Ilang araw na din ang lumipas simula nung magsimula ang school year na to. Medyo kakaiba to sa usual dahil ang kababata ko na si Sabrina ay classmate ko na.
Ang papa ni Sabrina at ang papa ko ay magkatrabaho kaya medyo close ang pamilya nila sa amin. Madalas kaming nagkakaroon ng kainan kapag end of the year. Dahil dito mas naging close kami.
Hiwalay ang papa at mama ni Sabrina kaya naiintindihan ko kung bakit parang masungit si Sabrina, nakita niya kung paano ang lungkot na naramdaman ng papa niya nung umalis ang kanyang papa. Para makalimot, tinanggap ng papa niya ang offer na trabaho sa kanya sa ibang bansa kaya kinailangan din umalis ni Sabrina. Ayun ang huli naming pagkikita nung mga bata pa kami.
Pero ngayon, eto na sya, dalaga na siya, maputi, mahaba ang buhok na may pag kakulay brown. Ibang iba ang ganda niya, hays, sana naman malapitan ko sya. @.@
"Ilag, Derek!"
Huli na ng marealize ko ang pagdating ng bola ng volleyball sakin. Tinamaan ako sa mukha, biglang nagdilim ang aking paningin. (0.0)
"Ang sakit ng ulo ko.
Asan ako? Wala akong maalala.
Teka anong oras na ba?"
"Kamusta ang pakiramdam mo?" tanong ng school nurse"
"Okay naman po kaso masakit sa ulo, pero teka bat andito ko?"
"Tinamaan ka ng bola kanina sa gym"
Kilala ko ang boses na yan, hindi ako pwedeng magkamali. Ang malalambing pero may impact saking mga tenga...
"Sabrina?" tanong ko.
"Oo, ako nga, ngayon mo lang ba narealize?" sagot niya.
"Nung tamaan ka ng bola, saktong papasok din ako ng gymnasium at nasa likod mo ko nun. Sa sobrang lakas ng pagkakatalsik mo, tumama ka sa akin" sabay turo sa braso niya "tinamaan mo ko ng braso kaya medyo masakit" dagdag niya.
"Ay sorry! Hindi ko sinasadya. Pasensya ka na talaga" nag-aalala kong sagot.
"okay lang nangyari na e. Sa susunod kasi wag kang natutulala habang naglalakad" paalala niya.
"sorry talaga" sagot ko naman. Gusto kong sabihin siya ang dahilan kung bat ako nag space out nun pero wala akong lakas ng loob at medyo lutang pa yung diwa ko.
"Kung kaya mo namang tumayo. Pwede ka nang umuwi dahil patapos na din namang ang oras ng klase." Wika ng nurse.
Sinubukan kong tumayo pero nararamdaman ko ang kirot.
"Sasamahan na kitang umuwi, tutal dun din naman ang daan ng bahay namin".
Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Si Sabrina, sasamahan akong umuwi? Paano ang gagawin ko? Haaays, ang sakit lalo ng ulo ko. @.@

BINABASA MO ANG
Linked
RomanceHindi ko naman inaasahan na makikita kita uli. Hindi naman ako si superman pero bat parang ikaw ang Kryptonite ko. Paano ko malalabanan ang feelings ko for you? Sino ba ko talaga sayo?