Mikaela P.O.V
Habang nagbibihis ako para pumasok sa SNH ay biglang nagring ang cellphone ko.
Calling:
091500****
Huh sino naman kaya itong unknown number?
"Hello?" panimula ko dito.
"Bilisan mo nandito ako sa labas niyo. Sabay na tayo pumasok" sabi ng familiar na boses, dali-dali naman akong tumakbo papunta sa bintana at nakita si Sander na nakasandal sa kotse niya. Bigla naman siyang tumingin at nagtama ang mga mata namin.
"Anong ginagawa mo diyan sa labas?" tanong ko sa kabilang linya.
"Sinusundo ko ang mahal na prinsesa" at kitang kita ko pang nakangiti siya. MAHAL NA PRINSESA?! Huh kailan pa naging corny to?
"Osige na sige na hintayin mo nalang ako baba na" sabi ko dito.
"I'll wait for you. Kahit gaano katagal" sinabi niya iyon pero parang iba ang pagkakaintindi ko.. Hay erase! Erase.. then I hang up..
Bumaba na ako at nagpaalam na. Natanong pa ako nila mommy na Hindi muna ako magbreakfast pero sinabi ko nalamang na sa school nalang dahil baka malate pako.. Buti nalang wala si kuya at baka ihatid pa'ko, makita pa si Sander diyan sa labas.
Nang paglabas ko ay nakita ko siyang binuksan na ang pintuan sa passenger seat at pinaupo ako.. At pagkatapos ay umikot sya para pumunta sa driver's seat at sinimulang magmaneho.
"Nabalitaan ko ang nangyari kahapon. Sorry, kung hindi kita naipagtanggol kay Karen" malungkot na sabi niya.
"Ah hindi okay lang dinaman ako nasaktan eh" sabi ko nalang. Nang makarating ay nagtungo muna kami sa canteen para kumain at pagkatapos ay hinatid na niya ako sa classroom ko.
"Susunduin kita mamaya ah. Sabay tayo maglunch" at bigla niya kong ninakawan ng halik sa pisngi pagkatapos ay tumakbo na siya. Pumasok nalang ako sa room ko at umupo na. Bago dumating ang lec. ko ay binasa ko muna lahat inaral ko kagabi at nang magumpisa ay masaya ako dahil alam ko lahat ng inexam namin, nagtaka panga ako kung bakit ang aga ng examination namin. Dati kasi after ng sembreak doon palamang mageexam.
Nang lunch na ay lumabas na ako at nadatnan si Sander na naghihintay na sa corridor.
"Ah nainip kaba?" tila nahihiya pang tanong ko.
"No, kararating ko lang din" sagot naman niya.
Nang maglakad kami ay bigla niyang hinawakan ang kamay ko kaya napatalon ako, at gusto ko mang tanggalin ang kamay ko ay lalo niya lang hinigpitan, kaya ang mga estudyanteng nadadaan namin ay todo kung makatingin saamin.
Pagkapasok namin sa canteen ay biglang may tumawag saakin.
"Mikaela" lumingon naman ako at nakita si Chandria na nakaupo sa isang mahabang lamesa at kasama Sina Andy, Shane, Alexis at ang StoneCold---- wait parang may kulang, wala si Shantel. Hay erase erase ano bang paki ko doon at dapat ba akong matakot dun?
"Come here and join us" nakangiting sabi ni Shane. Lumapit naman kami. At naupo sa bakanteng upuan.
"Sino nga pala yang kasama mo?" tanong ni Nathan "Friend" sabi ko nalang alangan sabihin kong suitor nakakahiya kaya..
"Ah akala ko body guard mo" at bigla siyang tumawa.
"Manliligaw niya ako" seryosong sabi naman ni Sander, tsk! diko nanga sinabi..
"Seriously" pang aasar naman ni Alexis.
Ngunit imbes na sagutin ay kumain nalang kami at ng matapos ay pumasok na ulit.

BINABASA MO ANG
Different Couples (COMPLETED)
Teen Fiction"I'm ending my relationship with you. There is no 'US' anymore. Wala nang tayo." -Rose Andy "Hindi ko akalain na hihiwalayan mo ako sa mababaw na dahilan. Sana sinabi mo para parehas tayong lumaban" -Mikaela "Hindi naman kita lolokohin habang nasa m...