Updated na po ang ILY, Mu mumu! Enjoy reading and don't forget to vote and comment! :)
vii: Zenrick St. Croix
BINUKSAN ko ang cabinet sa unit na ito ni Zenrick at tumambad sa akin ang maraming polo at pantalon na nakasabit dito.Kumuha ako ng isa at nakita ko pa na may tag ang mga damit, halos lahat dito at bago pa at naluma na lamang ng panahon. May taste naman pala si Zenrick noong bata pa siya, sabi nang aking malikot na isip.
"Achoo!" napabahing ako at tumulo ang sipon. "Bakit kahit nakakadiri ka, ang hot mo pa rin tingnan?" biglang sumulpot sa Zenrick sa loob ng cabinet kung nasaan ang mga damit at tumititig sa akin na para bang libang na libang siya sa sipon kong tumutulo.
"Aaah!" sigaw ko sa kaniya at nasara ko ang cabinet ng malakas.Tumulo na yung sipon ko sa lapag at nandidiri kong pinunasan yun ng basahan sa lapag. Agad namang tumagos si Zenrick mula sa cabinet.
"Bakit ka ba pasulpot-sulpot ha?" tanong ko sa kaniya.
"Parang hindi ka na nasanay, eh lahat naman ng multo pasulpot sulpot," sagot niya sa akin. "Sinipon ka na dahil sa ulan kanina. Hiramin mo na 'yang damit na 'yan saka ka magbihis.Magpalipas ka na lang ng gabi dito," saad niya sa akin at naupo siya sa upuan na nakapwesto malapit sa kama.
"Sigurado ka?Mukhang bago pa itong gamit mo eh,"
"Matagal na akong patay, hindi ko rin magagamit 'yan kaya gamitin mo na.Pupunta lang ako sa kusina nito baka may pagkain doon na hindi pa expire na pwede mong kainin," sabi niya sa akin at saka siya nagdis-appear ulit. Kaya iyon, nagbihis ako gamit ang damit ni Zenrick.Wala pa naman akong dalang pera para makauwi sa amin, tapos hindi ko pa alam kung paano ko ipapaliwanag kay Ate na ayaw kong mawala ang third eye ko sa pwersadong paraan.
"Ericka!" sigaw ni Zenrick at muli siyang sumulpot sa harap.
"Aysus maryosep Zenrick!" sigaw ko sa kaniya at tumawa siya sa akin. "Nakakita ako ng chips doon sa December pa mag-i-expire, kunin mo na at ng makakain ka!"sabi niya sa akin at saka ako tumayo pero nanlambot ang paa ko at muntikan akong matumba mabuti nahawakan niya ako.
"Nasalo na naman kita for the nth time," sabi niya sa akin.
"Napagod lang ako kaya nanlambot ang paa ko," saad ko sa kaniya at muli siyang ngumiti.
"Aminin mo na Ericka, Kinikilig ka kapag sinasabi kong meant to be tayo no?" tanong niya sa akin at saka siya kumindat sa akin.
"Mandiri ka nga Zenrick, kahit na kailan hindi ako kikiligin sa multo no!" sabi ko sa kaniya at inilapit niya ang mukha niya sa akin.
"Talaga? kahit gawin ko ito?" tanong niya sa akin at sobrang lapit na ng labi niya sa akin.
"Kahit ano pang gawin mo? Hindi ka naman tao para makaramdam ako ng kilig sa'yo! Kilabot ang nararamdaman ko sa'yo," sabi ko sa kaniya at hinawakan ko ang braso ko nagsisitayuan kasi ang balahibo ko pero mas inilapit pa niya ito.
"Eh pag ginawa ko ito, kikilabutan ka ba?" sabi niya sa akin at dinikit niya ang labi niya sa pisngi ko.Nanlaki ang mga mata ko at muntikan akong mapatalon sa ginawa niya at saka niya inilayo ang labi niya.Pakiramdam ko nanigas ang laman ng pisngi ko pero nag-iinit ang buong pisngi ko.
Napahawak ako sa pisngi ko."Anong ginawa mo?" malakas kong sigaw at nagtatakbo-takbo ako sa paligid ng kama niya kulang na lang ay pumasok ako sa ilalim ng higaan niya.
Nagtatawa naman si Zenrick sa akin. "I kissed you," sagot niya sa akin.
"Wag kang overacting diyan.Hindi naman kita sa labi hinalikan, Ericka," sagot niya sa akin at sumulpot siya sa harap ko para tumigil ako."Pero sa inaakto mo ngayon, parang gusto na rin kitang halikan sa labi mo," sabi niya sa akin at saka niya ini-snap ang fingers niya.

BINABASA MO ANG
[Fallen Wings Series #1] The Ghostly Hunter, Demon and I [EXO Kai ] (Completed)
General FictionPaano kung magkaroon ka ng kakaibang lovestory? Hindi siya cliche dahil sobrang kakaiba niya. Dahil sa lovestory na ito, isang multo at isang poging - poging demonyo ang magkakagusto sa'yo. Because this love story will conquer heaven, earth and ev...