"This is a mistake," I whispered but I made sure that he'll hear it. Hindi ko na hinintay ang sagot nya at mabilis ko nang tinungo ang pinto. Dire diretso ang paglalakad ko at hindi ako lumingon, takot akong malaman na hindi nya ako sinundan.
Gee, Misha, anong ginawa mo? Bakit mo hinalikan ang lalaking yun. Oo nga, mahal mo nga sya pero mahal ka ba nya? Hindi naman, diba? Bakit ba hindi ka nag-iisip? Naman, Misha!
Pagkadating ko sa lobby, nagulat ako nang maglanding ang mga mata ko kay Clinton. Anong ginagawa nya rito? Nakita nya rin ako kaya nilapitan namin ang isa't isa, nakataas ang kilay na pinasadahan nya ako ng tingin.
"Anong nangyari sayo? Kaninong damit yang suot mo?" Tanong nya sa sakin habang nakatingin sa polong suot ko, nagbihis kasi ako kanina dahil mukha akong dinaanan ng bagyo. Pinahiram lang ako ng T-shirt ni Thunder dahil wala naman akong pamalit.
Makahulugan at malisyoso akong tinignan ni Clinton, "Nakipag-quickie ka dun sa taas, noh?"
Naramdaman kong nag-init ang pisngi ko kaya pabiro ko syang sinuntok sa braso, "Hindi ako nakipag-quickie!" I tried to lower my voice, ayoko naman na maeskandalo ang mga tao sa paligid ko. Err, nakakahiya!
Nginiwian ako ni Clinton, "Basang basa nga ng laway yang nguso mo eh,"
Na-conscious naman ako kaya napahawak ako sa bandang labi ko at shit, basa nga! Nataranta ako at nag-panic kaya naman kwelyo na lang ng polong suot ko ang ginamit kong pamahid.
"Hindi ka nga ata nakipag-quickie, matagalan ata ang ginawa mo. Nag-condom ka ba?"
Masamang tingin ang ipinukol ko sa kanya kaya naman itinaas nya ang dalawang kamay nya na parang sumusuko, sinuntok suntok ko naman sya para pagtakpan ang kahihiyang nararamdaman ko.
"Hindi ako nakipag-sex," Matigas kong sabi pero nginisihan nya lang ako kaya hinila hila ko ang suot nyang shirt, "Hindi nga ako nakipag-sex!"
"Hindi nga, sino bang may sabi?" nakangising sabi nya at inakbayan na ako. "Tara, kain tayo sa labas. Mukhang nag-cutting class ka pa ata para makipag-quickie," Pang-aaya sabay pang-aasar nya sakin kaya kinurot ko sya sa tagiliran.
"Hindi nga sabi ako nakipag-sex!" I insisted pero tinawanan nya lang ako kaya wala na lang akong ibang nagawa kundi tahimik na mapangiti.
Sana naman mabura sa isip ko ang halikan namin ni Thunder kanina kasi paniguradong wala lang naman yung ibig sabihin sa kanya. For sure, sa dami ba naman ng babaeng nahalikan ng kidlat na yun? Tss, asa pa ako!
***
Ang akala ko, kakain kami ni Clinton para mag-bonding moment naman kami as friends pero si Sophie pala ang pag-uusapan namin. Tss, sana naman nagsisisi na ang gagong to sa pangi-itsapwera nya sa baliw kong kaibigan.
"Umaaligid parin ba yung kupal na Ae sa kanya?" Tanong ni Clinton sakin kaya napairap ako. Yan kasi, hindi mo ipinaparamdam kay Sophie na mahal mo sya kaya nagkaroon ng pagkakataon yung hilaw na intsik na yun na sumingit!
Gusto ko syang kutusan at pagalitan pero wala na rin naman yung magagawa, baka mapahiya pa ako dito sa loob ng mcdo.
"Well, as far as I know, hindi na pero napapansin kong madalas magmukmok si Sophie." Sumandal ako sa upuan at bumuntong hininga, "Nag-aalala nga ako eh, ano ba kasing ginawa mo sa kanya?!" Pagalit na asik ko.
Alam ko namang likas na maarte at OA si Sophie pero hindi naman yun aabot sa ganung arte ang gagang yun kung sadyang tinopak lang sya. Kilala ko si Sophie, alam kong may mas malalim pa syang dahilan.
"Nothing, hindi ko nga alam kung bakit bigla na lang syang nagkaganun. I'm worried sick, Misha, alam mong malaki ang responsibilidad na nakapatong ngayon sa mga balikat ko at hindi ko kakayanin kung mawawala si Sophie sakin." Nakikita ko ang lungkot sa mga mata ni Clinton, bakas ang pag-aalala sa mga mata nya.
Somehow, naiintindihan ko si Clinton. Hindi madaling maging tagapag-mana ng negosyo ng mga magulang nya, malaki ang responsibilidad nya bilang lalaki at panganay na anak. Yon ang hindi nakita ni Sophie, yon ang hindi maintindihan ni Sophie dahil ang gusto nya lang naman ay ang makasama si Clinton.
"Wag kang magd-drama dahil hindi naman bagay sayo, mahal ka naman nun."
Yeah, Sophie loves Clinton and there's no doubt in that. But... love fades, I know that and it's a fact. Kahit gaano ka pa nya kamahal, kung hindi mo sya kayang pahalagahan mawawala ang pagmamahal nya sayo.
"Yeah," Pilit na ngumiti si Clinton at ipinagpatuloy ang pagkain nya.
Inihatid ako ni Clinton pauwi, nakita ko namang papalabas si Finn ng bahay na mukhang asar kaya napa-smirk ako. Hah, mukhang sa hiwalayan na talaga ang punta ng dalawang yun.
"Hwag ka nang pumasok," Sabi ko kay Clinton nang akmang papasok pa sya,
"Gusto ko lang syang makita."
"Now is not a good time, maghintay ka na sya ang maunang mag-reach out. Puro na lang ikaw ang kumakausap sa kanya, baka nasasakal na sya. She might need space," I explained kaya napatango tango na lang din sya.
"I think you have a point."
#LoveIsNotBlind
Vote, Comment, & Be a Fan

BINABASA MO ANG
Sugar-Coated Bitterness
ChickLitThe sight of lovers around me actually amuses me in many ways. Bakit? Because they try to mask their pain with laughter. I have my friends as perfect examples. First, Sophie has Clinton. Pero aminin nya man o hindi, alam kong selos na selos sya saki...