi ang daddy mo..sabi niya next month daw baka sunduin ka nya kasi may Importante daw syang sasabihin sayo.. (Hays nako, mukhang alam ko na yan)

Tapos po?.. (Pag tatanong ko kahit alam ko naman na kung ano iyon)

Natanong nya din kung meron ka na daw bang handang iharap sakanya na mapapang-asawa mo.. (Sabi na nga eh.. Yan ang sasabihin nya)

Haaay.. (Yan na lang ang nasabi ko. Paulit ulit nalang kasi si daddy)

Kasi daw--- (ayoko man patayan ng tawag si nanang, pero mas pinili ko nalang patayin. Kasi baka sakanya ko pa mabuntong yung galit ko.)

*tooot tooot*

Inend ko na yung call.. Pano ba naman kasi mangungulit na naman sila tungkol sa mga girlfriend girlfriend na yan.

Nandito na pala kami sa canteen. Si kelvin nalang ang umorder samin tutal madami naman syang pera ngayon whahahah.

'Pre bat parang badtrip ka na naman?'
Biglang sabi ni franz.

'Alam mo na yun' sabay pagbitaw ko ng malalim na buntong hininga.

'Hindi pa ba nila alam ang tungkol na nagkita na kayo ulit ni Mika?' Nagulat ako sa sinabi nya at agad tumingin sa paligid kung may nakarinig nga ba. Mukhang wala naman kaya..

'Hindi ko muna ipapaalam' seryosong sabi ko.

'Oh pano yan? Sasabayan mo sya sa pag arte arte nya na parang wala lang kayong nakaraan?' Oo kung ayaw nya na talaga akong alalahanin eh.

'Gusto ko nga sanang kausapin sila dhaelyn eh kung anong nangyari sakanila sa ibang bansa ng 4 years' pag aalinlangan kong sabi.

'Edi kausapin. Ako bahala.' Pagyayabang na sabi ni franz.

Dhaelyn POV

[Garden]

'Dhaelyn ano ba talagang nangyari? Anong sinasabi mong may nangyaring masama sakanya?! Hindi kita maintindihan!' Galit na sabi sakin ni sephy habang naka upo ako sa swing at sya naman ay nakatayo sa harap ko.

'Masakit para sakanya sephy kaya please wag muna natin ipaalam sakanya ang sasabihin ko sayo.' Seryosong sabi ko habang may kasamang panginginig sa boses..

'Bago pa man sya maaksidente galit na galit sya sayo..' Pagsisimula ko ng kwento ko.

*flashback*

'Mamimiss ko si mj dhaelyn..kaya sana bago tayo umalis ng bansa daanan muna natin sya please.' Pagmamakaawang sabi ni Mika sakin. Oo mika ang tawag ko sakanya kasi sabi nya gusto nya ang mga mahal nya sa buhay at mga kaibigan nya ay tatawagin syang Mika. Pero dahil simula nung nagka amnesia siya hindi ko na si tinawag ng Mika dahil sumasakit ang ulo nya.. Kahit si hanna walang alam sa nangyari. Ang alam lang nya ay naaksidente si mika yun lang.

'Oo sge pero pag dinaanan natin si sephy 30 mins lang tayo doon ha' pag papaalala ko sakanya.

'Yeheeeey!' Pacute na sabi nya sabay yakap sakin.

Papunta na kmi ngayon kila Sephy para magpaalam kasi nga di kayang umalis ni Mika ng di sya nakakapag paalam kay Sephy.

Si Mika ang unang bumaba ng sasakyan dahil may bibilhin lang ako saglit at susunod na ako sa bahay nila sephy..

Nung papunta na ako sa bahay nila sephy ay nakasalubong ko si Mika na tumatakbo at umiiyak kaya hinarang ko sya at pinigilan sa pagtakbo.

'Bakit mika? Anong nangyari?' Pag aalala kong tanong sakanya. Bigla syang yumakap sakin ng mahigpit.

'Ang sakit dhaelyn!! Sabi nya maghihintay sya!! Sabi nya magpapakasal kami!!! Pero bakit ganon?!!! Ang sakit!!! Ang sakiiiit saaakiiit!!!' Sabi nya sabay biglang kumalas sa pagkakayakap at tumakbo palayo nang...


*boooogsh!!*

'Mikaaaaazaaaki!!!!'

Agad namin syang tinakbo sa hospital. Habang dinadala si Mika sa E.r ito ako nakakapit lang sa kamay nya habang umiiyak.

*end of flashback*

'Galit na galit sya sayo sephy bago sya maaksidente. Nagkaamnesia si Mika sephy! Dahil sayo alam mo ba yon?! Alam nyang naaksidente sya dati at alam nyang nagkaamnesia siya..pero unti unti naming pinaalala yun sakanya'naluluha kong kwento kay sephy

'Minsan nagigising sya sa madaling araw at sumisigaw sya ng MJ, naaalala padin nya ang pangalan mo sephy pero di nya na alam kung sinong MJ ba ang tinutukoy nya' tuloy ko pa.

'Kaya sephy please wag mo ng ipaalala sakanya yung pangalang MJ..at wag mo na din ipaalala sakanya yung pagkakaroon nya ng amnesia kasi ang alam nya napaalala na namin sakanya lahat.. At wag mo na din sanang sabihin na may nakaraan kayo dahil sa oras na maalala nya ikaw bilang si MJ baka di ka nya matanggap dahil sa ginawa mo..' Pagbibitin ko..

'Kaya sana kung gusto mo syang makasama..gumawa nalang kayo ng mga bagong magagandang alala..' Mapait na ngiti ang huli kong binigay sakanya at iniwan syang nakatayo sa garden.


Joseph POV

Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko.. Kaya pala parang madali lang sakanya ang magkita kami.. Kaya pala madali lang sakanya na tignan ako.. Kasi wala pala syang maalala.

Oo inaamin ko kasalanan ko.. Kasi nung araw na magpapaalam sya sa akin nakita nyang may kayakap akong babae. At ang hindi ko alam ay naaksidente pala sya dahil don..

The Deal StartedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon