抖阴社区

xxviii. Alive again

1K 30 2
                                        



Hello updated na naman po ang ILY, Mumu! Flood ko ulit total huling 3 chaps na lang ata ang natitira. Mwah! Vomments tayo!

(THIRD PERSON'S POINT OF VIEW)

MALALIM na paghinga ang narinig ni Zenrick mula kay Ericka.Nabuhayan siya ng loob alam niyang magandang balita ang dala ng paghinga na iyon. Paunti-unting tumibok ang puso ni Ericka, ang worn out niyang pangangatawan ay nagkabuhay ulit. Tumigil din sa pag-iyak ang anak ni Ericka sa kalong kalong ni Ria at bigla itong humagikgik at tinuro ang kaniyang Mama. 

"Akin na muna ang bata, Ria..." giit ng Nanay nila habang 'di makapaniwala sa kaniyang nakikita. Inabot naman niya ito habang nakatingin sa kaniyang kapatid na paunti – unting gumagalaw.

"Ericka," sambit ni Ria at lumapit siya sa kapatid niya, nakita niya ang pagbalik ng paghinga nito.

"Mama, si Ericka!" sigaw ni Ria.

"Mama, buhay pa si Ericka!" sigaw ni Ria. Dahan dahan minulat ni Ericka ang mga mata niya at tumambad sa paningin niya si Zenrick. "Oo alam ko anak! Salamat sa Diyos!"bulalas nito.

Pero hindi si Zenrick ang nais n'yang makita. Ang mga tingin niya ay kakaiba na tila ba hindi niya alam kung nasaan siya. Mahigpit siyang nayakap ni Zenrick dala ng galak nito, "Akala ko nawala ka na sa akin..." umiiyak na saad ni Zenrick sa kaniya pero...

Pero ang tingin at attensyon niya ay wala kay Zenrick. Nasa isang Demonyo na nakatayo sa gilid, nagkatinginan silang dalawa. Muli ay ngumiti siya, at sa mga oras na 'yon. Nakaramdam ng antisipasyon si Azazel.

"Aze..." tawag nito sa tonong pamilyar sa kaniya.

Dahan- dahang humiwalay si Ericka kay Zenrick dahil 'di na siya si Ericka. Si Racquel na ang nasa harap nila ngayon. Tumayo na si Ericka na ngayon ay si Racquel at dahan - dahan na lumapit kay Azazel. Inangat nito ang kaniyang kamay at hinawakan ang pisngi ng binate. "Ang tagal kong hinihintay na makita ka ulit..." anito.

Sinubukan ni Aze na maging matigas sa harap nito. Pinigilan niya ang paghaplos nito at saka pabalyang inalis ang mga kamay nito. "Matapos mo 'tong gawin sa akin." Saad n'ya at pinakita niya ang pulang mata niya rito. Tumulo ang luha ni Racquel sa kaniyang nakita., hinawakan niya ang kamay nito pero tinabig lang nito ang kamay ni Racquel. "Patawarin mo ako. Ang tagal ko ng gusting humingi ng tawad sa'yo. Sa lahat, pero Aze... totoong minahal kita. At sinubukan ko, sinubukan kong pigilan si Lucifer per—"

"Sa tingin mo may magagawa pa ang paghingi mo ng tawad ha?" tanong n'ya rito. Umiling si Racquel sa kaniya na tila ba tanggap na niya na walang kapatawaran ang ginawa niya.

"Nasaktan kita, sinaktan kita kahit wala kang ibang ginawa kung 'di ang mahalin ako. Alam ko... alam kong habang buhay ka ng magdudusa ng dahil sa akin. Patawarin mo ako," umiiyak nitong saad.

"Anong nangyayari?" tanong ng Nanay ni Ericka kay Zenrick na gulat rin sa mga nakikita nito. Umiling si Zenrick, he had no idea what was happening at kung bakit si Azazel ang hinanap ni Ericka. But he was sure for one thing, hindi si Ericka ang bumangon ngayon. It was someone else, and maybe she's the reason why Azazel was turned into a Demon.

"Alam mo ba kung gaano kahirap ang magdusa ng 'di man lang nawawala ang pagmamahal ko sa'yo. Na kahit anong galit ko, 'di ko magawang pahirapan ka kasi mahal na mahal pa rin kita." Azazel's eyes was tearing up, no matter how much he tries to be hard, makikita mong nagmahal lang siya. And seeing the person that he once love makes him weak.

"Patawarin mo ako, Patawarin mo ako... Alam kong masama ako. Alam kong galit na galit ka sa akin dahil nilinlang kita. Alam kong wala na akong magagawa kung 'di ito lang. At handa akong mabuhay ng paulit- ulit, handa akong gawin ang lahat kahit kapalit pa no'n ay ang pagdudusa ko. Handa akong gawin ang lahat bumalik ka lang sa dati. Kahit 'di mo na ako mahalin muli, handa akong pagdusahan ang lahat."

[Fallen Wings Series #1] The Ghostly Hunter, Demon and I [EXO Kai ] (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon