Axel P.O.V
"Amanda, nasan ka? Hinahanap ka na nila Mommy. Mag new new year na tapos wala ka pa dito? Susunduin na kita" sabi ko kay Amanda sa cellphone. Sinabi niya kung nasan siya at gaya parin ng dati niyang pinupuntahan.
Nung nandun na ako ay nakita ko siya sa labas ng pintuan ng isang VIP Room.
"Hey, Amanda. Bakit nandito ka?" tanong ko sakanya.
"Uuwi na sana ako, e. Kaso hindi ko maramdaman yung paa ko" sabi niya. Lasing na siya. Wala na siya sa sarili e. Tinayo ko siya tapos ay humagikgik siya.
"Mahal kita, Axel. Be mine please" sabi niya saakin "Ikaw nalang ang makakasama ko dahil iniwan ako nila Mommy. Ikaw nalang ang kukumpleto saakin. I'm inlove with you, Axel" sabi niya tapos ay hinalikan ako. Sa pagkabigla ko sa ginawa niya ay naitulak ko siya ng hindi sadya. Alam kong nasaktan ko siya doon.
"Kiss me. Because if you don't I will kill myself. Mahalin mo naman ako, Axel. Kahit ngayon lang---" hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya dahil hinalikan ko siya. Alam ko na kapag sinabi ni Amanda ay gagawin niya, kahit pa na ikapapahamak niya. Natatakot lang ako na patayin niya ang sarili niya.
Mabilis ko na siyang binuhat at inalis sa lugar na iyon. Nandito na ako sa bahay at hindi pa nakakaalis ng kotse ng biglang tumawag si Rose.
"B-babe, Please go here at Mary Christina Park" yun lang ang sinabi niya tapos ay binabaan na ako. Nung last naming pagkikita ang cold niya, tapos nung nakaraang araw ay hindi siya nagpaparamdam. Bakit siya nagkakaganito? Bakit pakiramdam ko nagbabago na siya?
Nang makarating ako ay tila napakabilis ng nangyare at biglang hiwalay na agad kami. Bakit siya sumusuko? May nagawa ba akong mali? Hindi ko naman siya niloko ah. Kahit anong pilit niya. Hindi naman siguro panloloko yung nakita niyang magkayakap kami ni Amanda, may rason ako nun.
Ang tanga, Axel! Hindi niya alam ang dahilan mo kaya pinipilit niya na niloko mo siya.
Malungkot kong sinalubong ang bagong taon. January 1 ay pumunta ako sa bahay nila Rose. Gusto kong maayos pa. Alam kong pwede pa tong pagusapan.
Nagdoorbell ako ng ilang beses hanggang sa inuluwa ng pinto si Tito Andrew, papa ni Rose.
"O, hijo, ikaw pala yan. Halika pumasok ka dito at magalmusal ka" sabi niya saakin sabay akbay. Close kami ni Tito at pasado daw ako para kay Rose.
"Uhmm Tito, busog pa po ako. Pwede po bang matanong kung nasan si Rose?" malumanay kong tanong bago kami makapasok sa bahay nila.
"Alam ko ngayon ang flight nila, e. May pupuntahan sila pero hindi ko na matandaan kung saan" sabi ni Tito. Flight?! Aalis siya?!
"Tito, saang airport?!" bigla kong sigaw. Sinabi naman ni Tito kung saang airport. Hahabulin ko siya.
Ngunit wala akong Rose Andy na naabutan. Iniwan niya ako.
Umuwi akong parang talunan. Nang mga nakaraan na araw ay wala talaga ako sa sarili. Nakakalimutan kong maligo, magsipilyo, o kung ano man na gawain na kapabayaan sa sarili. Parang biglang tumigil ang pagikot ng mundo ko.
Monday na ngayon, January 8. Imbis na sa classroom ako dumiretso ay pumunta ako sa pinakadulo ng Silver National High, kung saan maraming nagaaway, mga maraming may bisyo at kung ano pa. Sabi ng iba na ang pagsisigarilyo daw ay stress reliever kaya gusto kong i-try baka sakaling maibsan yung sakit.
"Pare, bago ka dito no? Try mo to. Masarap yan" bungad saakin ng isang matabang matangkad at may kaitiman.
"Thank you. You are?"

BINABASA MO ANG
Different Couples (COMPLETED)
Teen Fiction"I'm ending my relationship with you. There is no 'US' anymore. Wala nang tayo." -Rose Andy "Hindi ko akalain na hihiwalayan mo ako sa mababaw na dahilan. Sana sinabi mo para parehas tayong lumaban" -Mikaela "Hindi naman kita lolokohin habang nasa m...