"Hubarin mo na yan o gusto mong ako pa ang maghubad nyan?"
"Ako na, baka biglain mo pa e."
"dahan-dahanin mo kaya ang paghawak"
"Ginusto mo yan di ba? Kaya magtiis ka!"
Naiiyak ako habang unti-unti kong hinuhubad yung sapatos ng may bali kong paa. Makirot na parang ewan ang nararamdaman ko.
"Ang tigas kasi ng ulo mo e, sinabin nang wag ka nang magsapatos at alam mo namang may bali ang paa mo" pagalit na sabe ni Sabrina.
"E wala akong baong sinelas at sabe ng nurse, mas okay daw to kesa lamigin" sagot ko naman.
Wala ang school nurse naming ngayon kaya si Sabrina ang nagvolunteer na mag alaga sakin habang nagpapatuloy ang mga activities namin. Hindi na rin ako umangal nung magvolunteer sya dahil pakiramandam ko pambawi nya na rin to para sa pagapak niya sa kamay ko.
Hindi ko lang ineexpect na ganto pala siya kahigpit.
Pero deep inside natutuwa din ako dahil kasama ko siya ngayon.
Marami akong gustong tanungin about sa kanya.
Hindi kasi kami nagkaroon ng pagkakataon na makapagkwentuhan dahil medyo busy sa school dahil graduating na.
"Ahm, Sabrina, kamusta ang pag-aaral mo sa Amerika? Okay ka naman ba dun?" tanong ko sa kanya.
"Bakit mo naman biglang natanong? Ilang lingo na tayong magclassmate tas ngayon mo lang natanong yan." Sagot niya.
Pero bago pa ko makasagot, nakita ko ang pagpatak ng luha sa kanyang mga mata. Para bang may pinaghuhugutan ang pagluha niya, para bang may masama akong nasabi o may nabuksan akong topic na iniiwasan niya.
"Bakit naiyak ka? May nasabi ba kong masama?" nag-aalala kong pagtatanong.
Puro hikbi lang ang naisagot niya sa akin.
Hindi ko na rin pinagpatuloy ang pagtatanong. Lumapit na lang ako sa kanya at bigla ko siyang niyakap.
Hindi ko rin maisip bat ko yun ginawa ngunit pakiramdam ko yun ang dapat kong gawin sa mga pagkakataong yun.
Humigpit ang yakap niya at mas lalo niyang inilabas ang lahat ng luhang matagal niya nang naitago.
Nagtagal din ng ilang minuto ang kanyang pag-iyak dahilan para maging basa ang aking damit (O.o)
"Okay ka na ba? Kamusta na pakiramdam mo?" tanong ko.
"Sorry, hindi ko na napigilang umiyak." Sagot niya.
Sinumalan niya ang kwento nung bago sila umalis ng pilipinas.
Kaya pala umalis ang mama humiwalay ang mama niya ay dahil sa kanyang lolo na ang nais ay ipagpatuloy niya ang naiwan nitong negosyo ng langis sa may middle east. Pero ayaw pumayag ng papa niya dahil mayroon naman offer sa kanya sa Amerika at magiging sapat na ito para sa pangangailangan ng kanilang pamilya.
Kalakip pa nito, walang mag aasikaso kay Sabrina nung mga panahong iyon.
Matagal na ring pangarap ng mama niya ang maging isang business woman pero dahil maaga itong nagbuntis kay Sabrina, hindi niya ito natupad.
Kaya nung siya ay nagkaroon ng pagkakataon, hindi niya na ito pinakawalan pero nasakripisyo ang kanyang pamilya.
Simula noon, kahit nasa Amerika na sila, palihim niyang nakikita ang pag-iyak ng kanyang ama.
Nagkaroon siya ng galit sa ibang tao dahilan para hirap siyang magtiwala.
Dahilan ito para maging iwas siya sa tao.
Kadalasan siyang nabubully sa kanilang school dahil lagi siyang mag-isa at kung may taong susubok na siya ay kausapin, iniiwasan niya ito.
Wala siyang naituring na kaibigan dahil walang sumusubok na unawain siya hanggang isang araw, may nakilala siyang isang tao.
Ahead sa kanya ng isang taon ang lalaking ito pero mabilis silang nagkapalagayan ng loob siguro dahil mabulaklak ang kanyang dila.
Pero lingid sa kanyang kaalaman, may maitim pala itong balak sa kanya.
Habang sila ay nasa isang gymnasium, isang hapon pagtapos ng kanilang klase, bigla siiyang sinubukang halikan ng lalaking ito.
Sa bigla niya ay bigla niya itong nasampal dahilan upang mas lalong gumamit ng lakas ang lalaki.
Nasira ang kwelyo ng kanyang damit at may konting punit ang kanyang palda.
Nagpatuloy ang paglaban niya hanggang nasipa niya ang lalaki sa maselang bahagi ng katawan nito dahilan upang mamilipit sa sakit ang lalaki.
Dali-daling tumakbo si Sabrina papunta sa guard ng school.
Nahuli ang lalaki at napatalsik ng school.
Sa takot ni Sabrina, hindi siya pumasok ng ilang araw. Ipinakunsulta siya sa doctor at pinayuhan ng makakatulong din kay Sabrina kung magiging iba ang kanyang paligid.
Napagdesisyunan ng kanyang ama na umuwi na lang sa pilipinas.
"E ngayon, kamusta na ang pakiramdam mo?" tanong ko sa kanya.
"Sa totoo lang, andun pa din ang trauma pero paunti-unti, nakakamove on na ko. Iba rin kasi ang aura dito kumpara sa Amerika" sagot niya.
Hanga ako kay Sabrina dahil kinakaya niya ang gantong pangyayari sa buhay niya.
"Sabihin mo lang sakin kung naiilang ka sa mga kasama natin or sa'kin a?" paalala ko sa kanya.
"Wag kang mag-alala, mas mababait ang mga tao dito. Mas welcome yung feeling ko ditto" pangiti niyang sagot.
Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko dahil nakapag open siya sa akin.
"Wag kang mag-alala, simula sa araw na to, ako ang magiging bodyguard mo. Promise" buong pagmamalaki ko.
"Talaga ba? E hindi ka nga makalakad ng ayos" sabay hampas sa paa ko.
"AAAAWWW! Wala namang ganyanan" paikyak kong salita.
Umalingawngaw ang aming tawanan ng mga panahong iyon.

BINABASA MO ANG
Linked
RomanceHindi ko naman inaasahan na makikita kita uli. Hindi naman ako si superman pero bat parang ikaw ang Kryptonite ko. Paano ko malalabanan ang feelings ko for you? Sino ba ko talaga sayo?