(ERICKA DEL CARLOS' POINT OF VIEW)
HATING gabi ng magising ako dahil sa shower na nakabukas sa CR.Dinedma ko lang yun kasi akala ko si Ate lang ang naliligo pero nagtaka ako kung bakit parang 30 minutes nang bukas ang tubig. Bumangon ako at kilabot ang naramdaman ko.
"Xingxing samahan mo ko sa CR," sabi ko sa pusa ko at bumangon naman ito, nag-unat at naglakad palapit sa akin.
"Meow... Meow... Meow... Meoooowwwww..."saad niya at saka siya nahiga sa tabi ng paa ko.
"Samahan mo nga ako doon at h'wag kang matulog ulit." Utos ko sa kaniya pero tumihaya lang ito at 'di ako pinansin. Hay naku Xingxing selfish ka talaga, tusukin ko nipples mo diyan eh.
"Xingxing! Samahan mo ako!" sigaw ko sa pusa ko.
"Meow!" sagot niya sa malaking boses saka niya ni flip ang hair niya. "Wala kang pagkain bukas. Bahala ka d'yan!" sagot ko naman sa kaniya at inirapan ko siya.
"Meow!" Sagot niya sa tono ng whatever pero wala, no choice ako, bumangon na ako at pumunta sa CR.Baka may multo sa CR namin.Nanginginig akong nag sign of the cross at saglit na nagdasal, dahan dahan kong binuksan ang pintuan
"Aaaahh!" sigaw ko ng makakita ako ng lalaking naliligo sa shower.
"Oh Hi!" sabi niya sa akin na parang wala lang mas lalo akong napasigaw habang nakapikit.
"Aaah!Sino ka? Magnanakaw ka!" sunod sunod kong sigaw at kinuha ko ang walis saka ko siya pinalo palo pero walang nahahampas yung walis.Napamulat ako at saglit na natutulala.
"Aray naman, naliligo lang ako ha!" sabi niya sa akin nanlaki ang mata ko ng makita ko si Zenrick na walang saplot sa ilalim ng shower.Napabuka ang bunganga ko ng makita ko ang katawan niyang may ibubuga naman para sa isang multo.
"I'm hot right?" tanong niya sa akin at tumingin ako sa kaniya.Pinatay niya ang shower at biglang sumara ang pintuan sa shower, napatalon ako sa gulat pero nanatili ang tingin ko sa kaniya.
"Bakit mo sinara?" tanong ko sa kaniya.
"Privacy, baka kasi may ibang makakita sa atin dito diba?" tanong niya sa akin saka siya nagsmirk.
"Bakit mo pa kailangang isara ang pinto?" nangangatog kong tanong sa kaniya.
"Saka bakit kailangan pa ng privacy eh multo ka naman?" tanong ko sa kaniya pero nagsmirk lang ulit siya sa akin.
Napalunok ako ng lumapit siya sa akin, inilapit niya ang mukha niya sa akin ng sobrang lapit. Kinilabutan ako ng sobra dahil lahat ng buhok ko taas at baba ay parang nagsitayuan.
"Ah!" napasigaw na lang ako ng hawakan niya ang baba ko tinakpan niya ang bunganga ko.
"Ssshhh.Hindi naman ako hard, Ericka. Pagdating sa ganoong bagay kaya 'di mo na kailangang sumigaw. Pero pwede kitang pasigawin kung nais mo,"sabi niya sa akin.
"Ewwww! Ano bang pinagsasabi mo?!" tanong ko sa kaniya at binatukan ko siya ng sobrang hard.
"Awww! Ang sakit naman no'n! Nagbibiro lang ako, bakit mo ako binatukan?!" Sinungitan ko s'ya ng tingin.
"Bakit ka ba naliligo eh multo ka?!" tanong ko sa kaniya.
"Bakit porket ba multo wala ng human rights? Karapatan ko rin namang mabuhay kahit multo na ako," sagot niya sa akin at ngumuso pa siya sa akin. Excuse 'di niya kina-cute ang ginagawa niya.
"Aksaya ka kaya sa tubig mabuti sana kung nababasa ka talaga," sabi ko sa kaniya.
"Ang baho ko na kaya, baka mamaya magreklamo ka na kasi nangangamoy na ako kaya naligo ako. Mawawalan ka ng dahilan para itakwil ako dahil mabango na ako. I'm irresistible when I'm wet," sabi niya sa akin. Bwisit na lalaki ito, ang hangin talaga niya.

BINABASA MO ANG
[Fallen Wings Series #1] The Ghostly Hunter, Demon and I [EXO Kai ] (Completed)
General FictionPaano kung magkaroon ka ng kakaibang lovestory? Hindi siya cliche dahil sobrang kakaiba niya. Dahil sa lovestory na ito, isang multo at isang poging - poging demonyo ang magkakagusto sa'yo. Because this love story will conquer heaven, earth and ev...