抖阴社区

Side Story Five

23 2 0
                                    


Keyla Jimenes' POV

Walang hiyang Misha yun, hindi umuwi kagabi. Saan na naman kaya nagsu-susuot yong demonyitang yon? Tsk, baka mamaya kung anu-ano na namang ginawa nun o kung saan na natulog. Hayst, bahala nga sya sa buhay nya.


Ang ikinaiinis ko lang sa kanya, alam nya na ngang delayed ang allowance ko at walang pagkain sa bahay pero ngayon pa talaga sya naglakwatsa. Buti na lang talaga, nag-iwan si Sophie ng pambili ng groceries bago sya umalis para maglakwatsa din. Psh, tapos yung Ae na naman yung kasama nya. Naku, magtata-talak na naman si Mother Misha kapag nahuli sya.


Napahinto ako nang bigla kong naramdaman na parang may sumusunod sakin, napalunok ako at nagsimulang bumilis ang pagpintig ng puso ko. Sana naman Lord praning lang ako, baka mamaya kung ano na yan.


Minadali ko na ang paggo-grocery, hindi ko na nga tinignan kung anong brand ba ang nabibili ko. Di bale nang mabulyawan na naman ako ni Misha basta makauwi lang ako agad. Grrr, nakakakilabot kasi hanggang ngayon ay ramdam ko parin na parang may nakatingin sakin.


Pagdating ko sa elevator, agad kong tinawagan si Finn. Hindi naman ako yung abosadong tipo ng girlfriend para gawing driver ang mga boyfriend nila kaso kinakabahan kasi talaga ako. Mabilis ang pacing ng paglalakad ko at panay ang lingon ko kahit blur lang ang nakikita ko.


Kasi naman, malabo na nga ang mata pero ayaw parin magpa-check up sa doktor!


"Fuck!" Nahila ako ng isang hindi ko kilalang tao dahil bigla na lang may dumaan na lalaking may tulak tulak na tatlong malalaking bags. Napahinto ako dahil sa boses na narinig ko, bigla kasi akong kinutuban.


That voice sounds so familiar, like it's somehow imprinted in me... deep inside my soul. Agad akong umikot at halos huminto ang pag-ikot ng mundo ko nang makita kung sino ang lalaking nasa harap ko.


"Seon," Hindi ko alam kung narinig nya, sobrang hina kasi ng boses ko at parang na-paralyze ako sandali.


Hindi rin sya nagsalita, nakatingin lang sya sakin na parang kinakabahan at gulat sa lahat. Ang dami daming pumapasok sa isip ko, sari-saring bagay na naghahalo halo. Ang daming bakit, paano, at kailan.


After minutes of silence, nagdesisyon na rin sya sa wakas na magsalita. Pero ako? I don't know what to do and what to say, so I ended up saying and doing nothing. Just nothing...


"Uhmm... I uh... I'm sorry for pulling you," Huminto sya at mariing napapikit, "No, I'm not saying I'm sorry for saving you but..." huminto sya at bumuntong hininga, "I... I can't do this right now," Pagkatapos ay umalis na sya,


Gusto ko syang tawagin kasi marami akong gustong malaman pero naisip ko, mas mabuti na rin siguro na hindi na. Panonoorin ko na lang uli sya na dahan dahang nawawala sa paningin ko.


Tama na at sapat nang alam kong okay sya, na buhay sya, at na gago sya para paasahin ako. Para saktan ako ng sobra, mas masakit pa kesa sa pakiramdam na may wifi ka nga pero wala ka namang gadget!

Sugar-Coated BitternessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon