抖阴社区

Episode 4

4 0 0
                                    

"Okay class, bago natin simulan ang ating adventure at observation. Ilang rules muna tayo" wika ng aming guro

"Una, magkakaroon kayo ng partner para sa observation na to at ako ang mamimili ng inyong mga partners."

"Ikalawa, hindi kayo dapat magkahiwalay buong araw na ito at kaylangan niyong gumawa ng report na ippresent nyo kinabukasan sa klase." Dagdag ng aming guro

Ang lahat ay kabado at na eexcite kung sino ang magiging kapareha namin. Sa isip-isip ko, iisang tao lang naman ang gusto kong makapartner at yun ay walang iba kung hindi si...

"Derek at Ruth, kayong dalawa ang magkapartner". Hindi ko alam kung matutuwa ako or malulungkot dahil hindi ko nakapartner si Sabrina pero iba din yung feeling dahil si Ruth ang makakasama ko buong araw na to. 0.o. Oh may! This must be an opportunity for me.

"Nice one pards! Chance mo nang umamin" pang-aasar ni Cris.

"Umamin san?" sagot ko naman.

"Patay malisya pa. Alam naman natin pareho na gusto mo si Ruth". Bawi niya.

Tama nga naman siya, matagal ko nang sinusulyapan si Ruth sa malayuan at eto na ang pagkakataon ko para magpasikat sa kanya. ^_^

Una naming pinuntahan ang isang kweba. Tinawag nila etong "Tunnel of the lost" dahil sa lugar na pinaniniwalaang nagtatago ang kaluluwa ng mga namatay na hindi pinahintulutang pumasok sa langit. >.< medyo nakakatakot kung iisipin pero dahil kasama ko si Ruth, pagkakataon ko na to para ipakita kung gaano ako katapang.

Bago kami pumasok, sinabihan kami ng bantay ng tunnel na kaylangan mayroon kaming ilaw at padalawa dalawa lang ang pasok upang maiwasan ang pagtutulakan. Higit din nilang ineemphasize na maghawak ng kamay ang magkapareha upang hindi maligaw ang isa samin.

Tama ba ng narirnig ko manong?!

Holding hands? Ako at si Ruth?!! ^o^

"Ahm, Ruth kung ayaw mo pumasok dito, okay lang. Dapat pala dito magkahawak kamay e" pabulong kong sabi kay Ruth.

Ngunit imbes na magsalita, hinawakan ni Ruth ang aking kamay at ngumiti.

OH YEEAAAH (O.O) this must be a dream. Totoo ba to? Hawak niya ang aking kamay. Parang sasabog na ko sa pula buti na lang at medyo madilim kaya hindi niya kita ang aking muka.

Ang lambot ng mga kamay ni Ruth at ang kinis. Parang hindi nadadapuan ng kahit anong dumi kumpara sa kamay ko na puro kalyo dahil sa paglalaro ng games sa computer.

Parang nasa langit ang pakiramdam ko ng mga oras na yun ng biglang.

BAAAAG!

Aray ko. Tumama yung ulo ko sa batong nakausli sa dingding. Sandali akong naupo dahil sa sakit.

"Mag-ingat ka kasi" paalala ni Ruth.

Dahil napaupo ako, hinawakan niya ang ulo ko na parang may bukol.

"Masakit ba?" tanong niya.

"Medyo mashakit" sagot ko naman (medyo pabebe ang sagot na parang may breyshes).

Hindi pa nagtatagal ang sakit ng bukol ko.

"Aray!" May umapak sa kamay ko.

"Ay sorry! Nasira kasi ung ilaw ko kaya wala kong makita"

Nangtinapatan namin ng ilaw kung sino iyon, nakita namin si Sabrina na maluha luha dahil sa takot.

"Anong nangyri sayo? Asaan yung partner mo?" tanong ni Ruth.

"Hindi ko alam, biglang may lumipad kasi na paniki samin ni Roberto (isa sa pinkaduwag kong classmate) tapos sa gulat namin nalaglag yung gamit naming ilaw kaya nabasag" sagot ni Sabrina.

"Tapos bigla na lang tumakbo si Roberto kaya mag-isa na lang ako ngayon T.T" dagdag pa niya.

Hay nako talaga tong si Roberto.

"Hayaan mon a. Sabay-sabay na lang tayo lumabas"

Sa mga pagkakataong ito, kasama ko ang 2ng naggagandahang dilag sa aming skul. Kung hindi ka naman sinuswerte o. @.@

Pagkahakbang ko sa isang bato sa unahan ko, hindi ko napansin na madulas pala to dahilan para tumaob ako.

"Aray! Yung paa ko. Parang nabalinganga ata ako" T.T

Swerte ba or malas?

Una kong hinawakan ni Ruth para tulungan. Hinila niya ang aking kamay para tulungan akong bumangon pero imbes na mapatayo ako, bigla akong napadulas dahilan para bumagsak ako sa kanya. Pagkakataon nga naman, nakita ko ang sarili ko na nakayakap kay Ruth >_<.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko dahil naririnig ko ang paghinga ni Ruth, nasa pisngi ko lang ang kanyang mga labi.

Hindi ko alam ang gagawin ko, sasamantalahin ko ba ang pagkakataon, gagalaw ba ko?

"Aba! Hokage ka a!" sabay hila sakin ni Sabrina.

"Matindi ka din talaga, Derek!" dagdag pa niya.

"Sorry hindi ko sinasadya" namumula kong sagot.

"Okay ka lang ba, Ruth?" Tanong ni Sabrina.

Tumango sya habang tumatayo.

Sinubukan kong tumayo pero sumasakit ang kanan kong paa.

"Napilayan ata ako" sabe ko sa dalawa kong kasama.

"Hay nako, pabigat ka naman oh!" pabirong sabe ni Sabrina.

Inakay nila kong dalawa, at kahit napilayan ako parang ang sarap sa feeling.

Nasa kanan si Ruth, sa kaliwa si Sabrina, dalawa sa nag gagandahang dilang ang kasama ko.

Okay na sana ang lahat ng biglang may lumipad na paniki.

Sa sobrang gulat ni Sabrina, napaapak siya sa kanang paa ko.

"WHAAA!" parang ginunaw ang mundo ko sa sobrang sakit.

Si Ruth naman ay napayakap sakin sa gulat @.@

Habang si Sabrina ay puro pasakit ang binibigay sakin habang palabas ng kweba, puro akap naman ang ginagawa ni Ruth.

Malas ba ko o swerte?

May isang oras din pala kaming nasa loob ng kweba. Dali-dali akong dinala sa aming clinic para tignan ang aking pilay. Sinamahan ako ni Ruth samantalang dumiretso naman si Sabrina sa kanyang kwarto.

"Kamusta na ang paa mo? Masakit pa din ba?" tanong ni Ruth.

"Medyo okay na, ikaw ba naman ang kasama ko" pabiro kong sagot.

Hindi ko rin alam bat ko yun biglang nasabe pero feeling ko eto na ang time ko para sabihin ang lahat kay Ruth.

"Ahhm, Ruth, may sasabihin ako sayo"

"ano yun?" sagot niya.

"Matagal ko na din tong gustong sabihin" medyo nanginginig kong sagot.

"Ahmm, wait teka." Huminga ko ng malalim...

Eto na talaga ang time para sabihin ko to, pabulong kong sinabe sa sarili ko.

"matagal na kitang.." utal kong winika.

"Ano?" nalilito nyang tanong.

Mahahalata mo ang pamumula sa aking mukha.

Medyo hirap bago ko maisip ang tamang salita.

"Ruth, matagal na kitang.."

Biglang bumukas ang pinto ng clinic na akala mong pwersahang tinulak.

Nakita naming si Sabrina na parang namumutla.

"Oi Ruth, Derek" kainan na daw.

Potek! Bad timing tong si Sabrina e. Andun na ko e. Masasabi ko na, naudlot pa.

"Ay oo nga, tara Derek, kain na tayo" wika ni Ruth.

"O sige na nga, tulungan nyo kong tumayo" sagot ko.

Kahit nanghihinayang, naisip ko na lang na baka hindi pa tamang panahon para sabihin.

LinkedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon